Almuranas

7.7K 110 31
                                    

“Nakakatuwa ka talaga!”

 

“Hahaha! Natutuwa ako sa iyo.”

 

“Ikaw talaga, nakakatuwa ka.”

Clichéd. Overused. Redundant.

Para akong laging nabibigo sa tuwing sasabihin mo ‘yang takteng adjective na ‘yan. Palagi na lang ganyan kasi, kahit anong gawin ko natutuwa ka. Tapos paulit-ulit pa. Parang echo, matic na ‘yan ang sasabihin mo sa tuwing babanat ako ng pickup lines sa iyo, o sa tuwing magpapapansin ako o sa tuwing guguluhin ko ang tahimik na araw mo.

Utang na loob, Ikay! Hindi ako clown!

Bakit ba hindi mo maintindihan na lahat ng pickup lines ko ay seryoso? Bakit hindi mo ma-gets na ‘yung mga love letters na ipinapadala ko kay George o kay Jepoy eh totoo?

Takte naman, Ikay!

Utang na loob, kiligin ka naman!

Nasa kalagitnaan ako noon ng paglalakad papunta sa canteen nang makita na naman kita. Napakaganda mo naman kasi talaga, Ikay. Ang hirap kasing hindi mapalingon sa iyo kasi sa totoo lang, isang taon na yata kitang crush o baka higit pa. Kahit na madalas napakasungit mo sa akin, at hindi yata dadaan ang isang araw na hindi mo ako iirapan, binabawi mo naman ‘yun sa tuwing sasabihin mong nakakatuwa ako.

Bumibili ka noon ng siomai sa babaeng tindera na hindi ko maintindihan kung bakit palagi rin mainit ang ulo.  Nanghingi ka pa ng extra chili toppings, ang hilig mo sa maanghang! Nandoon ako sa likod ninyo ni Nona at tahimik lang na naghihintay na lumingon ka at nag-iisip na naman ng mga pickup lines na baka sakaling mapakilig ka na.

“Baka magka-almuranas ka na nyan sa dami ng sili dyan sa siomai mo. Sana pala sili na lang binili mo at pinatakan natin ng kalamansi. Baka nakatipid ka pa ng bente.”

Tiningnan mo lang ng masama si Nona at kumuha ka ng isa pang pirasong siomai sa lalagyan niya at kinain mo ‘yun. Mautak ka talaga. Alam mong hindi siya pwedeng kumuha sa iyo ng siomai dahil may almuranas si Nona at bawal sa kanya ang maanghang.

“Nona, ikaw lang naman ang may almuranas sa ating dalawa eh.”

 

Gusto kong humagalpak sa tawa dahil na-hard mo na naman si Nona pero magmumukha akong shunga dahil mag-isa lang ako at medyo maraming estudyante doon na mag-isa din pero hindi naman tumatawa.

“Kaya nga binabalaan ka para hindi ka matulad eh.”

 

“Sus.”

“Buti hindi nagsasawa si Terd na kulitin ka noh? Mahigit isang taon na umaaligid sa iyo ‘yung Mokong na ‘yun ah!”

Nakita kong tinapunan mo ng matatalim at parang samurai sa Fruit Ninja mong irap si Nona na noon ay paubos na ang kinakaing siomai. Kahit kalian talaga hobby mo ang mang-irap ng kapwa.

“Nona, nakakatuwa lang talaga ‘yung si Terd. Puro kalokohan. Parang bata! Saka hindi siya ‘yung tipo ng taong nagseseryoso noh.”

“Mukha namang seryoso ‘yung si Terd ah. Bukod sa hindi lang talaga siguro siya pala-suklay at wala siyang ibang kulay ng damit kundi puti, maong na sira-sira at itim na Chuck Taylor—“

“Naku, Nona. Hindi si Terd ang tipo ko. Pero nakakatuwa kasi talaga siya.

 

Sa pagkakasabi mo noon ay parang inihaw ang punong-tenga ko sa init. Ginamit mo na naman ‘yung favorite mong adjective para sa akin, Ikay! Nakakainis ka na! Sa inis ko ay lumapit ako sa iyo at humarang sa nilalakaran ninyo ni Nona. Gulat na gulat si Nona nang makita niya ako, malaki na nga ang mata niya, pero mas nanlaki pa nang sumulpot ako sa harap ninyo. Parang nakakita ng multo.

“T-terd?”

Naiinis ako sa iyo kasi para kang pumapak ng anesthesia sa sobrang pagkamanhid mo. Lidocaine ba ang pinangkakape mo sa umaga? Bakit ba wala kang maramdaman?

Bakit si Teppy nahulog naman agad ‘yun sa akin nang banatan ko ng isang mabangis na pickup line.

O si Sandra, nung tinanong ko kung tikoy ba siya, kinilig kahit minura ko kasi feeling tikoy amputa.

Si Jenny, binilan ko lang ng gulaman at sago saka tig-pipisong kwek-kwek, halos mabaliw na nang hindi ko na siya pinapansin kinabukasan.

Bakit ikaw?

Tangina, tuwang-tuwa ka lang. Hindi ka man lang kiligin? Ano lang ba alam mong pakiramdam? Tuwa lang talaga? Matuwain ka, ano?

“Ikay, hindi ako clown! At hindi ako natutuwang natutuwa ka lang sa akin.”

Tatalikod na sana ako nang maalala ko ang sinabi ni Nona. Bumalik ako sa pagkakaharap sa kanilang dalawa.

“Sadya yung pagkakasira-sira ng maong ko. Design ‘yun Nona. Design. Disenyo. Pashon!”

Tatalikod na talaga sana ako nang maramdaman kong gutom na pala ako kaya kinuha ko mula sa kamay ni Nona ang nag-iisang siomai sa paper plate niya. Tumingin ako sa iyo, at nahuli kitang nakatingin din sa akin. Kinain ko ang siomai ni Nona at tuluyan nang tumalikod sa inyo.

Nakakainis ka!

Porke ba ganito ang itsura ko? Porke ba hindi ako madalas magsuklay? Porke ba puro sa pickup lines ko idinadaan ang mga banat ko eh hindi na ako marunong magseryoso?

Bakit? Ano ba ang seryoso sa iyo?

“T-terd, sandali!”

Sa inis ko, kahit paborito ko pang tunog sa buong universe ang boses mo, hindi kita nilingon. Nilunok ko na ang siomai ni Nona at nagpatuloy sa paglalakad.

Kasakit Ikay.

 

Hindi nakakatuwa.

 

 --

NAKAKATUWA KA TALAGA!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon