Chapter 1 //Our World//

237 7 0
                                    

Kung inaakala nyo na normal lang ang mundo namin, pwes hindi. Lahat ng tao dito sa mundo namin, pantay-pantay. Walang mayaman, walang mahirap. Ang mga tao dito sa mundo namin, pwedeng magpaincarnate, pwedeng tumagal ng ilang taon. Pero bawal ang mag anak kung gusto mong magtagal dito sa mundo namin.

Pero lahat ng bagay dito sa mundo namin, puro likhang tao. Pangit mang isipin at pakinggang, pero wala ng natitirang mga likha ng Diyos dito. Syempre, nagsisimba parin naman lahat ng tao dito pero iba ang simbahan namin dito. Mas malaki at mas hightech. Wala ng bibliya. Lahat ng nasa bibliya, nasa Elitepod nakalagay.

Iba ang mundo namin. Ibang-iba..

LOVENATTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon