Kabanata 1

2K 67 14
                                    

Kasing bilis ng kidlat ang takbo ko papunta sa lugar kung saan pwede akong magtago dahil patuloy pa rin ang gera ng aming bansa laban sa mga dayuhan sa hindi ko malamang kadahilanan. Halos pagsakluban na ako ng langit at impyerno dahil hanggang ngayon ay dinaramdam ko pa rin ang pagkaiwan ko dito.

Tinakluban ko ng dalawa kong kamay ang ulo ko para maprotektahan ko sa mga naghuhulugan debris ng mga gusali at mangiyak ngiyak na rin ako dahil kita ko ang sarili kong itsura sa mga glass windows ng mga shop na nadadaanan ko.

Hindi ko maintindihan kung bakit ito nangyayari dahil nitong mga nakaraang araw ay ayos pa ang pamumuhay ng mga tao dito. Nagulantang nalang kami ng biglang magsalita ang Presidente tungkol sa mga dayuhang naghamon ng gera at pinalikas na ang mga pamilyang maaaring maapektuhan sa balita sa tv.

Hindi kami kaagad naniwala at umaksyon dahil pagkatapos ng pagbabalitang iyon, ang tahimik pa ng kapaligiran at walang senyales na may gera. Kinabahan na ako nung una dahil sobrang payapa talaga na parang may isang delubyo ang darating at tama nga ang hinala ko.

Ilang oras lang din pagkatapos ng balita ay nabalitaan na namin na may bombang sumabog sa may gitnang bayan ng aming lugar. Halos mataranta ang pamilya ko sa pag-iimpake at ako naman na halos masimento na sa kinatatayuan nang may mamataan akong mga armadong lalaki na naglalakad di kalayuan sa kabilang kanto.

Nanindig ang mga balahibo ko sa katawan ng sabay sabay silang magpaputok ng kanilang mga baril at sabay sabay din ang paghalandusay ng mga kabaryo ko sa daanan habang dumadanak ng dugo sa kalsada. Pilit kong tinatayo ang nalulumpo kong tuhod dahil sa nakita ko pero hindi talaga ako makapihit kahit tinatawag na ako ng mga magulang ko.

"Cee, tara na!"

"Ate!"

"Ate Cee!"

"Cee, anak!"

Dinig kong sigaw nila kaya napalingon na talaga ako at nakita ko ang mga bag na dala nila kasabay ng mga natatakot, nag-aalala at mangiyak ngiyak nilang mukha.

Tinanguan ko sila at tumakbo na kami papunta sa kabilang kanto dahil malapit lang dito ang mga terminal ng bus at jeep pero ang hindi ko maisip ay kung babyahe ba sila dahil panigurado ay siksikan ang mga tao doon at nagkakanda-ugaga na sa paglisan sa lugar na ito.

Pagdating namin sa terminal, tama nga ang hinala ko, siksikan na at halos magpatayan na ang mga kabaryo ko makasakay lamang ng bus. Kilala ni Papa ang namamahala dito kaya naman nung sumiksik kami at sumali sa tulakan papasok ng bus ay agad ding nakapasok nang tanguan ni Papa yung driver at kundoktor sa loob. Pagsampa ni Mama na pinauna ko na ay siyang pagsara ng pinto ng bus.

"Sandali!" Sigaw ko.

"Cee!" Dinig kong sigaw ni Mama.

Pero dahil sa dami ng tao at dinudumog na talaga ang bus na ito ay halos lumangoy na ako sa dagat ng mga tao. Napabitaw na rin ako sa hawakan ng bus kaya halos maapakan na ako ng mga tao. Umalis ako doon dahil sobrang nasasaktan na ako ng pisikal at lalo pa akong nasaktan ng bumyahe na ang bus paalis. Hindi ko alam kung uupo nalang ako dito o hahabulin ko yung bus dahil nakasakay dun ang pamilya ko.

Pagbaling ko sa likuran ko ay tanaw ko na naman ang mga armadong lalaki kaya halos manlaki ang mga mata ko dahil walang humpay sila sa pagpapaputok na animoy mga hayop ang mga tao dito. Kahit na nanghihina ako dahil sa lungkot at sakit na natamo ko kanina ay pilit akong bumangon at nagtatakbo dahil diterminado akong mabuhay mag-isa at hahanapin ko ang pamilya ko. Hindi ko alam kung saan ako tutungo pero alam ko na malapit na dito ang sentro ng bayan.

Sa pagtakbo ko ng kalahating araw ay gutom, uhaw at pagkalamya ang natamo ko ngunit nawala rin agad iyon ng makita ko na dinudumog ang isang supermarket ng mga tao. Pati mga pulubi ay nakipagsiksikan na at makikita mo na may mga mayayaman din na nakikidumog doon.

Year 2045: Island Battles (ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon