TMSB Chapter 3

16 2 0
                                    

THIS IS MY ORIGINAL WORK. ANY RESEMBLANCE OR SIMILARITIES IN THE SCENES/PARTS OF ANY STORIES IN THIS STORY IS PURELY COINCIDENTAL. PLAGIARISM IS A CRIME. BEWARE.

WARNING: TYPOS AND GRAMMATICAL ERRORS EVERYWHERE

_________________________________
*CELESTINE ALESSANDRA POV

"Miss gising. Miss yoohoo"

Napamulat ako dahil sa pagyugyog nito sa aking balikat. Kinuskos ko muna ang mga mata ko para maalis yung muta.

Tiningnan ko muna yung katabi kanina at nakitang wala na ito.

"Nasan na tayo manong?" Tanong ko at hinawi ang kurtina. Nakita kong nasa TJ bar na kami.

"Nasa destinasyon ka na kamahalan." Sarcastic na sagot niya. Binuka niya ang kanyang palad at tila ba nanghihingi ng ano.

"Bayad mo miss. Dalian mo ginto oras namin." Takte tong lalaking toh! Atat na atat sa pera. Nakita ko naman yung bibig niya wooh di ba uso tootbrsuh ngayon? Naninilaw ngipin niya kahit gabi eh.

Buti na lang naka mask ako at hindi naamoy hininga niya siguradong dedo na ako ngayon.

"Ginto pala oras niyo 'bat di niyo i-sangla at nang yumaman kayo. Sama mo na rin yung ngipin mo" Murmur ko.

"Ano sabi mo?"

"Ah ang sabi ko PO magkano ho yung pamasahe PO." Kinuha ko ang aking wallet sa bag.

"120 plas 5 pesos para sa paggising sa iyo." Grabe pati paggsing may bayad na pala? Maisumbong ko kaya ito sa LTFRB? Tutal sayang naman yung slogan nila na 'May reklamo ka? Itawag sa LTFRB 426-2515.'

"O ito na manong 126 may sobrang piso pang toothbrush mo." Bago pa man siya magsalita ay kumaripas na ako papalabas sa bus na yon.

Tinahak ko ang daanan sa likod ng TJ bar. Doon kasi ang daanan namin na nagtratarabaho. Maliit lang ang TJ bar. Hindi ito yung tipikal na bar na may nagsasayawan inuman lang ang habol. Pero ang daming parokyanong pumupunta dahil maliban sa masa-sarap na mga pagkain ay may maganda pa ditong singer.

Walang iba kundi ako! Tsarannnn!!!

Binuksan ko ang pinto at sumalubong naman sa akin ang bising-bising mga tao sa loob ng kusina. Hindi nila napansin ang presensiya ko. Inalis ko ang aking mask at pinasok sa bag.

"DALAWANG ORDER NG BARBEQUE AT BULALO!"

"ISANG SISIG"

"DALAWANG CRISPY PATA!"

Nakaisip naman ako ng kalokohan. "O Kamatis diyan 10 piso! Fresh na fresh na Calamansi 5 piso! Mga suki mga suki bili na at nang pumuti ang inyong kili-kili!" Napatigil sila sa kanilang ginagawa at napatingin sila sa akin.

"Oh mga suki bibili kayo? O kaya naman nabighani kayo sa aking kagandahan?" Pagbibiro ko pa.

"Sandraaaa! Nandyan ka na pala?" Tanong ni kuya Alfred ang head chef dito.

"Ay hindi wala pa po ako dito. Ispirit ko po ito."

Naglakad na ako papalapit sa kanya at nag mano. Ginulo naman niya ang buhok ko.

"Yung buhok ko!" Huhuhu ang gulo na 'di pa man ako mahilig mag suklay.

"Palabiro ka talaga. Kumain ka na ba?" 'Di pa pala ako kumakain.

"Hindi pa po eh." Magalang kong sagot.

"O siya, meron don natirang salmon at gulay kumain ka na at pagkatapos ay mag ayos ka na at mamaya kakanta ka pa." Utos niya sa akin. Parang tatay ko na si kuya Alfred. Napamahal na siya sa akin kundi sa aming lahat dahil tinuturing niyang tunay na anak ang mga tauhan niya. Maliban sa pagiging head chef na rito ay siya rin .kasi ang owner nitong bar.

THE MAN SHE BROKETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon