Stalker 4

135 6 0
                                    

Darren Santos

Day two ng Plan 3: Be Close To Her kaya nag tulakan pa kami kong sino ang mauunang pumasok sa cafeteria nitong umaga. Humugot ako ng hininga at lakas ng loob. Inayos ko ang nagusot kong uniform at bag.

Lumapit ako sa counter kong saan nandoon si Richie busy sa kaka bigay ng order ng mga ka schoolmate namin. Kahit saan talagang angulo ang ganda nya.

Sa tuwing nakikita ko syang nag ta-trabaho hindi ko lubos maisip ang pagod na pinag dadaanan nya as a working student. Masipag sya at alam kong yun din ang isa sa mga katangian nya na nagustuhan ko ng sobra-sobra.

"Good morning, Sir." Heaven. Marinig ko lamang yung malamyos na Boses nya feels heaven na talaga ang nadarama ko. "Sir?" Napapitlag ako ng maramdaman ko yung malambot at malamig nyang kamay sa braso ko.

"A-hah?" Doon ko na pansin na kanina pala ako naka tayo sa harap habang naka tulala sakanya. Puno ng pag tataka ang mukha nito.

"Sir?" Ulit nya. Napa kurap-kurap ako.

"A-ahh hi." Halos gusto kong mag palamon sa lupa sa nasabi ko. Napa ngiti ito na mas lalong ikina bilis ng tibok ng puso ko. Aatakihin na ata ako nito.

"Hi din po. Mm. Ano po order nyo?"

"Hah?" Parang gusto ko na naman batukan sarili ko. Muli ay napangiti ito.

"Order nyo po, Sir. Marami po kasing nag hihintay sa likod nyo." Walang anu-ano ay lumingon ako sa likod at naka busangot na yung itsura nung mga estudyante sa likod ko. Binalingan ko ulit si Richie.

"Amm. Isang tuna sandwich and C2." Sabi ko na lang para hindi na ako medyo maabutan ng siyam-siyam kakatitig ko sakanya.

"Coming sir." At tinalikuran na nya ako para kunin ang order ko.

Suntok sa buwan ang saya ko, Hanep talaga ang araw ko ngayon. The best! Sabi ko na nga ba, mas maganda parin talaga sya sa malapitan. Yung tipong napaka amo ng mukha nya. Hindi kailan man mag kakaroon ng galit sa kapwa.

Effective talaga yung planong ito ng tatlong iyon, pa balik-balik at paulit-ulit na order ko ang Sandwich at C2 yung tipong sawang-sawa na ako sa lasa nun araw-araw pero kaya kong pag tyagahan para sakanya.

Para makita ko man lang sya o makausap sa malapitan. Solve na solve na ang araw-araw kong pag punta sa school. Sana noon pa ako nag karoon ng lakas ng loob na lumapit at kausapin sya kahit tungkol lang sa order ang usapan at least nasasave ko yung conversation namin Diba?

Wala na ring palya yung mga litratong nakukuha ko sa tuwing sasakay sya sa bus o papasok sya sa school, Parang nag ka roon ako ng motivation to captured every second of her face cause damn it she's the most beautiful art I've ever seen in my life. In love ako. Oo yun ang tamang salita na nababagay sa nang yayari ngayon saakin. Hindi na basta pag hanga ito.

She's like a piece of art that I'll keep in my heart and soul. A beautiful art of mine.

"Lakas ng ulan pare." Dinig kong sabi ni Mike kaya pati ako ay napasilip na rin mula sa labas ng classroom.

Malakas nga ang ulan, stranded din yung mga estudyante na nag daraanan at uwian na sa mga oras na to.

"Naiisip nyo ba ng naiisip ko?" Sabi pa ni Mike.

"Kung gusto mong maligo at mag tampisaw sa ulan bahala ka sa buhay mo, wala kang maloloko nito." Sigaw sakanya ni Bret.

"Gago hindi yan ang iniisip ko. Akala ko ba mins reader ka?" Sigaw nya pa balik.

"Tama na yan." Awat ni Lucas. "May ideya ako sa iniisip mo Mike. At alam kung iyong din ang iniisip mo Tama ba ako Ren?" Nilingon ko sila, at ngumiti.

"Hayop talaga." Natatawang sabi ni Bret.

"Akalain mo yun? Si Lucas pala ang mind reader?" Kutya ni Mike.

"Tumigil ka Mike, sasabunutan kita." Nag tawanan na lang ulit kami at gaya ng napag planuhan na naman namin.

Basang-basa sa ulan na tinungo namin ang walang katao-tao na cafeteria pero nasisigurado namin na nandoon pa sa loob si Richie.

"Ikaw na mag lagay." Bigay saakin ni Mike ang yellow na payong.

"Ayusin mo hah, buti hindi ako nakita ni Esme nung kinuha ko yan." Sabi pa ni Bret. Kinuha ko iyong at humugot ng hininga.

"Fighting pre." Pampalubag loob na sabi nila. Mala ninja na nag tungo ako sa pinto ng cafeteria at nilagay ko kung saan alam kong makikita nya agad yung payong. Patakbong bumalik na ako sa tatlo at nag tago na kami.

Ilang oras na kaming nag hihintay, kanina na rin nag rereklamo si Mike na giniginaw na sya pero mas lalong tinutulak sya ni Bret sa ulan kaya nag bangayan na naman sila.

"Mapapansin kaya nya iyon?" Sabi ko sabay silip mula roon.

"Makikita nya yan." Sabi ni Lucas.

Hindi naman nag tagal-tagal ay lumabas mula roon si Richie. Hindi na naman mawala ang ngiti sa labi ko. At napansin nya yung payong.

"Na pansin nya." Masayang sabi ko.

"Ssshhh." Saway ni Lucas.

Manghang-mangha si Richie ng mabuksan nya yung payong na napuno ng emojies na gawa ni Mike. Palingon-lingon sya buti na lang nasa tago kami.

Hinarap ko yung tatlo na todo ang ngiti saakin. Nakakabakla mang sabihin pero gusto silang yakapin pero hindi ko naman ginawa. Itinaas nila yung kamay nila at masayang nag appear ako sakanila.

Sumilip ako ulit at hangang ngayon hindi mawala yung ngiti sa mga labi ni Richie, a precious smile of her. Kilig si ako.  ^////////^ .

Ang Dakilang Stalker (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon