"Ethan hindi mo ba maintindihan?! Diba matalino ka?! O kaya bingi ka lang?! Tapos na tayo ay wala pa lang tayo dahil lahat nang ito ay bet lang! Inuto lang kita Ethan para makuha ko yung prize at makapasok sa sorority na iyon! Sa tingin mo kaya kong...
THIS IS MY ORIGINAL WORK. ANY RESEMBLANCE OR SIMILARITIES IN THE SCENES/PARTS OF ANY STORIES IN THIS STORY IS PURELY COINCIDENTAL. PLAGIARISM IS A CRIME. BEWARE.
Halos 45 minutes ang biyahe ng jeep mula sa LBN Corp papuntang Manila Doctors Hospital. Pagbaba ko ng jeep ay dumiretso na ako sa room ni dad.
Room 16
Binuksan ko ang pinto at kumuha ng medical mask and hairnet sa maliit na mesa malapit sa pinto. Sinuot ko rin ang isa sa mga isolation gowns at pair of gloves. Lumapit na ako kay dad na maraming nakakabit na mga tubes. Umupo ako sa upuan na malapit sa higaan niya at hinawakan ang kamay niya.
"Dad....It's me. Please dad gising ka na po.... I miss you." Naluluha kong pahayag. Umaasa ako na magigising siya ano mang oras pero ang hirap umasa lalo na't 2 years na siyang nakaratay dito. Nilabas ko na ang lunch box ko mula sa bag at nagsimulang kumain.
"Alam mo dad muntik na akong ma-late kanina buti na lang hindi bugnutin si mam Jane ngayon." Natatawa kong kwento kay dad. Parati ko siyang kinukwentuhan para naman updated lagi si dad sa mga nangyayari sa akin. "Dad ang haba na ng tulog niyo i-kwento mo sa 'kin dad panaginip mo kasi ako na lang parati nag kwe-kwento eh."
*knock *knock
Napatigil ako sa pagkain at pagkwekwento ng makarinig ng katok sa pintuan.
Tumayo ako at binuksan ang pinto. Sumalubong sa akin si nurse Nancy at si Doc Terrence. Inalis ko muna ang mask at ngumiti.
"Good afternoon nurse Nancy and doc Terrence." Batiko rito. "Nag-lunch na kayo?" Tanong ko.
"Good afternoon din Alessandra. Ah oo nag-lunch na kami." Si doc Terrence lang bumati pabalik sa akin at ngumiti, habang si nurse Nancy dumiretso kay dad upang i-checkup. Hindi ko alam kung bakit medyo aloof sa akin si Nancy. Ang alam ko kasi may gusto siya kay doc Terrence pero itong si doc manhid naman. Hayyy. The parents of Terrence are close to our family kaya medyo ka-close ko ito.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
They didn't allow us to pay the bills in their hospital tutal parang family na din nila kami but still me being hard headed ay hindi pumayag. Pero mapilit sila eh kaya naman pumayag na ako pero sinabi ko sa kanila na hindi na nila icocover ang mga daily medications medicines ako na lang ang magbabayad. Kaya libre ang pagka confine dito araw-araw.
"Kamusta ka na Alessandra pasensya na kung ngayon lang ako bumisita. Alam mo naman ang daming kong pasyenteng inaasikaso." Napakamot pa ito sa likod ng ulo niya tila ba parang nahihiya. "No need to say sorry Terrence, hindi lang si dad ang pasyente dito kaya I understand."