TMSB Chapter 5

18 3 1
                                    

THIS IS MY ORIGINAL WORK. ANY RESEMBLANCE OR SIMILARITIES IN THE SCENES/PARTS OF ANY STORIES IN THIS STORY IS PURELY COINCIDENTAL. PLAGIARISM IS A CRIME. BEWARE.

Warning: Typos and grammatical errors everywhere.

____________________________________
*CELESTINE ALESSANDRA POV

Today is the day.

4 Am ako nagising. Maaga akong umuwi galing sa TJ bar. Pinayagan ako ni kuya Alfred na umuwi kaagad dahil sa interview ko ngayon.

Pagkatapos kong maligo ay napagpasyahan kong isuot na ang plinatsa ko kanina.

I wear a classy and elegant formal black with white collar dress. Nag flats muna ako ayoko munang suot ng heels. Baka dedo na ako sa lakaran pa lang. Hinihintay kong mag fully charge yung recorder ko at cellphone. Yun kasi ang gagamitin ko mamaya.

Nag breakfast narin ako kahit hindi ako sanay kumain pagka-umaga.

Nag practice muna ako mga sample questions. "Good morning Mr. Ferrer. Nice to meet you."

"Can you say 10 facts about you?"

"What is the secret why Ferrer and Ferrer Company is very successful?"

"Is Mr. Ferrer different when he's at home?"

"Do you have any inspiration? Or special someone?"

"What is your ideal type?"

"What do you see in yourself 10 years from now?"

"What is your greatest dream Mr. Ferrer?"

Kinakausap ko ang aking sarili sa salamin dito sa banyo.

Kaya mo yan! Hindi kakabahan anh isang Celestine Alessandra C. Tan!

"Kaya mo yan Celestine fighting!~~" I cheered my self. Inayos ko na rin ang buhok ko into a pony tail. Nag make up din ako. Red lipstick, pulbo, konting blush at liquid eyeliner lang ang nasa mukha ko simple yet nagtingkad parin ang kagandahan ko.

Nakapag paalam din ako sa manager ko sa MckinDonald kahapon. Hindi ko kasi alam kung matatapos ba kaagad yung interview ko ngayon. Kaltas man sa sweldo pero sulit naman.

Ikaw kaya ang mag-interview sa isang Ferrer. Nag-reseasrch ako tungkol sa kanya kanina. Para 'di naman ako awkward pag nag approach sa mamaya.

Nalaman kong bachelor pa ito. At kulang kulang nasa $147 Million ang net worth nito. Pang lima siya sa pinaka mayayamang tao ayon sa Forbes. Nalaman ko rin na may share siya sa mga malls dito sa Pilipinas. Ito ay ang Ayala, Gaisano and SM malls. At ang pinaka malupet ay siya ang may-ari ng mga naglalakihang hotels inside and outside the country, including the luxurious 'Shangri-La Bosphorus in Istanbul,' 'Palms Resort in Las Vegas' and many more.

Nabili rin ni Mr. Ferrer ang kumpyanang Ferrero SpA. Ayon kay kumareng Google, ang Ferrero SpA ay yung kumpanyang gumagawa ng sikat na produkto, katulad ng Nutella, Ferrero Rocher, Tic Tac, Kinder Joy and etc.

Yaman niya! 'Bat di niya na lang bilhin ang Pilipinas?!

Nabasa ko sa article sa Google na dito siya sa Pilipinas naninirahan. May lahi kasi itong Filipino. Ayaw niya rin manirahan sa New York kung saan naka base ang mga Ferrer.

Lahat yata ng article tungkol sa kanya ay tungkol lahat sa business. Wala man lang tungkol sa sarili niya like personal informations or maski nga picture wala siya! Nakalagay lang na Mr. Ferrer walang first name or middle name.

Hayy pano pala kung isang maniac at huklubang matanda pala iyon? Iniimagine ko si Mr. Ferrer na panot, kulubot ang balat, at pangit. Ikaw ba naman ang workaholic at ang dami mong pag-aari na iniha-handle?!

THE MAN SHE BROKETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon