Kabanata 26

450 18 8
                                    

Nagising ako dahil sa sunod-sunod na pahid sa mukha ko ng isang magaspang na bagay. Kunot-noo akong nagmulat at nakita ko si Shawn na pinupunasan ang mukha ko.

“You awake?” tanong niya.

Babangon sana ako kaso nakaramdam ako ng kirot sa magkabilang balikat ko at sa likod.

“Humiga ka lang. maaga pa, 6:32 am palang.” Sabay turo sa may hologram clock sa may taas.

Humiga ako ulit at hindi na nagpumilit dahil ang sakit talaga ng katawan ko. Para akong pinipiraso at sinusunog dahil sa init at hapdi sa bawat parte.

“Anong nangyari?” Tanong ko.

Napatigil si Shawn sa pagtutupi nung telang pinampunas niya sakin at malungkot akong tinitigan. “Hindi mo maalala?” tanong niya.

Napatahimik ako sandal at lumingon sa ibang direksyon para isipin kung anong nangyari. May espesyal bang kaganapan kagabi kaya ako nagkaroon at nagtamo nang ganitong mga sugat? Hindi ko alam. “Wala akong matandaan.” Diretsong sabi ko sa kanya. “Ano bang nagyari?”

“H-Ha? Ano…nagkaroon ng laban kagabi at nadamay tayo k-kaya napalaban tayo. Mukhang nagamit mo lahat ng enerhiya mo kaya nanghina ka.” Sabi niya at itinali ang bewang niya. “Ah!” sabi niya na mukhang may nakalimutan pang sabihin. “Naihampas mo ang ulo mo kagabi kaya siguro medyo wala kang naalala. Ganun nga. Kaya ka siguro walang maalala. Oo, ganun nga. Kaya wala kang maalala—“

“Oo na, huwag mo ng ulit ulitin.” Natatawang sabi ko at nagpumilit ulit akong bumangon.

“Humiga ka nga muna sabi.”

“Hindi na, kaya ko na naman. Kailangan na nating umalis dito at hanapin ang goal. Pangalawang araw na ngayon kaya sa tingin ko ay kailangan na nga talaga nating magsimulang maglakad. Kalahati lang ng participants ang pwede hindi ba? Sa pagkakatanda ko, 280 yun.” Mahabang sabi ko.

Napatulala siya sakin at bumalik din sa wisyo niya ang maisip na tama ako.

“May announcement kaninang tulog ka.” Sabi ni Shawn. Hindi na ako nagsalita at hinintay ko lang na ituloy niya ang sinasabi niya. “May 156 na participants na ang nasa goal.”

“ANO?!” Gulat na reaksyon ko. “Kailangan na nating magmadali. Magdamag lang ang lumipas pero halos kumalahati na. Wala na tayong dapat na aksayahin na oras.” Aligagang sabi ko.

“Pero hindi pa ayos ang estado mo.”

“WALA KA NG PAKE SA ESTADO KO.” Mariin kong sabi. “Bumaba na tayo.”

Narinig ko ang buntong-hininga niya at hinigpitan ang tali sa bewang niya at sa bewang ko. Pinigilan ko ang dumaing kahit nakaramdam ako ng konting kirot na galing sa likod ko ng tuluyan akong bumangon. Kakayanin ko nga ba?

Unang bumaba si Shawn at sumunod ako. Pagkasalo niya sakin ay naagaw agad ang atensiyon ko ng isang katumpok na halaman na mukhang sinunog.

“Anong nangyari dito?” Tanong ko kay Shawn habang inaayos pa niya ang lubid.

“H-Ha? Ano…’di ba nga kagabi…yung l-laban.” Sagot naman niya.

Ah, oo nga pala. “May napatay ba ako?” Nag-aalala kong tanong. Natatakot ako na baka may napatay akong tao.

“W-Wala. Wala, Xenon.”

Ang naaalala ko lang ay ang match nina Shawn at Yui. Ang pagdating ni King Add at ang pagpunta namin dito sa may gubat. Yun lang ang naaalala ko. Buti naman at wala pa akong npapatay na tao. Baka hindi ko kayanin kapag meron nga.

Year 2045: Island Battles (ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon