Chapter 21: Creatures

1.8K 60 2
                                    

Storm's P.O.V 

Hahabulin pa sana ni Hayden si Cira na nasa mga Darkesians ng bigla na lang silang naglaho na parang bula.

Shit.

"I can't track her, pero sigurado ako na dadalhin nila si Cira sa Dark Kingdom." Sabi ko sa kanila habang pinipilit pa rin na e-track si Cira.

Biglang napaupo si Cyra kaya tinabihan muna siya ni Aira. Normal lang naman na magkaganyan siya, lalo na dahil parang kapatid na ang turingan nila sa isa't isa. Lahat naman kami nag aalala.

"Oh, there are you! Where that stupid girl is? Uhm what's name of her again, Cira. Yeah she where is?" Tss. Trying hard din talaga tong si Cleothe eh. Remember her? 

(A/N: If not, read niyo na lang uli ang chapter 2. Siya yung bully sa Mystica Academy.)

"Watch your words Cleothe, baka masapak na talaga kita dyan. At ayusin mo nga muna grammar mo girl bago ka diyan mang api!" Sigaw ni Cyra sa kaniya sabay pakita ng kapangyarihan neto na nilalaruan pa niya sa kanyang mga kamay. 

First time kong nakita ang kapangyarihan ni Cyra. Parang pinaghalo lahat ng elements pero kulay silver lahat tas may parang mix na purple.

Napakurap kurap pa muna si Cleothe bago tumalikod sa amin at mabilis na tumakbo. Takot nga rin pala talaga yun kay Cyra.

"Guys, nasaan si Monique?" Biglang kumabog ng malakas ang aking dibdib sa narinig kong pag sigaw ni Jill. Napatingin ako sa kaliwa ko kung saan siya naka-upo kanina pero wala na siya dun.

Another Shit! Di ko alam ang nangyayari pero bigla na lang nandilim ang paningin ko.

Tatakbo na sana ako ng bigla akong sinampal ng kung sino. Napatingin ako sa kaniya ng may naniningkit na mga mata.

 What the heck? Why did you do that, Cyra!" Sigaw ko sa kaniya. I definitely can't calm down myself right now!

"Stop it Storm, will you? Don't make any moves kailangan natin magtulongan para mahanap natin sila. We all know naman na gagawa talaga si Monique ng paraan para mailigtas ang mga nanganganib na malapit sa kaniya, kaya I'm sure na ililigtas niya si Cira. We have to think twice bago gumawa ng kahit na ano let's plan things out and work together, Alright?" Tinanguan ko na lang si Cyra sa sinabi niya, actually she really is a good leader. Kaya lang di ko talaga mapigilan na mag alala ng todo kay Cira lalo na kay Monique.

I won't let them hurt you, Monique because if they will, they'll pay for it. And I'm sure of that.

"So, what's the plan?" Naka smirk kong tanong saka tinignan sila isa-isa. Bigla silang ngumiti at nagsimula na kaming magbigay ng mga opinion namin.

Kagaya nga ng plinano namin, eto na kami ngayon sa dorm at kinuha na ang lahat na pwede naming gamitin. 

"Let's go Royalties," seryosong sabi ni Blaze at bumaba na ng dorm. 

Tahimik lang kami na naglalakad patungo sa Dark Kingdom pero mukhang pabalik balik lamang kami. Nadaanan na namin to kanina,  tandang tanda ko pa yung mga malalaking puno.

Caricians...

"Guys, concentrate. Tandaan niyo, huwag na huwag kayong magpapadala sa temper niyo." Mahinang sabi samin ni Cyra at nagpatuloy na sa paglalakad.

Ang Caricians? Sila yung creatures na maliliit parang mga tutubi pero kulay asul may mga kaakit akit silang diyamante sa kanilang buhok pero kelangan mong mag ingat sa pag titig sa kanila dahil minsan, di mo lang alam pero na hy-hypnotize ka na nila. Ganiyan sila ka panganib.

"Uhm, guys. May ano--- uhm.. May--an..."

"Ayusin mo Jill, ano yun?" Seryoso kong sabi sa kaniya. Itinuro niya ang likod ko gamit ang kaliwa niyang kamay. Bigla akong nanigas at dahan dahang tumingin sa likod ko, isang malaking wolerian. Ang wolerian ay isang klaseng wolf na mas malaki pa sa katulad naming creature.

I didn't move dahil alam ko naman ang tungkol sa kanila, kahit kisap nga di ko ginawa. Mahilig ako sa mga hayop and I studied all about creatures.

Tinitigan ko lang ito hanggang sa unti- unti itong lumiit at naglaho na ng tuluyan. Narinig kong napa woah sila pero di ko na pinansin at naglakad na lang ulit.

Aray!

Napahinto ako at napatingin sa mga kasama ko. Shit! 

Pumunta ako sa gilid ni Jill at tinulungan sila sa pagpatumba sa malaking Tigraen. Para siyang malaking tigre ngunit tatlo ang ulo at may apoy sa dulo ng buntot neto.

Bigla kaming tumalbog ni Jill sa may malaking puno ng bigla itong napatingin sa amin. Mata nga pala ang gamit nila at mata din nila ang may kakayahang makapag control sa kanila. Hindi ito basta basta na mata lang dahil...

"Hayden!" Rinig kong sigaw ni Cyra kaya napatingin din ako sa gawi ni Hayden at dun ko nakita ang tama niya ng spikes sa kanang braso neto.

"Guys magtulungan tayo, kailangan nating masaktan ang mata nila sa likod. Pag nasaktan natin 'yun unti- unti  silang manghihina dahil yan ang nakakapag control sa kanila."Sabi ko sa kanila at pumunta na sa aking pwesto.

KRAAAAAWR~

Sigaw ng Tigraen ng matusok ni Cyra ang likod neto gamit ang pana niya.

KRAAAAAAWR~

Sigaw na naman niya ng sabay na pinaulanan ni Blaze at Hayden ng ice spikes at fire spikes nila ang likod neto. 

Habang sabay naman namin na tinusok ang likod neto gamit ang aming weapons nina Aira at Jill.

Bigla itong natumba at naging apoy mabuti na lang at na control ito kaagad ni Hayden.

"Magpatuloy na tayo, guys. Malapit na tayo kunting tiis na lang," sabi sa amin ni Aira.

Di pa ako nakakalawang hakbang ng may narinig kaming sigaw.

Cira!


                                                                                    ="="="="="=                                                                                     

"Work together,

  And you'll succeed. 

  ="="="="="=



The Supernatural TwinsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon