4- Init
Habang nilalantakan niya ang pag kain ng cake ay hindi nito maiwasan ang tumingin sa akin na may pagtataka sa kanyang mukha.
"Insan bakit siya lang ang pwedeng kumain ng cake?." Pagmamaktol na sabi ni Yassi habang nakapalumbaba sa mesa habang nakatingin sa cake na kinakain ni Varian.
"Pamangkin kong maganda kaarawan kasi ni Tino kahapon kaya sa kanya lang ang cake na gawa ng pinsan mo." Sagot ni mama habang naglilinis ng ref.
Ako ang tipo ng tao na kapag nagluto o nag bake ay para lang sa taong ginawan ko at walang iba ang pwedeng makihingi o makatikim ng gawa ko.
"Insan gawan mo din ako ng cake you know naman i love sweets specially kapag gawa mo." Pag papacute na sabi nito habang pinapaikot sa kanyang daliri ang kanyang brown curly hair.
"Pamangkin kong maganda alam mo naman na gumagawa lang ang pinaka maganda kong anak ng cake kapag may okasyon, hintayin mo nalang ang kaarawan mo sa susunod na taon." I nodded my head sa sinabi ni mama habang nakatingin pa rin sa hardenero namin na sa ngayon ay umiinom ng tubig.
Napabuntong hininga nalang si insan habang takam na takam sa cake ni Varian.
" Insan hindi ka ba naawa kay Tino ang laki ng cake na ginawa mo? Baka magka diabetes siya." Para-paraan din Yassi I know you gusto mo lang makakain ng cake.
"Pamangkin kong maganda hindi mag kaka diabetes si Tino dahil may dalawang pitsel ng tubig ang nilagay ng pinaka maganda kong anak sa mesa." For the second time tumango ulit ako sa sinabi ni mama at hindi ko pa rin inaalis ang tingin ko sa kanya.
"Tino." Tawag sa kanya ni insan bago may iniabot na papel sa kanya.
Napa made face ako habang nakatingin sa papel nakita kong ngumiti si Varian at umiling kay Yassi.
"Ahmp! Ang damot mo." Sabi nito na may pag hampas pa sa mesa bago padabog na umalis ng dinning area.
"Anong nangyari sa maganda kong pamangkin?". Tanong ni mama habang sinasarhan ang pintuan ng ref.
Nag kibit balikat ako habang nakatingin pa rin kay Varian na nakangiting nakatingin sa akin habang sumusubo ng cake.
"Hindi ko po kasi pinag bigyan sa pag hingi nito ng cake, at wala naman po akong balak na bigyan ito dahil makasarili po ako lalo na kung galing sa mahal ko." Pagpapaliwanag na sabi nito kay mama bago ako kinindatan at kumain muli ng cake.
Napanganga ako hindi dahil sa pag kindat nito o dahil sa sinabi niya kay mama kundi ay sa paraan ng kanyang pananalita he's speaking tagalog at ang mas nakaka breath taking ay ang kanyang boses kapag tumatagalog it's so husky at sobrang lakas ng dating. Para siyang isang dj sa radyo na talagang mapapahanga ka dahil sa boses.
" Pinaka maganda kong anak sarhan mo nga yang bibig mo nakakahiya kay Tino, belated happy birthday ulit Tino." sabi ni mama bago umalis ng dinning area.
"Salamat po tita." sigaw nito ng makalabas na si mama
Itinikom ko kaagad ang bibig ko at bumaling sa ibang direksyon. Bakit naging ganito ang atmosphere? Nakakailang.
"You okay?." Tanong nito na hindi ko pinansin.
"Is there something wrong?." Hindi ko ulit pinansin ang tanong niya, naka tingin lang ako sa kawalan.
" Alech ayos ka lang ba?." Hinipan ko ang noo ko at pinaypayan ang sarili gamit ang isang kamay ko.
"Naiinitan ka.?" Mas lalo ko pang binilisan ang pagpaypay sa sarili ko habang iniiwasan na mag tagpo ang aming paningin.
![](https://img.wattpad.com/cover/18306693-288-k612258.jpg)
BINABASA MO ANG
A Flower That Blooms
RomanceYour love is a flower that makes the garden beauty and you are sweet as a nectar that a bee like me can't resist.