Pagkabigay sa akin ng agimat, nawala na rin ang mga nararamdaman, mga naririnig, at mga nakikita ko. Nakita ko rin kung paano iyon bigyan ng ritwal ng albularyo. Mabait siya at parang concern siya sa akin dahil napakabata ko pa raw.
May ginawa siya sa ipinainom niya sa akin. Kumuha lang siya ng papel at panulat. Hinati-hati niya ang papel hanggang maging maliit na pirasong singhaba lang ng tatlong pulgada. May isinulat siya roong hindi ko maintindihan at inilagay iyon sa basong may tubig para inumin ko. Kaya naman nang inumin ko iyon ay bumalik na ako sa dati, mula sa pagkaputla ay namula ang labi ko at nag-refresh ang utak ko.
Ganoon din ang ginawa niya sa agimat ko. Pumunit siya ng kaparehong sukat ng papel at may isinulat din siya. Pero mas mahaba yung sinulat niya roon. Saka niya tinupi-tupi hanggang sa sinliit na ito ng kalahati ng hinlalaking daliri. Pinalibutan ng transparent na Scoth tape at saka ibinigay kay lola para tahiin sa itim na tela. Lagi ko raw iyong i-pin sa damit ko tuwing lalabas ako, sa tabi daw ng puso ko at bawal ipasok sa banyo. Di ko alam kung bakit.
Isa lang ang maipapayo ko sa inyo:
Ang mga nilalang na iyan, hinding-hindi iyan magpapakita kapag iniisip mo sila. Hinding-hindi iyan magpaparamdam. Nagpaparamdam lang iyan kapag wala talaga sila sa isip mo. Yung tipong nagtatawanan kayo o naglalaro ng mga kaibigan mo. Doon talaga sila nagpapakitang bigla.
Bihira ko na rin suotin ang agimat ko ngayon kasi nasanay na rin akong makaramdam. May itinuro din sa aking pangontra na binabasa sa kanila si lola at ng albularyo.
Di ko masyadong ikinakalat ang katangian kong ito. Kasi una sa lahat, natatakot yung mga kasama ko. Lalo na yung mga kapatid ko o mga ka-tropang babae. Diyos ko! Ang lalakas nilang tumili at kapag nasobrahan naman ng takot ay iiyak.
Halimbawa, kapag kasama ko mga tropa ko, biglang may dadaan na malaking mama sa amin habang nagtatawanan sila kaya tahimik na lang ako. Tapos nagtataka sila bakit daw ang tahi-tahimik ko. KJ ba ako? Ganito, ganyan. Sinasabi o pinapaalam ko na lang sa kanila kapag paalis na ako sa bahay nila. Saka sila napapasigaw, natatakot, at minsan pa ay nababaliw. Honest naman akong kaibigan.
Nasa akin na kung nasa mood akong takutin ang mga kaibigan ko. Medyo masaya rin kasi kapag may nakikita kang multo habang nagkakasayahan ang mga kaibigan mo. May pagka-pilya rin kasi ako.
Basta, doon ko siya nararamdaman kapag masaya ang lahat ng kasama mo. Di ko alam kung bakit ganiyan ang mga multo rito sa mundo. Gusto nila ng ganoong timing ba.
Nasanay akong tinatawanan kapag may nakikita akong kakaibang nilalang na ako lang ang nakakakita. Alam ko na kasi kung anong proteksyon at pangontrang sasabihin sa kanila. Kasi kapag sinabi ko na yung verse na iyon o kaya ay nakakahalata na ang mga elementong iyon sa babanggitin kong pangontra ay tila humihinto sila o hindi na talaga nila ako guguluhin pa.
May damdamin din sila. May mababait at may masasama. May relihiyoso din sa kanila at may hindi. May mga loko-loko gaya nating mga tao, at may mga tumutulong o nakikipag-communicate. Itong mga tumutulong na ito ay sila yung mga ginagamit ng mga magician sa black magic.
Kapag may narinig akong mga bagay-bagay sa kuwarto ko na gumagalaw, alam ko na talagang mayroon akong kasama kaya kinakausap ko na lang sila.
Sinasabi kong "'Wag mo akong takutin!" At talagang sinasabi kong babanggitin ko ang verse na pangontra sa kanila pagkatapos. Kaya ayun, tumitigil din sila.
Nakakatakot lang talaga ay kapag yung mga elemento ay pasaway dahil tatakutin ka talaga nila kahit ano'ng mangyari.
Isa lang naman ang kinakatakutan ko, ang magpakita sila sa akin. Kasi di ko talaga masikmura ang mukha nilang kakaiba na parang hayop na distorted ang porma. Kung paano sila namatay ay ganoon ang hitsura nila. Kaya nga kinakausap ko sila habang maaga pa na huwag silang magpakita ng mukha o iharap ang mukha nila kasi mas grabe pa sa horror movies! Kaya kadalasan, mga itim na anino o pugot na ulo lang ang nakikita ko.
BINABASA MO ANG
Pagsapit ng Dilim {Short Story + Diary}
Horror[Highest Rank #1 KABABALAGHAN on 5|9|2018] [Highest Rank #4 Multo on 5|9|2018] THIS IS NON-FICTION STORY BASED ON TRUE TO LIFE EXPERIENCE OF THE AUTHOR Ang laman ng mababasa niyo rito ay koleksyon ng lahat ng mga kababalaghan na aking naranasan si...