5- Zombie and the Painting
Hindi ko alam kung paano ako nakauwi ng bahay ang alam ko lang nandito na ako sa sala ng aming bahay na nakatayo habang lutang ang isip.
Hinawakan ko ang ibabang labi ko habang nakatingin sa flower vase na nakapatong sa dulong hawakan ng hagdan hinigpitan ko ang pagkakahawak sa bag kong nakasayad sa sahig nang maalala kung sino ang lalaking pangahas na iyon.
"Siya...siya ang lalaking nagbigay sa akin ng flower pot." sabi ko sa aking isipan.
Mabagal ang paghakbang ko papunta sa flower vase na nasa hagdan habang hila-hila ang bag ko.
"Sino ba siya?." I smirk when I notice how stupid I am. Bakit ko ba tinatanong ang flower vase na ito e hindi naman ito ang ibinigay niyang flower pot.
I feel like a walking dead human habang tinutungo ang art room na katabi ng opisina ni papa, is he an energy eater? Kaya niya ba pinaglapat ang aming labi ay para kunin ang enerhiya ko?. Hindi ko alam kung paano ko na buksan ang pintuan ang alam ko lang nasa loob na ako ng silid at may tumama sa aking pisngi na maliit na bagay na parang buto.
"woooah zombie!"
Paglingon ko sa kanan I saw our gardener sitting like a king while eating my favorite grape fruit na nakapatong sa oval na mesang gawa sa kawayan.
Bumalik ang lakas ko nang sunod sunod niya akong tinira ng buto ng ubas. Binitawan ko ang bag at tinuwid ang mga kamay paharap na parang zombie...zombie pala pwes ito ang zombie.
Mabalis ang paglakad ko papunta sa kanya habang siya naman ay hindi magkamahol sa pag nguya ng ubas at pag tira ng buto nito papunta sa akin. Talagang ginawa akong zombie ng lalaking 'to.
"Aaah danger danger...wang wang wang." Sigaw nito habang tumakbo palayo sa akin, napakagat ako ng labi para pigilan ang pagtawa my grass bakit may baliw kaming hardenero and worst manliligaw ko pa.
"Zombie is coming..heeeelp!" Natatawang sigaw nito sa may bintana habang ang dalawang hintuturo nito ay naka cross sign paharap sa akin.
My grass! Zombie na nga ginawa niya pa akong aswang. I can't help it but to smile nilapitan ko ito at kinagat ang isang daliri niya.
"She's starting to eat me." Sigaw ulit nito habang nilalapit sa kanya ang kanyang daliri na hanggang ngayon ay kagat kagat ko pa.
Tinigil ko na ang pagkakagat ng isang dangkal nalang ang agwat ko sa kanyang dibdib. Didiretso na sana ako ng tayo ng bigla nitong hawakan ang magkabilang pisngi ko at ipinaharap sa kanyang mukha.
Napalunok ako dahil sa sobrang lapit ng aming mukha magkadikit ang dulo ng aming ilong at halos maduling na ako sa sobrang lapit namin sa isa't isa.
"It's time to disinffect the zombie." Nabigla ako sa pag halik niya sa pisngi ko at kasabay nito ang malakas kong pagtawa dahil sa pagkiliti niya sa akin.
"Hahahaha Va...Varian tama naa hahaha." Halos hindi ko na marinig ang pakiusap ko sa kanya dahil sa pag e-echo ng tawa ko sa loob ng silid.
Habang yakap yakap ako ni Varian na patuloy sa pag kiliti sa akin may napagtanto ako. Did I laugh with a sound? Did I speak? Did I?.
"Varian...."
Sa kabila ng sobrang pagtawa nakuha ko pang ibigkas ang kanyang pangalan.
"Varian." I murmured and my tears started to fall. This is true.
Tumigil siya sa pagkikiliti sa akin ng makita niya akong umiiyak. Pinahid niya ng kanyang hinlalaki ang mga luha sa aking pisngi pagkaharap niya sa akin.
BINABASA MO ANG
A Flower That Blooms
RomanceYour love is a flower that makes the garden beauty and you are sweet as a nectar that a bee like me can't resist.