Hello Kitty

2K 76 6
                                    

“Papsi!”

Halos malaglag mula sa bibig ni Papsi ang yosi niya nang makita niya ako.

“Teresita? Wow! Gagong gupit ah!”

Lumapit ito sa akin at ginulo-gulo ang buhok kong spikey na medyo long back na kahawig ng buhok ni Tina Suppanad. O, taray!

“Ano ba! Magugulo ang buhok ko. Naman to eh.”

“Hahaha! Arte mo ah. Bakit nagpagupit ka? Himala.”

Bumalik na ito sa paglalaro ng Dota at naadik na naman sa monitor ng PC. Parang ang bilis nakalimutan na meron siyang apo dito na sooobbbrrraaanng gwapo.

“Kasi pupunta ako sa pasayaw ni Kapitan sa plaza sa isang gabi, Papsi.”

“Nandoon si Ikay? Naku matutuwa ‘yun kasi nagpagupit ka na!”

Matutuwa na naman?

Rinding-rindi na ako sa takteng salita na ‘yan.

“Psh. Badtrip.”

“O, bakit mainit na naman ulo mo?”

Padabog kong inilagay ang penny board sa likod ng pinto at lumapit ulit kay Papsi. Naalala ko wala pala akong isusuot sa sayawan. Puro kasi sira-sira ang design ng pantalon ko. At puro puting white t-shirt ang laman ng cabinet ko.

“Papsi…”

“Wala akong pera, Teresita.”

“Papsi, mababasted ako pag di mo ako binigyan ng pambili ng damit.”

Kakamot-kamot sa ulong tumayo ito mula sa pagdo-Dota, lumapit sa ref at may kinuha.

“O, ayan, pinagbentahan ng yelo. Ipambili mo ng Amerikana. Utang na loob, Terd wala akong pera. Hindi pa nagpapadala ang mga Ate mo. Pati ang mga magulang mo!”

Binilang ko ang inabot niyang pera sa akin.

Isandaan. At saka mamiso at tig-lilimang-piso.

Sige, pwede na ito!

Dali-dali akong tumakbo palabas ng bahay at hinagilap si George. Doon lang naman kasi nakatambay ‘yun palagi sa tindahan ni Aling Edith, lagi nanonood ng nagda-dama tapos nakikikain ng kornik ng mga matatandang naglalaro.

“George!”

Halos himatayin ito sa gulat nang kabugin ko siya sa likod. Nabulunan pa si gago dahil kumakain ng kornik.

NAKAKATUWA KA TALAGA!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon