Kabanata 29

310 13 0
                                    

Nakaupo kami ngayon sa isang long table habang nasa head seat si King Ram at ang dalawang kong magkapatid ay nasa kabilang banda at kaharap ko.

Masaya silang kumakain at umiinom na animo'y isang mapayapang lugar ang napuntahan nila. Iniisip ko kung tama bang itanong sina Mama at Papa habang nasa harap ng hapagkainan.

Kakaiba din ang dami ng pagkain na nasa ibabaw ng lamesa. Hindi naman ako patay-gutom noon pero nakakatakam. Ewan ko ba! Siguro dahil nag-iba ang paraan ng pamumuhay ko nitong mga nakalipas na araw.

Idinako ko nalang ang tingin ko sa dalawa kong kapatid na halos hindi maabot ang kinukuhang ubas kaya inusog ko ang pinggan kina Bryan at Karl. Ngumiti naman sila sakin at si Bryan naman ay isinusubo sakin ang isang piraso ng ubas kahit hirap na siya sa pagtaas ng kanyang maikling kamay.

Umiling nalang ako sa kanya at sinenyasan siya na siya nalang ang kumain. Masaya niya iyong isinubo kay Karl at nagkakakulitan pa silang dalawa. Napapangiti nalang ako at halos mawala ang iniinda kong mga sugat ngayon dahil kasama ko na sila.

Narinig ko naman ang tawa ni King Ram habang nakasalong-baba at nakamasid sa dalawa kong kapatid. I found it creepy pero hindi ko alam kung magpapasalamat ba ako dahil may atraso siya sakin.

Hayop na hayop, amputa. Tch!

"Ah, Xenon," sabi ni King Ram na parang may sasabihin sakin na ngayon lang naalala. "You can call them by their names. Wala namang nakakakilala sa kanila bukod sating dalawa. Hindi na nila malalaman if that's their real names or not. Feel free to call them by that."

Tumango nalang ako bilang tugon.

Napakamasunurin mo ngayon, Andrei Ceelon.

Umaalingawngaw sa bawat sulok ng gusaling ito ang masasayang tawa nila Bryan at Karl na mukhang pati ang mga tagapaglingkod ni King Ram ay gumagaan ang pakiramdam habang nakatanaw sa dalawa kong kapatid.

Sabay silang uminom ng tubig katulad ng nakagawian sa bahay namin at nakatingin na sakin. It means that they are ready to go to bed.

"King Ram," pagtawag ko sa kanya kahit nangangapa pa ako ng sasabihin ko.

"Ano 'yon?" Tanong niya at tumingin sakin na parang hinihintay ang sunod kong sasabihin.

"Ano," Ano bang sasabihin ko? Paano ko ba sasabihin?

"Ano?"

"Iuuwi ko na po sila sa room na tinutulugan ko. Tingin ko po ay gusto na nilang matulog." Sabi ko.

Kumunot ang noo niya at tinitigan ang dalawa kong kapatid na parang sinusuri kung inaantok  na ba. Tahimik na kasi yung dalawa at sigurado ako na gusto na nilang matulog. Ganyan kasi talaga sila, hays.

"Ah ano, King Ram," napalunok pa ako. "Nakasanayan na po kasi nila na kapag tapos na silang kumain tuwing gabi ay konting pahinga, matutulog na sila."

"Ganun ba?" Wala sa sariling sabi niya habang nakatanaw pa rin sa dalawa. Nakita ko pang pumungaw ang mata ni Bryan bago ako bigyan ng sagot na pagpayag. "Sige."

Tumayo ako sa kinauupuan ko at umikot papunta sa kanila.

"Tara na. Tutulog na tayo." Yaya ko sa dalawa.

"My teeth." Napatigil ako sa sinabi ni Bryan. "Ate, my teeth."

My god! Neat freak!

"Pakiasikaso muna sila." Utos ni King Ram doon sa mga tagapaglingkod niya. Aangal pa sana ako kaso naunahan na niya ako.

"Hayaan mo na. Para saan pa't may mga naglilingkod na ganyan?" At uminom siya sa kanyang wine glass.

Year 2045: Island Battles (ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon