Chapter 37: Love over Darkness

1.3K 40 1
                                    

Third Person's P.O.V

Mabilis na itinungo ng mga Royalties ang mabilisang daan papunta sa loob ng palasyo.

Habang sa loob naman ay nagkakagulo na at napuno ito ng kaingayan. Hindi dahil sa pagsasaya kundi kaingayan na mararamdaman mo ang takot.

"Malapit ko ng makamit ang inaasam kong paghihigante." sigaw ng prof. Armada tsaka tumawa ng mala demonyo.

Nang makarating ang Royalties, pinuntahan agad ng kambal ang kanilang magulang.

"Mom, Dad. Pumasok na po kayo dun sa taas, andun na din ang ibang mga nilalang." saad ni Cira.

"Hindi anak, kelangan naming lumaban." matigas na sabi ng Hari Leo.

" Dad please, kami na ang bahala dito. Sorry," sabi ni Cyra tsaka ginamitan ng kapangyarihan ang magulang nila at ipinasok sa taas para maging ligtas.

"Mahal na mahal namin kayo, aming kambal." umiiyak na sigaw ng reyna at pilit na kumakawala sa kapangyarihan ng kaniyang anak.

Ang ibang Royalties naman ay nakikipaglaban na kasama ang ibang mga kawal.

"Cleothe, Khayesel. 'Wag kayong humiwalay sa pakikipaglaban, magandang magtulongan kayong dalawa gayun din ng mga kapangyarihan niyo." sabi ni Blaze sa dalawang babaeng kakarating lang.

Nagtanguan ang dalawa tsaka tumakbo para makikipaglaban din.

"Kayo naman, Mina at Nina. Magtulongan din kayo sa kapangyarihan niyo, magandang ipaghalo ang mga iyan para mamaya." sabi ni Hayden sa mag-kambal.

"Sige po, Prinsipe Hayden." sabi ng dalawa tsaka ipinagpatuloy ang pakikipaglaban.

Patuloy lang sila sa pakikipaglaban ng bigla silang napatigil ng matumba lahat ng kalaban nila.

Tiningnan nila ang babaeng kakapasok lang na may dalang ngisi sa kaniyang mga labi.

"A--ate Amythest," mahinang banggit ni Khayesel sa pangalan ng kapatid niya.

"Hi, little sister. I just need to help you here," nakangiti netong sabi.

Nagsitanguan sila, at biglang napatingin sa sumigaw.

Cira's P.O.V

"Prof. Armada, hindi mo dapat 'to ginagawa, isipin mo naman ang kapakanan ng ibang nilalang." sabi ko sa nilalang na nakalutang at puro black ang suot.

Tumawa ito ng mapakla tsaka dahan-dahang lumapit sa akin.

"Bakit ba Cira, inisip din ba ng mga magulang niyo ang kapakanan ng Mom ko noon, di'ba hindi. Dahil wala silang awa," sigaw niya sakin.

"Problema iyon between your Mom and the Royalties noon, huwag mo nang balikan." giit na sabi ni Ate Cy.

"Alam niyo tumahimik na lang kayo, at simulan na itong laban." sigaw niya samin.

Sumugod ito sa amin, umilag kami tsaka siya namin sinipa sa likod.

Bumangon ito tsaka ipinalibot ang kaniyang kamay, may namumuong itim na usok rito tsaka ito unti-unting nagkabuhay.

Darkesians.

Sabay naming nilabanan ang mga ito.

Napa-upo ako ng maramdaman kong may tumama sa kanang braso ko, nakita ko ang pagduloy ng dugo ko galing dito.

Bumangon ilit ako tsaka nakipaglaban.

"Kami na bahala dito Rara, mag ingat kayo ng kambal mo." rinig kong sabi ng kung sino.

Nakita ko si Hayden sa likod ko, tsaka niya ako hinalikan sa noo at mabilis na nakipaglaban ulit.

"Ang sweet niyo naman." Napapikit ako dahil sa tawa nito.

"Tumigil ka na Armada, kahit kailan hinding hindi mo makukuha ang kapangyarihan naming magkambal."

Tumawa ulit ito sabay sugod papunta sakin.

Pinalabas ko ang kapangyarihan ko tsaka ito itinapon papunta sa kaniyang direksyon.

"Sabay tayo, kambal." rinig kong sabi sakin ni Ate Cy.

Tinanguan ko siya tsaka ulit itinuon ang aking atensyon kay Armada.

Sabay naming pinakawalan ni Ate Cy ang kapanyarihan namin patungo sa direksyon ni Armada, patagal ng patagal, humihina kami dahil sa pinapakawalan naming kapangyarihan.

Unti-unting napaluhod si Armada at doon ko na ginamit ang pagkakataon na lumapit sa kaniya tsaka siya pinaligiran ng dilaw na apoy.

Lumapit sakin si Ate Cy, tsaka niya din pinakawalan ang kulay asul niyang apoy palibot sa nakaluhod na si Armada.

"Kung akala niyo ay magtatagumpay na kayo, pwes, nagkakamali kayo." sigaw niya tsaka ito lumipad sa itaas.

Tumingin ito sa amin tsaka ngumisi.

Pinalibot niya na naman ang kaniya kamay at unti-unting lumalaki ang itim na kidlat sa kaniyang mga kamay.

"Cira!"

"Cyra!"

Rinig kong sigaw ng kung sino.

Hinawakan ko ang kamay ni Ate Cy, tsaka ngumiti sa kaniya.

"Masaya akong makasama ka muli, ate Cy." nakangiti kong sabi sa kaniya.

"Masaya din akong nakabalik ka na sa amin, kambal ko." sagot niya sakin, tsaka ako niyakap.

Pumikit ako at hinintay na may tumama sa amin pero laking gulat ko ng iminulat ko ang aking mga mata ay nakakasilaw na ilaw agad ang bumungad sa mga mata ko.

Naramdaman kong unti-unti kaming lumutaw ni ate Cy, napahiwalay na lang kami dahil sa naramdaman naming pagdaloy ng kung ano sa mga balat namin.

Napapikit ako ng maramdaman kong may lumabas sa katawan ko at napasigaw na lamang ng maramdaman ko ang hapdi sa gilid ng tiyan ko.

Our seal.

Nakita ko ang guardian ko at isa pang guardian na mukhang anghel na kulay silver, pagmulat at pagmulat ko ng aking mga mata.

Nakita ko ding umiba ang suot at buhok namin ni ate Cy.

"Masaya ako at nalabanan niyo ang dilim, mahal na prinsesa." nakangiting sabi sa akin ng guardian ko.

Huh!?

"Wait, namatay na ba kami ni Ate Cy?" nagugulohan kong tanong tsaka inilibot ang aking paningin.

Mukhang hindi naman eh, andiyan pa nga ang royalties at iba naming kasamahan, at si pr---.

"Asan si Prof. Armada?" nagugulohang taning din ni Ate Cy.

"Prinsesa Cira, natatandaan mo pa ba ang sinabi sa iyo ng Reyna bago ka magising," sabi ng guardian ko sakin.

Ang sinabi ng Reyna...

'Two creatures, two minds with their hearts connected to each other. Born and fight together to defeat darkness, because of their love."

Mahinang bulong ko ng matandaan ang huling sabi sa akin ng Reyna bago ako makabalik dito.

Napatingin ako sa harap namin ng makita ko ang koronang suot kanina ni Prof.

Pinulot ko ito tsaka kinuha ang nakalagay na itim na bato.

Pumunta ako sa tabi ni Ate Cy, tsaka ito pinakita sa kaniya.

"Pinapatawad ka na namin, Prof. Armada." nakangiti niyang sabi at tumingala.

Nginitian ko si Ate Cy tsaka siya niyakap.

="="="="="=

LIGHT

shines in the

DARKNESS.

The Supernatural TwinsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon