1- The Gardener
"Insan! Hindi ako nakatulog ng maayos sa loob ng isang linggo alam mo ba 'yun? alam mo ba 'yun? ALAM MO BA 'YUN?" Napa made face nalang ako habang niyuyugyog niya ako dahil sa kakiligan. Kahit hindi niya sabihin halata naman dahil sa laki ng eye bags niya.
Pinalo ko na ng malakas ang kamay niyang nakahawak sa balikat ko nang hindi pa rin ito tumitigil sa kakayugyog sa akin. Tumayo ito at nag simula ng sumayaw na siya lang ang nakakaalam ng steps, kung hindi lang ako malalagot kay mama baka kanina pa ako nakatawag sa mental hospital para kunin ang baliw na pinsan kong ito.
"Oh Mikel aking mahal ako'y patay na patay sa'yo sintaaaaaaaaaaaa." Napatakip nalang ako ng tenga dahil sa pagiging frustrated singer niya. At ng hindi ko na makayanan pa ang pagiging wolf niya ay binato ko na siya ng hawak kong paint brush.
Huminto ito sa kanyang pag-aalulong at naka pamewang na pumunta sa gilid ko, hindi ko ito pinansain at nagpatuloy lang ako sa aking pagpipinta. Narinig ko itong bumuntong hininga ng ilang beses bago nagsalita.
"Your so mean Alech, bakit hindi mo nalang ako suportahan? Maganda naman ang boses ko." Oo kasing ganda ng pag tahol ng asong kalye na halos namamaos na "At saka nakakainis ka nalagyan pa tuloy ng pintura ang bagong damit ko na niregalo ng ka fling ko namantsahan tuloy." Edi labhan mo nalang problema ba 'yun? "Eeh naman kasi, insan sana pumalakpak ka nalang huwag 'yung mambabato ka nalang ng walang pasabi." Pagmamaktol nito. Iyon lang pala no problem.
Pumalakpak ako ng walang kalatoy-latoy I think it's enough to show my support. Inismiran ko lang siya ng makita ko sa mukha niya ang pagka dismaya at nagpatuloy na ulit ako sa ginagawa ko.
"My grass Alech, you're hopeless." Nag kibit balikat nalang ako bilang tugon.
Padabog itong umalis sa tabi ko narinig ko nalang na umupo ito sa upuan na medyo antique na kasi sa nanay pa ng lola ko ang upuan na 'yan kaya kapag umupo ka ay may maririnig ka na parang mapuputol pero hindi naman ito mapuputol kasi ang tibay niyan gawa kasi sa narra.
"Anyway insan, bakit hindi mo pa rin inaalis dito o much better ay sunugin ang mga painting mo tungkol sa magaling mong ex?." Napahinto ako sa pagpipinta at pinagmasdan ang mga painting ko dito sa studio ko sa bahay.
Kahit naman wala na kami hindi ibig sabihin ay aalisin ko na din sa buhay ko ang mga alaala ng kahapon. Ang mga alaala ay dapat pahalagahan maganda man o masama, masaya man o malungkot dahil sa mga alaalang ito ay mas magiging matibay ang isang tao, para lang itong isang frustrated artist na maraming haters at may iilang sumusuporta.
Dahil sa mga masasama at masasakit na pag babash o hatred comments ay mas lalong nagpupursigi ang Frustrated artist at dahil din may mga sumusuporta kahit bilang lang sa mga kamay ay mas lalo itong nabubuhayan at ang bunga nito naging matagumpay na artist at hinahangaan ng marami.
Ginantihan ko ng ngiti ang nakataas niyang kilay before I flipped my hair and I swiveled my chair to face my work.
"Hay naku insan, kaya hindi ka maka move on dahil hindi mo parin pinapatay ang ex mo sa puso mo." Ngumiti at umiling ako sa sinabi niya, dapat sa kanya niya iyan sinasabi dahil siya ang hindi maka move on sa ex 'yang balasubas.
"Sorry ha kung hanggang ngayon hindi ka pa din maka get over sa past mo at sorry kung hindi kita matulungan na makalimutan siya wala akong silbing pinsan, alam ko naman na hindi mo ginusto 'yan eh, nagmahal ka lang naman eh at hindi mo expected na masasaktan ka, pero hayaan mo darating din yung time na makakakita ka ng right guy for you yung mamahalin ka, tatanggapin ka kung ano ka at hindi na ka ulit sasaktan. Alam ko naman di ganun kadali pero darating din yung right time na 'yun basta wait ka lang ok insan, pakatatag ka lang."
Pigil ang pagtawa ko sa kadramahan ng pinsan kong si Yassi, at kahit hindi ko siya nakikita dahil nakatalikod ako sa kanya alam kong naka pout ito at may luha ng tumutulo sa kanyang mata. Yassi is one of my bestfriend cousin siya ang pinaka close ko sa lahat at tinuring ko na siyang kapatid dahil only child lang ako.
