3- Sweet Pea [thank you for a lovely time]
"Anong oras na? Bakit ngayon lang kayo?." Pabungad sa amin ng aking ama na may dalang mahabang stick habang hinahampas ito sa kanyang palad.
Napa iling nalang ako habang nilagpasan ang ama kong nakatayo sa bukana ng gate ng aming bahay. Tinignan ko ang relo ko alas syete e medya palang ng gabi kung makareak naman ang papa ko kala mo naumagahan kami ng uwi.
Huminto ako sa paglalakad ng marinig kong nagbibilang ang aking ama and I shook my head in disbelief when I saw baVarian punishing by my father.
Anong kalokohan na naman ito ng aking ama at bakit niya pinapa push-up ang walang kasalanang hardenero namin?. Dali-dali naman akong pumunta kay Varian para patigilan siya sa ginagawa niya.
Hinawakan ko ang kanyang braso at umiiling na para sabihin na huwag niyang gawin ito, tinignan niya lang ako na may ngiti sa labi at nagpatuloy na ulit sa kanyang ginagawa. Tinignan ko ng masama ang aking ama pero pinanlakihan niya lang ako ng mata.
"May sasabihin ka anak?." Tanong nito na may nakakalokong ngiti, arg! Alam niya namang hindi ako makapagsalita tapos magtatanong siya kung may sasabihin ako?. Papa naman e!.
Dahil sa inis ko kinurot ko ang braso niya, saka ko pinilit na itayo si Varian.
"Anak masakit! Hindi ka ba marunong pumutol ng kuko mo? Hala Tino kunin mo nga ang grass cutter at ako na ang puputol sa kuko ng anak ko."
Kinagat ko ang ibabang parte ng labi ko habang nakatingin ng masama sa ama ko na halatang inaalaska lang ako. Grr! kaasar talaga si papa kung minsan. Inis akong umalis sa harapan niya habang hila-hila si Varian.
I have a lots of tantrums in my head but it cut off ng marinig ko ang kanyang marahas na pag singhap na para bang frustrated siya over something.
Huminto ako sa paglalakad at paghila sa kanya bago ko siya hinarap na nakayuko. "I'm sorry" gusto kong sabihin 'yan sa kanya kaya lang hindi ko masabi. Hinawakan nito ang baba ko at pinaharap sa kanya.
"Can you give me a smile before we divaricate?." Napangitii naman ako kahit wala namang nakakatuwa sa sinabi niya, ang lalim lang kasi nito umingles. Pwede lang naman niyang sabihin na separate or departure para mas maintindihan, mabuti nalang talaga at nakakayang intindihin ng utak ko ang mga ingles niyang malalalim.
"Eheeeem" inalis agad ni baVarian ang kamay niya sa pagkakahawak sa baba ko pagkarinig ng hem ng aking ama.
Inirapan ko lang si papa at binaling ko ulit ang tingin ko kay Varian na may ngiti sa mga labi at bago ako umalis hinalikan ko siya sa kanyang pisngi napa takbo naman ako ng mabilis papunta sa pintuan ng aming bahay bakit ko yun ginawa?. Bago pumasok sa bahay nilingon ko ulit si Varian at napangiwi ako dahil pinapalo siya ni papa sa binti gamit ang stick na hawak niya kanina pa, tumakbo na ng mabilis si Varian bago pa ulit ito mapalo ni papa. Napatampal ako sa noo dahil sa pinag gagawa ng ama ko. Umiiling akong pumasok sa aming bahay na may ngiti sa mukha.
---
I opened my eyes wearing a smile on my face. Nakatitig lang ako sa bintana ng kwarto ko. Weird.
Medyo matagal na din na panahon ang huling pag ngiti ko tuwing gigising ako, kasi simula ng break-up namin ng ex ko lagi na akong nakasimangot o nakabasungot tuwing gigising kung minsan naka poker face lang pero heto ako ngayon nakangiti na hindi alam ang dahilan.
Ang sarap at ang gaan sa pakiramdam, parang ang saya ko at parang punong puno ako ng pag-asa.
I smiled again.
Masaya akong bumangon sa kama, hinawi ko ang kurtina sa bintana bago ito binuksan, Bumungad agad sa akin ang presko at sariwang hangin at ang mababangong amoy ng bulaklak. This is life, uminat ako at kasabay nito ang pag sipol ng isang tao, napa tingin ako sa ibaba at nakita ko ang isang lalaking naka blue shorts and loose white shirt at naka brown sanuk shoes. Hardenero ba talaga namin 'to?.
Na alala ko ang nangyari kagabi, yung pagdala niya sa akin sa isang lugar at pagsayaw namin doon at yung kumain kami sa isang restaurant na hindi kalayuan sa village na tinitirhan namin. That night was a great night.
I looked at him with a smile on my face. Kinawayan ko siya at kinawayan niya din ako, This guy... This guy is really something. May kinuha siya sa likuran niya at nakita ko ang isang orchid na kulay purple, tinangka niya itong ibato papunta dito sa second floor pero hindi umabot. Napatawa naman ako dahil sa ginagawa niya.
Sa pangtatlong pagkakataon mas nilakasan nito ang pagkakahagis kaya naman nakuha ko na ito. I mouthed thank you and he winked at me bago siya umalis.
Ngayon ko lang napansin na may papel palang nakatali dito, napangiti ulit ako dahil sa nakasulat sa papel.
"Good Morning my most beautiful flower, this flower is called Sweet Pea it means thank you for a lovely time, and thank you for making my birthday a special one last night. From your loving wooer bee, Mustine Varian."
Kaarawan niya kahapon?. Hindi ko alam, bakit hindi niya sinabi?. Nagmadali akong pumasok sa banyo para mag ayos, kailangan kong bumawi dahil hindi ko siya na regaluhan kagabi.
Pagkatapos kong mag-ayos at mag bihis agad akong lumabas sa kwarto ko at mabilis na tumakbo papunta sa kusina.
"Oh, anak anong meron at tila nagmamadali ka?." Tanong ni mama habang nagluluto.
Pilit na iniintindi ni mama ang inaakting ko, at ng makuha niya na ang gusto kong sabihin ay napapitik pa ito sa hangin.
"Aah mag bi-bake ka?" tumango ako rito habang nakangiti.
"Para saan?" napakamot naman ako sa batok ko at nagsimula na ulit umakting na may suot na party hat at may lobong hinihipan at umakting na surprise.
"Sinong may birthday?" umakting ako na parang nagdidilig ng mga halaman at bumubunot ng mga damo.
"kailan?" Oh my siomai naman mama pinapahirapan mo ang unica hija mo. I mouthed kahapon at nakuha niya naman ito.
Tinuro ni mama kung nasaan nakalagay ang mga gagamitin ko sa pagbi-bake at isa'isa niyang nilagay sa mesa ang mga ingredients na gagamitin ko, seryoso at pokus lang ako sa pag gawa ng cake nang biglang may sumagi sa utak ko.
Big bike, iPad, makinis na balat at inglesero. Oh my! I need to investigate him, kailangan kong malaman ang tunay niyang pagkatao at hangarin para sa akin. Isa siyang malaking palaisipan na kailangan kong masagutan.
Who are you Mustine Varian?.
BINABASA MO ANG
A Flower That Blooms
RomanceYour love is a flower that makes the garden beauty and you are sweet as a nectar that a bee like me can't resist.