AFTB 6

6 2 0
                                        

6- The Answer

Agad ko namang nabitawan ang pandilig at awtomatikong napahawak sa tiyan sabay tingin sa mga binti ko kung may dugong tumutulo.

Hindi pa ako tapos sa pag oobserba when something pop-in in my head. Your still virgin kaya hindi ka makukunan. Tumayo ako ng diretso at mariin na ipinikit ang mga mata. Sa pag mulat ko nakita ko ang pag pipigil ng tawa ni donut.

And wait, sinabi ko bang donut? Parehong may brownish hair, matang mapupungay, may pagka mestiso at higit sa lahat pareho ang kanilang boses. Oh great! Anong kalokohan 'to?. Si bavarian at donut na nag bigay sa akin ng flower pot at nag nakaw ng halik ay iisa?.

"Alech dinudugo kana wala ka pang planong mag palit?."

Isa siyang mapanlinlang na tao, ano ang gusto niyang iparating sa pag papanggap niya? Naguguluhan ako, sumasakit ang ulo ko sa kakaisip ng mga pwedeng dahilan.

"Alech okay ka lang? Ganyan ka ba kapag meron?."

Kilala ba siya ng husto ng mga magulang ko? Bakit hindi siya nagpakilala na siya ang nagbigay ng flower pot? Bakit ginusto niya pang magpakilala bilang hardenero? Bakit ba siya nag babalat kayo? Bakit?.

"Alech"  Hindi ko pinansin ang presensya niya sa tabi ko, hindi ko nga alam na nakalapit na pala ito sa akin.

Tinignan ko siya ng matalim habang nakahawak ang isa kong kamay sa noo at natatakpan din nito ang isa kong mata.

"Sinungaling." puno ng galit at paghihinayang na sabi ko sa kanya.

Galit dahil isa siyang sinungaling at panghihinayang dahil akala ko iba siya iyon pala wala siyang pinagkaiba.

"Alech pasensya na alam ko namang mali ang sinabi kong nakunan ka. Hindi ko naman kasi akalin na sasakyan mo ang biro ko." Wow sa wow, ako pa ang may kasalanan dahil pinatulan ko ang biro niya.

"Sinungaling, you're such a liar Varian or let me say donut."

I smirk nang makita ko ang pagkagulat na rumihistro sa kanyang mukha, hindi niya marahil na isip na balang araw ay matutuklasan ko ang pagbabalat kayo niya. Sapat na ang nakaraan upang matotoo ako at hindi na kailan man mauuto. Two faces what a jerk.

"Alech may dahilan ang lahat, pakiusap hayaan mo ako mag paliwanag." Hinawakan niya ang magkabilang braso ko at may mga nagmamakaawang mata na halos pati kaluluwa ko ay kinakausap na pakinggan kung anuman ang dahilan nang kanyang kasalanan. Hate those eyes.

"Okay five seconds."

Pinanlakihan ko siya ng mata nang makita kong kokontra pa siya sa oras na ibinigay ko sa kanya I mean segundo mabuti nga pinag bigyan ko pa siyang mag paliwanag dahil I am not a heartless person.

"Isa dalawa tat..."Huminto ang pag galaw ng oras at natigil ang pag bibilang ko habang tinatapik ng paa ang sahig dahil sa sagot na hindi ko inaasahan.

He is kissing me at na shut down ang buo kong sistema kahit ang utak ko hindi na gumagana. Isang halik na punong puno ng emosyon, isang halik na nag sasabing I just want to protect you. Protect me from what? Ngunit hindi ko na ito nagawang itanong dahil masyado na akong nalalasing sa kanyang halik at hindi na din alam kung bakit at paano ko sinasagot ang bawat halik niya.

Isa lang ang nasisigurado ko may mutual understanding ang mga puso namin. Pinag dikit niya ang aming mga noo pagkatapos ng mainit na halik.

"Alech bigyan mo ako ng tatlong araw para ipakita at ipakilala kung sino talaga ako at ipapaliwanag ko sayo ang lahat"

Humakbang ako paatras ng tatlong beses bago pumikit para pag isipan ang alok niya. Varian is difinitely different from him, si Varian ay handang gawin ang lahat para mapalapit sa akin, si Varian na handang magpaliwanag at magpakilala, si Varian na naibalik ang boses ko sa simpleng pagkiliti. Tama nga si mama Varian is a nice and kind person unlike my ex na sa simula lang mabuti.

"Okay, I will give you a chance to show me the real you."

"At sa loob ng tatlong araw na yan ipaparamdam at ipapakita ko ang tunay na kahulugan ng tatlong salita at walong letra Alech."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 29, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

A Flower That BloomsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon