Kabanata 32

344 10 5
                                    

Dama ko na madaling araw palang nang may marinig kami ni Mist na sunud-sunod na katok sa pintuan.

"Sino ba naman 'yang istorbo na 'yan? Ang aga aga pa eh."

Tumayo na lamang ako at pinagbuksan ang kung sino mang nasa pintuan. Hindi naman nagising ang diwa ko nang makita ko ang mukha ni Shawn.

"Ang aga--"

Hindi pa man ako tapos magsalita ay pumasok na siya sa loob ng kwarto at naglatag ng hihigaan niya sa sahig. Nakatingin lang ako sa kanya habang damang dama pa ng buong sistema ko ang antok. Napakamot nalang ako sa ulo ko at napabitaw din dahil nanlalamig ang koronang pilak na nasa ulo ko.

Humiga siya doon at magkakrus pa ang dalawang braso habang nakapikit. Wala din naman akong ibang nagawa kung hindi ang mahiga nalang ulit at damhin ang kirot sa may batok ko.

"Be ready, Xenon. Just be ready." Paalala ni Shawn.

Hindi ko man maintindihan ang sinasabi niya ay natulog nalang ulit ako habang inaalala ang dalawa kong kapatid na may sakit.

- - -

"Kampay!" Sigaw ng mga tao at nagsimula na sa pagkain ng aming almusal ngayong umaga.

Napatingin naman ako sa plataporma kung saan ay tatlong hari ang nakaupo doon at seryosong kumakain.

Sina King Add, King Drei at King Ram.

Nawala ang pokus ko sa kanila nang may biglang humawak sa may balikat ko galing sa likuran.

"Balita ko, Xenon, kasali ka daw sa BLC." Turan ng isang lalaki na hindi ko naman kilala pero kilala ako. "Good luck. Kailangang kailangan ng isla natin ang supply. Ayusin mo."

Hindi maganda ang tono ng boses niya kaya ibinaling ko na ang tingin ko sa pagkaing nakahain sa'kin. Dama ko din ang paninitig sakin nina Mist at Shawn habang kumakain sila at si Jack naman ay patuloy lang sa pagkain niya. Nawalan ako bigla ng ganang kumain kaya dirediretso kong nilagok ang isang baso ng tubig.

Ah, oo nga pala, magkakasalo kami ngayon dito sa long table at hindi muna kami nakapwesto sa aming plataporma dahil papalapit na nga ang BLC. All is equal, except, of course, kina King Ram at sa dalawang reyna. Ang mahirap lang na kahit magkakasalo kami dito sa mahabang lamesa, nangingibabaw ang pilak na koronang suot namin ni Shawn. Kaya hindi na din ako nagdalawang-isip na tumayo at lisanin ang hapagkainan bukod sa paninitig din sakin ni King Drei.

"Xenon."

"Saint Xenon."

Pagtawag sakin nina Mist at Shawn ngunit hindi ko nalang sila pinansin.

Dirediretso lang ang lakad ko kahit ang halos ng mga tingin at atensyon ng iba ay nasa akin na. Wala na akong pake sa kanila. May kanya kanya kaming buhay dito.

Nang makarating ako sa tavern ay agad na akong inalukan ni Rust ng isang malamig na rum.

"Isang mug lang. Masyado pang maaga." At inusog pa niya sa akin ang isang platitong karne.

"Gusto ko ng makita ang mga kapatid ko." Walang prenong sabi ko.

Napansin ko na napatigil sa pagpupunas ng babasaging mug si Rust at tiningnan ako.

"I can't just go inside his chamber, I know. He is a king, anyway." Malamyang sabi ko at lumagok ako ng rum. "A king."

"Ate Xenon," dinig kong tawag sakin ni Renz. "Nakikipaglaro po ako sa kanila."

Nakuha niya ng buong buo ang atensyon ko kaya nabitawan ko ang hawakan ng mug at hinawakan siya sa balikat. Puminta sa mukha ng bata ang pagkagulat dahil sa ginawa ko.

Year 2045: Island Battles (ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon