Simula

25 2 0
                                    

Simula- "Smile at a stranger, see what happens." -Cathy Lupone

"Alech kapag may nag tangkang lumapit sa'yo tusukin mo agad sa mata para mabulag." Napangiti ako habang umiiling, masyado talaga siyang bayolente.

"Ano ba naman kasi ang pumasok sa kukute mo at dito mo pa naisipan na mag drawing?."  Tinignan ko ang buong paligid maraming mga taong may kanya-kanyang ginagawa at sariling mundo.

Nginitian ko lang siya bago ko inilabas ang sketch pad at lapis. Ang pagpipinta at pagguhit ay ang aking sandalan sa oras ng aking kalungkutan at gamot sa aking depresyon.

"Insan kalimutan mo nalang 'yung una kong sinabi sa'yo madudungisan pa 'yang mga porselana mong kamay, basta ako na ang bahala sa mga taong magtatangkang lumapit at mag pacute sa'yo." Tumango lang ako bilang tugon bago sinimulan ang pag-guhit.

"me mai I've promise to you even before this relationship started... I promised that I will never leave you and you're the one that I want to spend the rest of my life with."

I didn't want to let him go, I didn't want our love to end, I didn't want him to find someone new because I knew in my heart would be too hurt to mend. But I did it, I let him go. I let go of all his lies and broken promises, and  it's funny how the person who hurts you is the one who swore they never would.

He said that he loved me forever and I never knew forever had an expiration date. Sana sinabi niya nalang noon na unli 30 or unli 100 ang pagmamahal niya para naman kahit papaano may ideya ako na hindi tatagal ang pagmamahal niya para sa akin.

"Hoy insan walang kasalanan ang papel at ang lapis mo, 'wag sila ang pagbuntungan mo ng galit." Mahigpit ang pagkakahawak ko sa lapis at halos mapunit na ang papel na pinag guguhitan ko.

Pinikit ko ang aking mga mata bago huminga ng malalim para ikalma ang sarili ko. Binitiwan ko ang lapis dahil baka makagawa ako ng masama, isa akong taong masyadong nagpapakalunod sa emosyon at isa ito sa dahilan kung bakit ako nasasaktan ng ganito.

"Insan bibili lang ako ng maiinom, babalik din ako kaagad." Tinignan ko lang siya at ginantihan niya ako ng ngiti.

Pinunit at ginusot ko ang papel na una kong ginuhitan, nakakatuwa para din ako itong papel na hawak ko na sa una ay malinis at walang gusot kapag ginamit at kapag hindi na kuntento sa nakalagay dito ay buburahin o pupunitin at gugusutin para itapon sa basurahan. I let out a long sigh of despondency, sana may basurahan din ang mga tulad ko na kapag nasaktan ay may mapaglalagyan.

Naawa ako sa papel na hawak ko kaya nilagay ko nalang ito sa tabi ko, aayusin ko nalang ito pag nasa bahay na ako. Napangiti ako sa mga batang kalye na masayang naghahabulan dito sa Heaven Park, nagagawa pa nilang ngumiti at magsaya sa kabila ng hirap na dinadanas nila sa murang edad, nakakainggit sana katulad din nila ako na kayang harapin ang anumang hamon ng buhay.

"Oh my tubig! Thanks God your smiling again." Nginitian ko lang siya ng tipid at muling nagpatuloy sa pag-guguhit sa mga batang kalye na nagbigay sa akin nang inspirasyon para harapin ang bukas na naghihintay.

"Alech ito na nga pala 'yung panulak at sinamahan ko na din ng ipangtutulak mo." Hininto ko muna ang aking ginagawa at kinuha ko naman ang stick na may limang kwek-kwek na nakatuhog at sa aking palagay ito ang ipangtutulak ng panulak na tubig.

Habang kumakain hindi ko maiwasang mapangiti sa mga taong nakikita ko, Heaven Park is a place where you can be free and unwind, kaya ito ang unang lugar na pinuntahan ko dahil gusto ko ulit maging malaya. Marami ang nasayang ko sa loob ng halos anim na buwan kong pagkukulong sa bahay, nakalimutan kong maging masaya, na kaligtaan ko ang mga masasayang okasyon, napabayaan ko ang aking trabaho, muntik ko ng makalimutan ang mga taong nagmamahal sa akin dahil lang sa isang napakasamang bangungut.

"Waaah Alech! Insan mabuti nalang talaga ako ang isinama mo dito kung hindi naku my tubig hindi ko sila makikita, they are so hot." kinikilig na sabi nito habang may malakas na paghampas pa sa aking braso.

