Darren Santos
Ito na ang araw na kinatatakutan ko, kinakabahan ako, para nga akong baliw na ginagawa ko pero tulad ng ng napag usapan, hindi nga talaga ako iniwan ng tatlong kolokoy na to.
"Umayos ka nga, Bret." Tulak sakanya ni Mike.
"Bakit ba? Gusto ring sumilip." Naka ngusong sabi nya.
"Wag kayong magulo, pag uuntugin ko ulo nyo ey." Sabat ni Lucas. Napa iling na lang ako.
Ano kaya kong umalis na lang ako? Pinag titinginan na nga kami, hindi pala ako kundi silang tatlo. Sikat kasi sila bilang isang banda. Ako lang naman ang hindi kilala sa school. Ordinary lang. Kaya takang-taka ako kung bakit nasama ako sa kanila.
"Tangina!" Sabi ni Mike.
"Bakit?" Taranta ko.
"Andyan na sya." Sabi ni Bret at hinila ako ni Lucas palapit sa railings.
"Mukhang maling idea to." Sabi ko. At masama ang tingin nila saakin.
"Ang tunay na lalaki walang kinatatakutan." Ani Bret.
"Walang kinikilingan." Sabat ni Lucas.
"A walang pinapanigan." Masayang sabi ni Mike kaya mas lalong kinabahan ako pero wala na akong nagawa ng itulak nila ako.
"Sabay tayo sisigaw ng I love you okay?" Payo ni Lucas. Tumango ako at pikit matang humarap na ako sa nag daraang mga estudyante. "Isa.. Dalawa.. Tatlo--"
"I LOVE YOU!" Halos lumabas ang litid ko sa pag sigaw. Pikit mata pa ako ng marinig kong may nag halakhakan sa likod ko. Nag mulat ako at nakita ko nila sa baba ang mga estudyanteng weird kong makatingin saakin. Sa sobrang hiya ko ay agad na tumalikod ako at hinila naman na ako nila Mike palayo doon sabay silang nag tawanan habang ako naman ay halos lumabas na sa katawan ko ang puso ko dahil sa pinag halong takot at kaba.
Plan #2 : Give her a bottle of sweet drink with sticker.
Kahit ayoko nang ipag patuloy ang mga kalukuhan nila ay wala akong nagawa kundi ang sumunod sa inuutos nila.
"Kaya mo yan, Pre." Cheer up saakin ni Lucas. Binigay ni Mike saakin ang isang C2 at dinikitan naman yung ni Bret ng heart sticker.
"Bakit heart?" Agad na angal ko.
"Ano ba gusto mo? Angry bird?" Sapaw ni Mike. Nailing na lang ako.
"Tara-tara na." Hinila na kami ni Lucas mula sa labas ng library. "Nandoon sya oh." Turo pa nya Kay Richie na tahimik lang na nag babasa ng libro. Mukha talaga syang anghel.
Napangiti ako, Parang gumaan yung kalooban ko. Parang feel ko jackpot na ako habang naka tanaw lang sakanya sa malayo. Ayoko nang matapos ang oras na to.
"Hoy! Totoy makinig ka nga." Tulak saakin ni Bret na ikina balik ng ulira't ko.
"A-ano ba yun?" Tanong ko.
"Hawakan mo to dali." Kinuha ko naman ang C2.
"Pag tumayo sya para kumuha ng bagong libro bilisan mo ang pag lalagay dyan okay?" Tumango-tango ako sa sinabi ni Lucas.
"Wag kang tatanga-tanga dito ah." Sabi pa ni Mike. Sinamaan ko sya ng tingin. "Oh Bakit?"
"Ikaw lang naman ang tanga dito." Sigaw ni Bret sakanya kaya ayun nag sapakan na naman sila. Napailing na lang ako.
"Dali, Ren, tumayo sya." Kumalabog na naman ang puso ko. Ni hindi pa ako naka kuha ng buwelo ng itulak nila ako kaya mabilis na pinuntahan ko yung table nya at walang lingon-lingon na nilapag ko doon ang C2 sa tabi ng cellphone nya at patakbo nang nag tungo sa mga pahamak kong kaibigan.
"Kinakabahan ako." Sambit ko.
"Wag ka ngang pa-pepe dyan." Nailing na lang ako sa sinabi ni Mike. Sabay-sabay kaming sumilip ng dumating si Richie doon at kinuha ang C2, palingon-lingon pa ito kaya sabay kaming nag taco. Sumilip ako ng palihim at suntok sa buwan ang ngiti ko ng makita ko ang maganda nyang ngiti at uminom mula doon.
"Hali na kayo." Kinikilig na sabi ko at hinila ko na palayo mula roon sila.
"Aysuus. Kinikilig si putotoy." Tukso saakim ni Mike.
"Wag kang kiligin. May plan pa tayo." Akbay saakin ni Bret at nakiakbay na rin si Lucas at Mike saamin.
Ilang araw rin akong pabalik-balik sa library para palihim nanbigyan sya ng maiinom at syempre nasa likod ko lang naman tong tatlong kulukoy na to.
Halos hindi na rin sila minsan nag pa-practice para tulungan ako sa mga next move ko mapansin lang ako ni Crush.
Nasabi ko na ba na napaka swerte ko rin na nakilala ko sila? Oh well. ^__________^