Simula

5.3K 152 2
                                    

Kung titignan ngayon ang palasyo di mo aakalaing ito'y pinaghaharian nina Haring Leo at Reyna Luna na pinakamalakas at masiyahing nilalang sa Mystica.

Ang dating, makulay at masayang Mystica ay sinakop ng dilim at lungkot.

"Siguradohin niyong pagbalik niyo ay dala niyo na ang aming kambal, maaari na kayong umalis." malumanay na sabi ng hari sa mga kawal.

Isang buwan na ang nakalipas nang matapos ang kaguluhan pero di pa rin nahahanap ang kambal.

Nagsimulang dumaloy ang mga luha ni haring Leo na halatang kanina pa niyang pinipigilan na lumabas.

Niyakap siya ng kaniyang asawa at sinabihang magiging maayos lang din ang lahat.

"Darling, please be strong. Our twins still need us. I can feel that they're still alive." pagpapagaan niya sa loob ng kaniyang asawa.

"I know Luna, kaya lang di ko lang talaga maitatago itong nararamdaman ko. Nag aalala na talaga ako sa kambal, mahal." sabi ng hari kasabay ng pagbuntong hininga nito.

3 Days After...

Biglang napatayo ang mag kasintahan ng bumukas ang malaking pinto ng kanilang kaharian at iniluwa doon ang mga kawal.

"Nasaan ang ibang kawal Diegonas?" tanong ng hari sa kaniyang punong kawal. Tinignan siya neto ng may nakakalungkot na tingin.

"Paumanhin po haring Leo ngunit kahit na meron kaming masayang balita ay meron din kaming  nakakalungkot na balita para sa inyo."sabat ng punong kawal sa kaniya na halatang kabado na sa magiging reaksyon ng hari.

"At ano naman yang masayang balita, Diegonas?" kinakabahang tanong ng reyna. 

"Nakita na po namin ang prinsesa mahal na hari at mahal na reyna." nakangiti netong sabi sabay pakita sa prinsesang mahimbing na natutulog ngunit, makikita sa mga mata neto ang pagkailang.

" My precious Cyra," bulong ng reyna sabay takbo patungo sa prinsesang natutulog.

"Nasaan si Cira, Diegonas?" nagugulohang tanong ng hari. Ilang minuto na pero di pa rin nakasagot ang punong kawal.

"Uulitin ko, Diegonas. Nasaan ang prinsesa Cira!" sigaw ng hari. Bumuntong hininga ang punong kawal at lumuhod sa harap ng hari.

"Haring Leo, ikinalulungkot ko pong sabihin na di po namin nahanap ang prinsesa Cira, ngunit may nakapagsabi po sa amin na nakita po nila ang prinsesa na buhat ng isang kalaban noong digmaan, ginawa na po nila ang lahat para makuha at mailigtas ang prinsesa ngunit bigla na lang daw nawala ang kalaban na parang bula dala dala ang prinsesa. Patawad po mahal na hari."

Biglang napaupo ang hari habang nanghihina.

"Hindi! Alam kong andito lang ang anak ko. Pakiusap, huwag kayong titigil sa kakahanap sa kaniya, ang anak ko. Andito lang siy---" napatigil  sa kakasigaw ang reyna ng bigla siyang yakapin ng prinsesa Cyra.

" Mommy, stop crying. Paglaki ko, I'll find my twin sister. I promise," sabi ng prinsesa habang pinupunasan ang mga luhang nanggaling sa mata ng kaniyang ina.

"I will find you my twin sister, I know you're strong. Please be strong for us wherever you are. Di ba sabi mo sa'kin basta't mahal mo, maaalala mo sila kahit na kung magkahiwalay sila. Kaya sana you'll still remember us. We love you, my twin."

="="="="="=

"You must believe in yourself,

If you want to succeed something."

The Supernatural TwinsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon