School
Dexter*
"Napaaga ata ako ngayon sa school ah. Konti pa lang mga tao, anong oras na ba?" sabe ko sa sarili ko at tumingin agad sa wrist watch ko.
"6:30 am." Mahinang sambit ko. Since maaga naman ako umalis sa bahay, didiretso muna ako sa school Canteen. Kain muna. Ang hirap din maging active kung walang laman ang tiyan.
Lakad...
Lakad...
Lakad...
Finally. I ordered 4 slices of Tomato toast with Macadamia Ricotta and Orange Juice. Umupo ako sa may dulong part ng canteen. Katabi ng Bintana. Habang kumakain, lumingon ako sa labas ng bintana at may nakita akong babae, nakaupo sa ilalim ng puno at nag-iisa lang.
"Anong trip ng babaeng yun? Hindi ba sya natatakot dyan? Mag-isa lang sya eh. tss." Mahinang sabe ko. Well wala namang makakarinig eh.
Pagkatapos kong kumain, siguro mga limang minuto din yun, naisipan kong maglakad-lakad muna.
"Puntahan ko kaya yung babae dun? Nag-iisa eh. Umiiyak din ata. Mabait naman ako eh tsaka pogi din kaya imposibleng itaboy nya ko." Sambit ko at natawa bigla. Nababaliw na ata ako, panay salita wala namang kausap. Hay nako.
Nang makarating ako kung san nakapwesto yung babae, nadatnan ko pa rin sya, nakatalikod nga lang saken. Curiosity kills kaya lalapit na sana ako ng biglang may tumawag saken.
"Dex!!" Lumingon ako sa taong sumigaw ng napakaganda kong pangalan. Si Geo lang pala. Sinenyasan ko sya na sandali lang. Lumingon ulit ako kung saan nakapuwesto yung babaeng nakaupo pero wala na. Luminga-linga ako pero wala na talaga sya. Paunti-unti ng nagsisidatingan yung mga estudyante kaya pumunta na ako sa classroom namin.
Ellie*
Mga 7 am nakarating ako ng school. medyo konti pa lang yung mga students kaya naglakad-lakad muna ako. 8:30 pa namna first subject naming. I know mamaya pa dadating ang grupo. I chatted them naman na sa group chat na nandito na ako kaya aantayin ko na lang sila dito.
Iikot na lang ako sa buong school. Lakad lang ako ng lakad ng biglang natanaw ko si Nichole, nakaupo sa ilalim ng puno. Tatakbo na sana ako palapit sakanya ng biglang nakita ko si Dexter na nasa likod medyo malayo lang ng konti kay Nichole.
Napaisip ako bigla, ang aga ni Nichole ngayon at lalapit sakanya si Dexter. Hmm, is there something that we didn't know about the two of them?
Pero hindi eh, imposible. Si Nichole? Wala na nga ata yang interes sa lovelife. Pero baka naman diba?Kaya I decided na mag-intay na lang. I looked at them pero hindi agad lumalapit si Dexter. Bakit kaya? And si Nichole naman hindi man lang lumilingon. hay naku, nakapikit na naman yan panigurado pero gising yan for sure.
Suddenly, I heard someone shouting Dexter's name. Napalingon ako sa sumigaw and then I recognized him, si Geo. Hindi pa man matagal na nakatingin ako sakanya ng may biglang humila ng kamay ko. napalingon agad ako sa kung sino man ang humila kase baka kung sino lang masipa ko to. but I can't kick this lady infront of me, she can wreck my body into pieces kaya no, takot ko na lang.
"Hey, Nichole." And there binitawan nya na ako pero diretso pa din syang naglalakad. Sumunod na lang ako sakanya.
Nakarating kami sa room nila. Since 7:30 am pa lang and 8:30 ang class namin, tumambay muna ako sa classroom nina Nichole. hays. Minsan naiisip namin na mahirap din kapag magkakahiwalay kayong magkakaibigan eh. But we don't have any other choice.
Umupo na si Nichole sa chair nya, and ako binati muna sina Denise since nasa room din sila with Jane, and Xandra.
"Hi girls, Good morning, Aga natin ngayon ah." nakangiti kong bati sakanilang lahat. Ah, nga pala, kami pa lang ang nasa loob ng room nila. After nun tumabi ako kay Nichole.

YOU ARE READING
What If I Never Love Again ?
Teen FictionIt's nice to feel na meron kang minamahal lalo na kung akala mong seryoso din siya sayo. Yung tipong pati buong tiwala at pagmamahal mo sakanya ay ibinigay mo na. Pero.. Paano kung dumating yung oras na sinaktan ka niya? Hindi physically kundi em...