Napangiti ako ng matapos ko na ang pinipinta ko, it's a flower pot na nakapatong sa maliit na bisekleta na nakalagay sa bintana habang ang nasa labas ng bintana ay isang lalaking nakatalikod na may hawak na isang bulaklak. Masaya akong pumunta sa bintana na kung saan nakalagay ang flower pot na binigay niya, kinuha ko ang pandilig na nasa baba lang ng bintana saka ito diniligan. Ano kayang klaseng halaman ito? Nagsisimula palang kasi itong tumubo.
"Find a place inside where there's joy, and the joy will burn out the pain." Pagbasa ni Yassi sa nakaukit na salita sa paso sabay punas sa kanyang luha "Hindi mo ba kilala ang lalaking 'yun insan?." Umiling lang ako sa kanya "I see, sa tingin ko kilala ka niya at mas na raradar ko na may gusto siya sa'yo. Tapos kapag nagkalapit kayo malaki ang chance kong mapalapit kay Mikel." napakunot naman ang noo ko sa sinabi niya lalo na sa huli nitong binanggit.
I don't think so, sabi ko sa isipan ko nilagay ko na ulit sa baba ng bintana ang pandilig saka naglakad papunta sa inupuan ko kanina inayos ko ang mga gamit ko habang ang pinsan kong baliw ay hindi maalis ang ngiting nanunukso, inirapan ko lang ito at nag patuloy na sa pagliligpit.
"Insan hindi mo ba naisip na ang Joy na tinutukoy doon ay siya?." napahinto ako sa pagliligpit at tinaasan ko lang siya ng kilay pagharap ko sa kanya habang siya naman ay nakangiti ng wagas.
"so" sagot ko pero walang boses na lumabas sa bibig ko.
"My grass insan ang boring mo na ngayon na broken hearted lang, hay naku anyway may love life ka nga pa pala at never ka nitong iniwanan." May itataas pa pala ang kilay ko baliw kasi ang isang 'to ako may love life pa daw? "Yah those paper, paint brush and pen luh! mutual understanding kaya kayo ng mga 'yan." Napailing nalang ako habang nakangiti.
"At sa tingin ko my dearest cousin mag kakakulay na ulit ang buhay pag-ibig mo dahil sa kanya." Sabay turo nito sa likuran ko.
Nagtataka naman akong tumingin sa likuran ko at nakita ko sa labas ng bintana ang bago naming hardenero na busy sa pagpuputol ng mga damo.
"You wanna bet....my dearest cousin?." oh-oh I don't want this bet thingy malas ako pagdating sa pustahan.
"Scared?." tss! ako takot? Oo dahil hindi ako magaling sa ganyang bagay hindi ako sinasaniban ng kaswertihan kaya ayaw ko, na aalala ko pa ang huling pustahan namin it was our high school days back then natalo ako dahil hindi ko napangiti ang naging target ko that time malay ko ba na emotionless pala 'yun tss!.
I sighed. Bakit ganoon? Ang malas ko. Saan ba ako swerte?.
Nabaling ang atensyon namin sa bintana ng may kumatok dito at nakita ko ang hardenero namin na may sosyal na pangalan, may magandang kutis at inglesero.
"Ang gwapo talaga." Rinig kong bulong ni Yassi.
Napailing nalang ako bago lumapit sa bintana para pag buksan ito, I saw him smiling at me may ibinigay itong bulaklak sa akin pagkabukas ko ng bintana, nagtataka naman akong kinuha ito, napangiti ako ng maamoy ang mahalimuyak nitong bango anong pangalan kaya ng bulaklak na'to?.
"That is Honeysuckle." Nabasa niya ang nasa isip ko? Hindi ko pinahalata na medyo na mangha ako, tumango at ngumiti naman ako sa sinabi niya ang sarap lang talagang amuyin nito "And that flower means.. I Love You."
Napaangat ang ulo ko. Did I hear it right? He said I love you at dama kong galing sa puso ang pagkakasabi nito.
He shrugged. "Well, they say that Flowers make a person happy and I think it's effective." Kumindat siya bago umalis sa harapan ko.
Naiwan naman akong nakatulala bakit ganito ang pakiramdam ko kakaiba ang hirap maipaliwanag.
"Ayiee I Love You daw oh! Namumula ang lola." Sabay tusok nito sa tagiliran ko.
Napahawak naman ang isa kong kamay sa aking pisngi, talaga bang namumula ako? My flower, bakit ang bilis ng pintig ng puso ko?.
BINABASA MO ANG
A Flower That Blooms
RomanceYour love is a flower that makes the garden beauty and you are sweet as a nectar that a bee like me can't resist.