Sinundan ko naman ang direksyon na tinitignan niya, sa hindi kalayuan ay may nakikita akong mga lalaking nakasakay sa mga bisekleta nila at tila ay nagpapayabangan. She's right mga hot sila kasi obviously naka printed out lang naman sa likod ng kanilang mga damit ang salitang We're HOt. Tss! kayabangan, anong ka hot-hot diyan sa mga pinag gagawa nila na halos nagpapasikatan lang naman sa pag exibition or better say sa mga stunts nila na nakakapangilabot.

"kyaaah Mikel is the best among the rest! he's amazing." kinikilig na tili nito habang may papalakpak pa. Luh! sino naman kaya sa kanila ang tinitilian nitong bulate na 'to?.

Hindi ko itatanggi na napapahanga ako sa mga pamatay nilang stunts or tricks whatever it is, lahat sila magagaling pero meron isa sa kanila ang nakakuha ng atensyon ko ang lalaking nabubukod tanging may suot na itim na maskara na nakatakip sa kanyang ilong at bibig, meron itong kulay brownish na buhok at mala mestiso ang kulay ng balat sa tingin ko din mga nasa 5'11 ang tangkad nito.

"Hey insan, walang agawan ng crush akin lang si Mikel hanap ka nalang sa kanila, anyway si Mikel ko lang naman ang naka cream shorts, puting sleeveless at ang pinaka gwapo sa kanilang lahat." Inirapan ko nalang ito dahil halos maging hugis puso na ang mata nito habang nakatingin sa sinasabi niyang Mikel niya raw.

Nice choice sabi ko sa isipan ko, kahit malayo masasabi kong gwapo nga ito pero hindi ko siya gusto para sa pinsan ko. Sa mukha palang nakarehistro na marami na itong napa-iyak na mga babae, napangiti ako ng may naalala ako nagkaroon na nga pala dati ng playboy na boyfriend itong pinsan ko kaya hindi ko na siya poproblemahin dahil may karanasaan na siya dito.

Napaiwas agad ako ng tingin nang makita kong nakatingin sa direksyon namin ang lalaking may maskara sa mukha katabi kasi nito ang nagugustuhan ng pinsan ko. Unti-unti akong nakaramdaman ng kaba, baka akalain niyang may gusto ako sa kanya.Oh no! ano ba 'tong pinag-iisip ko?.

"Waah insan papunta sila dito." Mas lalo akong nataranta sa sinabi ni Yassi halos naging kakambal ko si flash sa bilis ng kilos ko para iligpit ang mga gamit ko at mabilis na hinatak ang pinsan kong nakatunganga habang nakangiti na parang baliw.

Hirap na hirap akong hatakin ang babaeng 'to dahil kalahati ng pagkatao niya ay naka stock na sa crush nito habang ang kalahati naman ay sumusunod sa aking gusto na magpahatak. Mas lalo ko pang binilisan ang paglalakad ng marinig ko ang mga tawanan ng mga lalaki at sa tingin ko ay malapit na sila.

Kunti nalang Alech malapit na kayo sa pinag parkan ng inyong sasakyan. Bakit ang unfair ng buhay sila naka bisekleta samantalanag kami naglalakad lang? At bakit ba ako nagmamadaling umalis? Sa amin ba talaga sila pupunta? At ako ba talaga ang tinitignan ng lalaking 'yon?.

Napahinto ako sa paglalakad at kakahila sa pinsan ko, napatingin ako sa likod namin at nakita ko ang mga lalaking kakahinto lang din sa pagbibisekleta nakangiti silang lahat sa aming dalawa habang ang lalaking naka maskara ay kakarating lang at may hawak itong gusot na papel. Mali pala ang huling hinala ko.

"Miss masamang magtapon ng basura sa kung saan-saan lang." Napakagat ako ng labi para pigilan ang nag uudyong pagtula ng aking luha. He reminds me of someone, someone that makes me mute and broken. Parehas sila ng sinabi noong una naming pagkikita pinaglalaruan ba ako ng tadhana?.

Nilapitan ko ito para kunin ang papel na hawak niya. Nginitian ko siya ng pilit pagkahuha ko ng papel at ginantihan niya ako ng pagpitik sa noo. Huminga ako ng malalim para pakalmahin ang sarili ko at unti unti na silang nagsialisan, bago umalis ang lalaking may maskara ay may ibinigay ito sa akin na isang paso na may lupa sa loob ngunit wala namang halaman o bulaklak na nakatanim.

"Hanggang sa susunod nating pagkikita." Sigaw nito bago tuluyang makaalis.

Napabuntong hininga nalang ako sa sinabi ng lalaking may maskara,tinignan ko muli ang paso at ngayon ko lang napansin na may nakaukit ditong salita na nagsasabing

Find a place inside where there's joy, and the joy will burn out the pain.

A Flower That BloomsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon