Lugi sa Puhunan

1.6K 81 15
                                    

Mula nang araw na iyon, hindi mo na naman ako tinantanan kung bakit Pacifica at hindi Teresita ang ipinangalan ko sa restaurant ko. Tapos kinukulit mo pa ako na ikaw na lang ang magdedesign ng interiors nito kasi isa ka ng papasikat na interior designer dahil na-design mo na ang banyo ng isang sikat na Senador.

Wala naman talaga akong masabi sa galing mong mag-ayos ng mga gamit, Ikay. College pa lang tayo, talaga namang sobrang selan mo na sa pag-oorganize. Mula sa bag, sa sapatos, pati yata sa buhok mo, lahat magkakalinya. Yung nga lang pagdating sa pagkain, clumsy ka talaga. Para kang bungal kung kumain. Ang dungis mo!

"Isama mo na kasi ako sa Pacifica, Terd. Para makita ko kung paano natin idedesign 'yung place. Hindi naman ako maniningil ng mahal eh. Pameryendahin mo lang ako okay naman na 'yun sa akin."

 

"Ikay, hindi ba sinabi ko na sa iyo na meron na nga ako nakuhang magdedesign ng Pacifica. Magsisimula na rin siya, nakakahiya naman kung ngayon ko pa ipu-pullout."

 

Bigla mo akong pinanghabaan ng nguso. Ganyan ka naman kapag hindi mo nakukuha ang gusto mo eh. Dinadaan mo ako sa ganyan kasi alam mong hindi ko yan kayang tiisin. Bumibili ako ng yelo noon sa tindahan ni Aling Edith. Mainit kasi, tapos ang hot mo pa sa suot mong maiksing shorts na mas nauuna pang makita ang bulsa. Lalo tuloy uminit.

"Aling Edith, babalikan ko na nga lang ho itong yelo."

 

Kinuha ko ang kamay mo ang madaling hinila ka papunta sa garahe namin. Mula nang masira ang penny board ko, hindi na ako muli pang bumili ng bago dahil lahat ng pagtitipid ay ginawa ko para lang maitayo ang Pacifica. Ilang kanto lang din naman ang layo nito sa bahay kaya hindi na kailangan ng sasakyan.

Kinuha ko ang motorbike na regalo sa akin ni Papsi. Sa totoo lang, pinaganda lang nila ito ng mga kumpare niya doon sa welding shop. Alam ko kasi nabili lang niya ito doon sa kumpare niyang natalo sa pusoy eh. Pero ngayon, maganda na siya, at may mga banderitas pa.

"Halika na!"

Nagtataka kang tumingin sa akin. Bakit ganun? Kapag nagtataka ka o nagugulat, para kang yung mga bidang babae sa Koreanovela. Ang hilig mong ngumanga habang bilog na bilog ang bibig? Hay naku! 

"Halika na. Ano pa bang hinihintay mo?"

 

"S-saan?"

 

"Sa Pacifica, saan pa? Halika na, angkas na!"

Dali-dali kang umupo sa likuran ko. Iniyakap mo ang dalawang kamay mo sa likuran ko. Mahigpit. Hindi ko tuloy alam kung paano ko papaandarin itong motor ko. Uunahin ko ba ang kiligin, o uunahin kong pindutin ang start button?

NAKAKATUWA KA TALAGA!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon