PROLOGUE

32 3 0
                                    

MARCH 28, 2013

7:49 P.M.

LOVE BITES CAFÉ THEME PARK

Hindi mapakali ang binata dahil sa nirbeyos, 'pano ba naman third year anniversary nila ng kanyang girlfriend. Tiningnan niya ang buong paligid, sinugarado niyang maging romantic place ang nirentahan niyang café theme park malapit sa kanilang university. Punong-puno ang paligid ng rose petals at string lights. Dagdag pa ang magandang tanawin mula sa kalangitan. Sinigurado niyang magiging memorable ito at sa kanyang girlfriend. 

Dahil parati na lang kanyang girlfriend and nagsusuprise o kumbaga gumagastos tuwing magde-date sila. Dahil isa lamang siyang mahirap na estudyante mula sa mahirap na pamilya. Hikapos siya sa pera kaya naman siya'y scholar sa kanilang top class university. Pero kung sa tingin ng mga mayayaman ay siya'y mahirap pa sa daga. Pero nagpapasalamt siya dahil hindi ganoon ang tingin ng kanya ng girlfriend. 

Ang girlfriend niya kasi ay galling sa mayaman at maimpluwensiyang angkan sa Pilipinas. Tanggap siya nito kahit ganoon ang estado niya sa buhay. Kaya sobra niya itong mahal. Lahat niya gagawin upang may mapatunayan sa mga magulang dito upang balang araw ay hindi siya ma-reject. Isa na dito ang pagiging consistent dean's lister niya.

Pinagipunan at pinaghandaan niya nag araw na ito. Ilang araw siyang hindi kumain ng matino upang makatipid sap era. Araw'gabi siyang nagtrabaho upang makalaan ng pera.

"Ethan pare, hinga naman diyan oh hahahaha." Biro ng kanyang isa sa mga matalik niyang kaibigan na si Luke. Pareho sila ng course na Business management kahit wala namang ima-manage na business. Hahaha. Dito siya nagpatulong mag pa setup kasi ito lang ang available mula sa kanyang group of friends. Dahil yung iba niyang kabarkada ay nag de-defend ng thesis. Graduating students na sila at gra-graduate siya bilang Magna Cum Laude sa naturang kurso. Kaya naman double celebration ang gagawin niya ngayon.

"Gago! Ikaw ba naman ang hindi kabahan first time gawin ang mga ito" Lumapit siya kay Luke at ibinigay ang video recorder. Gawain kasi ni Ethan na i-film lahat ng memorable moments nito. Dahil alam niya sa sarili na siya na ang "the one" na ihaharap sa altar at mamahalin pang habang buhay.

"Geh dito lang ako mag vi-video sa gilid" *phone beeping. "Pre nag text si babes ko parating na daw siya in less than two minutes." Shit mas lalo siyang kinabahan. What if hindi nito magustuhan ang supresa? What if ayaw nto ng mga decorations? Fuck ang daming niyang naiisip na mga what if's. Tumalikod siya at huminga ng malalim.

"Pre here she come" Muling sabi ni Luke at sinimulan na mag record. Humarap si Ethan at pinagmasdan niya ang pinakamagandang babae na bumihag sa kanyang puso na naglalakad papunta sa kanya. Napansin niya na malungkot ang mga mata nito pero binalewa lang niya lang.

"Happy third anniversary Celestine ko" Sabay niyang yakap at hinalikan sa pisnge. Napansin niyang hindi ito tumugon sa yakap.

"Celestine ko may problem ba?"Nag-aalala niyang tanong "Hindi mo ba nagustuhan supresa ko? O baka nagagalit ka dahil gumastos ako imbes na itipon para maka—"

"We're over Ethan" Malamig na putol ni Celestine kay Ethan. "What are you trying to say Celestine ko?—

 "This shitty relationship is just a BET. So we are over, pinaglaruan lang kita." Hindi mai-process sa utak niya ang sinabi ni Celestine. Pati si Luke ay nabigla. Pero bakit niya ginawa ito? Bakit? Sa halip tumawa si Ethan sa pag-aakalang baka may surprise din ito o kaya prank lang ito.

"Hahahahaha nagpapatawa ka na naman. Sus o sige na, na surprise na ako. Punta na tayo dun sa sa mesa baka lumamig yung pagkain." Kinuha niya ang kamay ni Celestine at marahang hinila. Padabog na binawi ni Celestine ang kamay niya.

"Ethan hindi mo ba maintindihan?! Diba matalino ka?! O kaya bingi ka lang?! Tapos na tayo ay wala pa lang tayo dahil lahat nang ito ay bet lang! inuto lang kita ethan para makuha ko yung prize at makapasok sa sorority na iyon! Sa tingin mo kaya kong mag-tiis sa isang katulad mo? NO! Even my other friends find you disgusting because of your poorness!" Bulyaw ni Celestine. Pakiramdam ni Ethan ay nahati ang kanyang puso. Rumaragasa ang kanyang luha sa kanyang pisnge. Napaluhod siya sa harap ni Celestine.

"Celestine ko.... Mi-minahal mo ba ak-ako.... kahit kaunti lang?!" Nahihirapang sambit ni Ethan. Umaasa siyang mahal siya nito kahit katiting lang at kaagad niya itong papatawarin. Tila naman walang narinig si Celestine at nag lalakad papalayo.

"Celestine sagutin mo ako!" Sigaw ni Ethan. Napatigil si Celestine, hinarap niya at tiningnan niya ng direstso ang nakaluhod pa rin si Ethan.

"Never in my wildest dream that I will love someone LIKE YOU."

There she is, walking away, leaving THE MAN SHE BROKE.

___________________________________

Hi this is me CLASSIFIEDX at your service!

WARNING: Typos and grammatical error are everywhere in this story.

THE MAN SHE BROKETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon