AJHAY'S POV
Nagising akong umaga na pala at napabangon ako bigla. Syet! Totoo pala talaga ang kagabi, nagkipagtalik ako kay Llyod. Sa sobrang kalasingan ko lumabas pagkalibog ko, fuck! Nagbihis na ako habang tulog pa rin si Llyod at agad ng umalis at nag iwan na lamang ako ng note sa lamesa niya. Uuwi ako samin at hindi nalang muna ako papasok ng eskwelahan. Medyo wala ako sa mood ngayon, kahit may ginawa akong kalokohan kagabi. Kahit ganun, naguiguilty pa din ako sa ginawa ko.
At ayun na nga malapit na ako sa dormitory namin at agad kong nakita ang kotse, kotse ni Jeff na nakapark dun banda sa dormitory namin. Syet! Ang aga naman ata ni Jeff, wala ako sa mood makipagusap. Pumara na ang taxi at nagbayad na ako. Agad na akong pumasok sa kwarto ko pero ang dilim sa loob at wala akong nakitang Jeff sa loob.
Naglakad pa ako at nagulat ako dahil may nakita akong nakahiga sa at natutulog, si JEFF. Agad ko siya ginalaw at agad kong nadama ang napakainit niyang laman. Fuck! May lagnat si Jeff.
Nataranta na ako at agad akong kumuha ng bowl at nilagyan ng medyo mainit at malamig na tubig at kumuha din ako towel para pampunas. Jeff naman bat ka nandito? dito ka ba natulog?
Nagstart na akong lagyan ng towel ang noo niya para bumaba't umalis ang mainit niyang temperature. At nagising ko siya sa paglagay ko ng towel sa noo at kita ko ang pagkagulat sa mukha ni Jeff at napaupo siya agad at niyakap ako.
" mahal, I'm so sorry. Hindi ko sinasadya na saktan ka kahapon. Hindi ako ang nag'initiate nun, malandi lang talag yung babae yun, pero promise ikaw iniisip ko magdamag. " napapaiyak na siya, luh? Anong nagawa ko?
" J-Jeff. Tahan na, malalakas talaga ang lagnat mo. Humiga ka lang " ako at hindi ko alam kung paano ko siya ngayon kausapin talaga. Naguiguilty na ako sa mga nagagawa ko.
" mahal, namiss kita sobra! Please, wag na wag mo na ulit ako iwan ng ganun. Mamamatay ako pag ganun, mahal na mahal kita " patuloy siya sa pag-iyak. Sumisikip dibdib ko nakikitang umiiyak si Jeff, bakit ko to nagawa sa kaniya. Ngayon nagkakasakit na siya dahil sakin.
" Jeff please, wag ka ng umiyak. Sorry na din " sabi ko habang niyayakap pa din ako ni Jeff at maya maya pa ay tumahimik siya. Luh? Bakit? Parang bigla naman. " Jeff? " salita ko pero hindi na siya sumasagot at tumingin na ako sakanya at umalis sa pagyakap niya sakin. At nabigla ako, nakapikit siya.. FFFFVVVCCCKK!! Nahimatay si Jeff. Pinahiga ko siya agad sa kama at daling nagtawag tulong sa mga ka dormmate ko.
Buti nalang andito pa mga lalaki kong kadorm mate at mabilis naman nila akong tinulungan at binuhat si Jeff papuntang kotse niya. Marunong akong magdrive ng konte kaya agad ko ng pinaandar ang kotse at nagpunta sa pinakamalapit na Hospital. Grabe ang kaba ko habang nagmamaneho ako, napapaluhan na rin ako habang nagmamaneho. Anong nagawa ko kay Jeff? Bakit ganun? Hindi ko alam na nagkamali na pala ako sa hindi paghintay na mag explain muna siya sakin dahil sa nakita ko. Bakit ganun? Bat ang tanga ko na?
Agad na din ako nagpakuha sa mga staff dun sa hospital at dinala na siya sa loob. Agad ko na din tinawag mama ni Jeff kahit papano kilala naman ako nun kasi nakapunta na ako sa bahay nila.
30 minutes ang nagdaan. Nandito na ang mama niya at sinalubong ko na din. At agad naman siyang pumunta sa kwarto kung na saan si Jeff ngayon sumama lang din naman ako.
" Doc. Anong lagay ng anak ko? " biglang tanong mama ni Jeff. Kita ko ang pagalala sa mata niya kay Jeff.
" Ahm. Ikaw po ba ang nanay ng pasyente " tanong naman ng doc.
" opo doc. Ako nga " siya
" Okay naman din ang anak niyo po ma'am. Wala na din ang mataas niya temperature. Kailangan na lang niya magpahinga sa ngayin, sadyang nadehydrate lamang po ang anak niyo ma'am kaya nawalang siya ng malay " explain ng doctor at napabuntong hininga kaming dalawa ng mama ni Jeff. " if excuse me " at umalis na ang doctor.
" salamat pala Ajhay sa pagdala dito ng maaga kay Jeff hah " biglang sabi mama ni jeff.
" walang ano man po " ako
" alam kong may hindi kayong magunawaan kahapon at sana mafix niyo na yun " sabi ng mama niya at nabigla ako.
" P-po? " ako.
" Alam ko ang tungkol sa inyo ng anak at okay naman yun sakin kasi nakikita kong masaya ang anak ko, mahal ka ng anak ko kaya kung pwede lang sana alagaan mo siya ng mabuti. Kinontak nga ako kagabi ni Jeff na hihintayin ka niya sa dorm mo hanggang sa pagbalik mo kasi magpapaliwanag siya " sabi mama ni Jeff at gulat pa din ako " Ge, maiwan muna kita dito at uuwi muna ako para kumuha ng masout ni Jeff para pag alis niya dito. " paalam ng mama ni Jeff at iniwan na nga ako dito kasama si Jeff na nagpapahinga na.
Napaupo ako, mahal ako ni Jeff hindi ko yun mapakaila. Pero ako na ang gumawa ng hindi maganda at kung malalaman ito ni Jeff malamang magagalit siya hindi sa akin kundi kay llyod. Tsk! Magsisinungaling na ba ako nito?
-------------------------
Gabi na at dumating na rin ang mama ni Jeff. Gumising na rin kanina si Jeff at ayun nagusap kami dalawa, nag explain siya sakin sa nangyari kahapon. At ako ay puro iyak ang nagawa, hindi pala ganung lalaki si Jeff, mali ang inakala ko sa kaniya. Naguiguilty ako sa nagawa ko. Nagsorry na rin ako sa kaniya, sa pagtakbo ko at iniwan siyang magisa. Dahil sakin nagkasakit siya at nahospital. Pero kahit ganun, nakikita ko na ulet ang mga ngiti sa labi ni Jeff habang hawak niya mga kamay ko.
Naisipan kong magpahangin muna sa labas at iwan muna silang dalawa ng mama niya na magusap.
" Mahal, mamaalam muna ako hah " ako
" hah! Mahal naman, wag mo daw yan sabihin na mamaalam ka " nagalit siya sakin, luh sorry lang mai lang pagkasabi ko
" I mean magpapahangin lang ako saglit " ako at yun na nga binigyan ko na lamang siya ng halik sa pisngi kahit nandun mama niya na tumitingin " tita " excuse ko sa kaniya at lumabas na sa loob ng hospital building.
Alam kong may malapit dito na park na kung saan maraming pumupunta para mag aliw at kung ano pang gawain sa park. Nalalakad ako sa highway at may bigla akong nakitang lalaki na nagcocrossing sa highway na parang tulala na hindi ko alam kung bakit.
Napalaki bigla mata ko ng may nakikita akong kotse na mabilis nahumaharurot. Syet! Bat hindi siya umiimik?
DRIVER NG KOTSE POV
Syet! Nawala preno ko! Puta! At may dumadaan pang gagu na parang pagong na naglalakad! Pito ako ng pito pero hindi siya umiimik.
AJHAY'S POV
Palapit ng palapit ang kotse at tumakbo na ako papunta sa kaniya at nakita kong umiiyak siya. Teka? Familiar sakin tong lalaking to, actuall alam kong gay siya. Schoolmate ko to.
" Alis ka na diyan !! May kotse!!" takbo at sigaw ko sa kaniya at biglang..........
*CRAASHSHHSHSHSHHSH*
Itutuloy........
![](https://img.wattpad.com/cover/144816330-288-k399605.jpg)
BINABASA MO ANG
FUCBOI MEETS THE BITTER (boyxboy)
Teen FictionIsang fuccboi na halos walang pinipiling tao at lugar na papatusin. Llyod Villabilio ang kanyang pangalan. Isang Bitter na halos galit sa mga taong may kaharutan. Ajhay Enriquez ang kanyang pangalan. Paano kung ang fuccboi meets the bitter? May madu...