Kabanata 12

494 22 0
                                    

Buong hating  gabi akong naghuhukay dito sa lugar malapit sa maliit na talon at pabalik balik ang tingin ko sa walang buhay na katawan ni Issei. Nanghihina ako kapag nakikita siyang ganun. Wala man lang atang may balak na ilibing siya. Ano? Papabayaan nalang siyang nakasabit dun hanggang sa maagnas?!

Pabalang kong pinapala pailalim ang lupa dito para sa magiging himlayan ni Issei nang maalala ko ang pagtitig lang nung hari sakin habang buhat ko si Issei sa mga braso ko palayo sa pinangyarihan ng lahat. Nakakapang-init ng ulo ang pagkawala niyang pake sa mga taong nawawalan ng buhay, mapabata pa ata o matanda, wala siyang gagawin.

"Pwede na siguro ito." Sabi ni Shawn habang nagpupunas ng pawis niya sa noo.

"Salamat." Malamig kong tugon.

Pinalibutan ko yun ng mga bulaklak na galing dito sa kagubatan. Pinaghirapan kong hanapin ito kahit wala akong dalang lampara para may makita sa daan habang paglalakad. Binuhat ko ang katawan ni Issei at inayos doon sa magiging higaan niya.

Napangiti nalang ako.

Napakaganda mong bata pero sandali ka lang dito sa mundo. Wala kang kasalanan. Yang nasa loob mo ang may kasalanan. Rest now, little girl.

Tinabunan ko ng lupa ang paanan niya gamit ang pala dahil ko hindi ata kayang unang tabunan ang mukha niyang nasisinagan ng maliwanag na buwan na bahagya pang nakangiti. Hindi ko kaya.

Nasa may dibdib na niya na ang paglilibing ko sa kanya nang mapatitig ulit ako sa mukha niya. Nagsimula na naman ang kadramahan ko at napaiyak na naman. Nanghina ang tuhod ko at napaluhod sa may gilid niya.

"Why am so I weak that I can't even save a little girl? What's with this fucking place?" I asked out of nowhere.

Itinulak ko ng bahagya ang lupa papunta sa mukha niya gamit ang dalawa kong kamay pero hindi ko talaga kinaya kaya napayakap ako sa malamig na lupa at humagulgol na naman.

"I shall become a greater devil to defeat devil." I said in between my sobbed.

Hinigpitan ko ang yakap ko sa lupang nakabalot na sa katawan niya.

As I breathe, another person takes his last. I can't even handle it mentally. What will I do now?

"Xen-n-non". Nauutal na tawag sakin ni Shawn kaya napaangat ang tingin ko sa kanya. "Issei." Dagdag pa niya.

Napatingin ako sa mukha ni Issei at nakita ko ang munting liwanag na nasa noo niya. Isang bilog na crest ang nandoon at naglalaro iyon sa aqua pearl na kulay.

"C-Crest?" tanong ko pa kay Shawn.

"Crimson yung crest." Sagot niya.

"Ano yun?" naguguluhang tanong ko. Pagbaling ko kay Issei, wala na yung crest na nasa noo niya.

"Hindi ko din alam pero nakita ko yan sa office nung sinundo ako ng isang drone para ibigay yung mga files bago ako makapasok sa isang parang complex. Logo yun eh tapos may nakalagay na crimson sa ibaba."

Napakunot ang noo ko.

"You should finish what you were doing. May ensayo pa tayo bukas. Let's all move on."

I sighed. Natuyo na ang luha sa mukha ko dahil sa lungkot na nararamdaman ko. Tinabunan ko na ang mukha niya at nilagyan ng bulaklak ang ibabaw nun.

"Kung sino man ang walang kwenta mong ama, paparusahan ko siya dahil hindi ka man lang niya ipinagtanggol at sinamahan sa huling mga oras mo." Pagkasabi ko nun ay tinalikuran ko na iyon dahil baka doon ko pa balaking matulog dahil sa nag-uumapaw kong kalungkutan na bumalot sa buong sistema ko

Year 2045: Island Battles (ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon