Ikaapat na Yugto - Sa Paaralan

1.2K 16 1
                                    

Sa paaralan tayo ay dumako.
Naku! Ang daming kwarto.
May kantina sa banda rito.
Nakakatakot mga guro.

Ngunit tiyak walang tatalo,
Sa opisina ng punungguro
Nangangain yata siya ng tao
Nagkasala'y pinapapunta rito.

Mula titik ng alpabeto
Hanggang maging Ba Be Bi Bo Bu
Magbilang ng hanggang sampu
Gumuhit at magsulat ng kung anu-ano.

Maglatag ng kamay sa harapan,
Titignan ng guro ng malapitan
Iyong kukong hindi binawasan
Habang ang patpat na pamalo'y nariyan.

Ang tainga'y dapat malinis
Nang garapata'y di manirahan.
Damit di dapat madungis
Kahit di mukhang pampaaralan.

Ngipin mo may bungi,
Magsipilyo kahit sandali.
Babae'y dapat nakasuklay
Kapag ika'y nakalugay.

Magpusod kung nais.
Basta't ang mga lalaki
Dapat gupit ay malinis.
Ang mahaba ay malaking hindi!

Kindergarden ang tawag sa akin.
Lagi kong hinahanap ang hardin!
Nang ang kampana ay tumunog
Hiyawan sa aking tainga'y bumugbog.

Recess na sa aming musmos na kaisipa'y tumalim.
Bilang pinakanais na hintayin.
Ngunit walang makakatalo pa rin.
Uwiang aking panalangin.

Mawawala ba naman ang kantahan?
"Bahay Kubo" na sa gulay ay sagana,
Isa lang ang hindi maintindihan
Bakit sa daming linga, hindi pa ako nito nakakakita?

Iyong lobo mong binili,
Pumutok lang ng madali.
Lahat may alaga,
Asong mataba.

Iyong tinago mong mga daliri sa likuran,
Hahanapin din pala isa-isa 'yan.
Where is thumb man?
Ginawa kong tamban.

Leron leron sinta,
Buko pala tawag sa bunga ng papaya?
Iyong Chikading lumilipad,
Wala namang natira, bakit ako'y pinagod?

Alimango sa dagat.
Bakit ka nangangagat?
Katabi ko'y lagi akong kinukurot.
Lagi tuloy akong nakabusangot.

Ang alpabetong Pilipino,
Madaling bigkasin, sabayan niyo ako.
Sandali, R at Z ang hirap kaya!
Ako lang ba bulol sa mga letra?

Lumalangoy na palaka,
Manok na tumitilaok,
Pumalakpak kung masaya
Alive, alert, awake, enthusiastic.

Ang daming mga kanta,
'Di man namamalayan,
Pagkatuto'y nagaganap na.
Mula sa akala nati'y purong katuwaan.

Wala pa ring tatalo sa kantang ito...
Masiglang-masigla ang lahat na umawit
"Ihanda na, ihanda na ang gamit!
Tayo'y uuwi na sa bahay!"

-Itutuloy-

Mga Karanasan Ni Nene #PrimoAwards2018Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon