Blaze's P.O.V
"Uy guys nakita niyo na ba ang mga transferees?"
Napatingin ako kay Jill dahil sa tanong niya.
"Huh, akala ko ba bawal na mag accept ng creatures pag na ganap na ang battle?" Balik tanong ni Aira.
"Aba ewan ko rin d'yan sa prof natin," sabi niya tsaka kinuha ang last na lasegania sa lamesa at kinain.
"What!? Si prof na naman ang nagpapasok, edi royalties din sila?" sigaw ni Aira.
"Nah! Sa Wizards sila belong eh."
Kung sa wizards sila belong eh bakit si prof. Armada ang nagpapasok sa kanila.
"You know what, masama talaga ang kutob ko d'yan sa prof Armada na yan eh, sa unang pagkikita namin parang nafi- feel ko na may masama siyang intensyon." Mahinang sabi ni Cyra na sakto lang para marinig namin.
Napatayo bigla si Monique.
"Cyra, hindi ganyan ang ama ng kaibigan ko!" sigaw neto.
Tumayo din si Cyra at lumapit kay Monique.
"Talaga ba Monique, sige lang magpauto kayo sa matandang 'yun. Pero ito sinasabi ko, sa oras na pati kaibigan natin mapahamak di ako magdadalawang isip na may gawin sa matandang 'yun."
Naglakad siya patungo sa pintuan pero bago pa siya makaalis ng tuluyan bigla pa itong humarap sa amin at ngumisi.
"Tandaan niyo, di man ako gaano katagal dito pero alam ko na lahat ng mga nilalang dito. Alam na alam ko ang bawat kilos nila. Malakas ang senses ko kaya kahit kelan di nagkakamali ang mga hinala ko."
"Buksan niyo ang inyong mga mata at pakiramdaman niyo ang inyong paligid. 'Wag magpa-uto ng sa gayun ay walang may mapapahamak. 'Wag pabasta- basta at 'wag ibigay ang tiwala sa kahit na sino dahil di niyo lang alam na kung sino pa ang mga malalapit sa inyo ay siyang tatraidor sa'yo." Pahuling sabi niya bago umalis ng tuluyan.
Hanggang ngayon ay gulong gulo pa rin kami sa mga sinabi ni Cyra.
Andito na si prof Armada pero wala pa din si Cyra. Pagpasok at pagpasok niya ay tumayo kami agad.
"Magandang umaga, prof." sabay naming sabi.
"Hmm, may ipapakilala pala ako sa inyo royalties. Bago lang sila dito at sa wizard sila pero ibibilin ko muna sila sa inyo para turuan at sabihan pa ng mga bagay bagay tungkol dito sa Mystica." sabi niya samin at lumabas ulit.
Bumukas ang pinto at pumasok na ulit si prof ng may kasamang dalawang babaeng sobrang pamilyar pero di ko na maisip kung saan ko ba sila nakita.
"Hi! Hello!" sabay nilang bati.
"Eh prof di mo pa nga nasasabi ang Mission namin together ng Royalties with Cira eh, tapos may ipapabilin ka pa sa'min?" Nagugulohang tanong ko sa kaniya.
"Yun na nga, eto na ang mission niyo,"
Mission namin? Eh 'di pa nga nagigising si Cira eh.
"Magpakilala na kayo girls." sabi ni prof sa kanila, ako lang ba ang nakakita na parang ngumisi si prof? Haayts baka guni guni ko lang 'yun.
"Hi ako nga pala si Nina, etong kambal ko naman ay si Mina." Nakangiting pakilala ng babaeng nakakulay berde at itinuro ang katabi niyang naka dilaw. magkambal pala.
Nagklase lang si prof. samin about history hanggang sa tumunog na ang aming ID sign na maglu- lunch na.
"Hanggang dito na muna tayo, at ihahabilin ko sa inyo ang kambal. Good bye."
WTH!? Anong akala niya samin, tagabantay?
"Hi, so ano pala ang gagawin natin?" todo ngiti ng naka berde.
"I'm sorry to say this girls but, di ko kayo feel kaya kung pwede 'wag kayo masyadong pa close ah?" mataray na sabi sa kanila ni Aira.
Di kami nakapagsalita dahil first time namin nakitang ganyan si Aira, sa aming Royalties kasi siya yung friendly eh pero anong nangyari ngayon?
"Pfft we're sorry Aira." Natatawang sabi nilang dalawa.
"Pfft din kayo, and please don't call me Aira di tayo close." Mataray netong sabi at nauna ng maglakad na sinundan din ni Jill.
Hanggang ngayon ay sunod pa din ng sunod ang dalawa sa amin. Andito na kami sa clinic para bisitahin ulit si Cira.
Haayst, nami- miss ko na din 'tong babaeng to. Parang magkapatid na nga ang turingan namin eh. Kelan pa kaya 'to gigising.
"OH! Is that Cira?" Sabay nilang tanong.
Napabaling lahat ng atensyon sa kanila dahil sa kanilang naging tanong.
"Kilala niyo ba siya?" tanong ni Monique.
"Yeah! She's our best friend actually, ahas na kaibigan."
Napatayo kami dahil sa sinabi ng nakadilaw. Susugod na sana si Hayden sa kanila ng bigla silang natumba. Napatingin kami sa kakadating lang.
"Wow ah, matapos niyong pagtangkaan ang buhay ng kaibigan namin may mukha pa kayong ipapakita dito." Walang emosyon niyang sabi.
Susugod na naman sana ito kaya pinuntahan ko na siya para pigilan at baka mapatay na niya ang transferees.
"Cyra, tama na yan."
Di niya ako pinansin at sinampal na naman ang dalawa.
"Umalis na kayo dito kung gusto niyo pang mabuhay." Sigaw niya.
"Pagsisisihan niyo 'to Royalties." sabi pa nila bago umalis.
Nabigla ako ng biglang kumawala si Cyra sa pagkakayakap ko at tumakbo palapit sa hinihigaan ni Cira.
"Guys gumalaw yung kamay ni Cira, nakita ko." Masaya netong sigaw habang naluluha pa din.
="="="="="=
"You can say they're
your friend if they defended
you in your absence."
="="="="="=
BINABASA MO ANG
The Supernatural Twins
FantasíaOnce two individuals have a deep and powerful bond, they become an inseparable part of each other's lives and there is no way to separate them. When they re-unite, no amount of distance or time apart can prevent the exchange of smiles and laughing...