Chapter 5. Mga di-maipaliwanag na pangyayari

1K 21 26
                                    

"Mga di-maipaliwanag na pangyayari"

Doon din sa bahay namin sa QC, may mga nakapangingilabot na nangyaring di ko makalimutan at hanggang ngayon ay palaisipan pa rin sa akin. Gusto kong i-share ngayon ay yung tipong talagang magpapagulo sa isip mo at mapapatanong ka, kung paano nangyari at bakit?

***


HIGH TECH

Nagbakasyon ulit ang buong pamilya ko sa QC. Sina mama, papa, ang bunsong kapatid kong babae na si Blondey, at bunsong kapatid na lalaki. Kaya masaya na naman kami ni Princess kahit gipit kami sa oras dahil sa studies.

Todo-todo man ang pag-aasikaso ko sa thesis ko noon pero trip ko pa ring ibigay ang time ko sa family ko kasi bihira lang kami maging kompleto. Kasi nga, doon sila sa abroad at kami naman ay nandito sa Pinas, for the sake of our goals and diploma.

Kaya nga naisipan muna naming lumabas noon bilang family bonding na rin . . .

"Punta tayo sa Recto. May hahanapin lang ako doon," sabi ni Mama. Naisipan kong sumama dahil sa parehong rason.

"Ma, sama din ako. Bibili ako ng libro. Doon lang may mahahanap e. Para sa studies ko," ani Princess.

" Sa Robinson's naman kami ni Bunso . Para naman makapaglaro siya doon sa Arcade." hirit ni Papa.

"Bale pagkatapos namin sa Recto ay kita-kita na lang tayo sa Robinson's. Para sabay-sabay na tayong kumain sa may food court."  lambing ni mama.

Iyon ang napagkasunduan namin.

Bago kami umalis, pinatay ko ang lahat ng ilaw sa kuwarto namin ni Princess.  Hindi ko na ginalaw ang laptop ng bunso naming babae na si Blondey. Ugali kasi talaga niyang kapag aalis ng bahay ay  hinahayaan niyang bukas ang laptop. Natutunan niya kasi kay Princess. Umalis siyang nakabukas ang mga social media account niya sa laptop.

Umalis kami ng mga alas-tres ng hapon. Hindi namin kasama si yaya kasi nasa bakasyon. Bagong renovate din ang bahay noon, parang unang binyag.

Natagalan kami sa Recto. Doon ko lang naisipang mag-subscribe nang one week internet data para lang makapag-Facebook sa phone. Pagkabukas ko ng Messenger, may natanggap agad akong message at galing kay Bibingka.

"Uy! Nakauwi na ba kayo? Pupunta sana kasi kami sa inyo pero naka-chat ko yung bunso ninyong kapatid na lalaki ngayon lang," sabi niya na ikinagulat ko.

Napatanong agad ako kay mama, Blondey, at Princess. "Marunong bang makipag-chat sa Facebook Messenger si Bunso?"

"Oo, pero maiikli lang. Kaka-walong taong gulang pa lang niyon. Di ganoon kagaling at bihira lang din mag-chat. Di naman niya kasi trip mag-chat-chat, 'no? Bata-bata pa e!" inis na sinabi ni Blondey. Sila kasi ang close at madalas magkasama, lalo noong nag-aaral pa sila sa abroad. "Ah, gano'n ba? Naka-chat daw kasi ni Bibingka si bunso," aniko.

"Sigurado ka? Ano'ng oras? Umalis naman tayo ng bahay nang 3 p.m. At saka walang pang-surf sa internet si papa, sa pagkakaalam ko," pagtataka ni Blondey kaya nanlaki ang mga mata naming magkakapatid.

"Mama, puwedeng patawag kay Papa? Dali! Please!" Sabay kuha ko sa cellphone ni mama at tinawagan namin agad-agad si papa.

"Hello, papa! Pinahawak n'yo ba kay bunso yung phone n'yo. Saka may internet ba ang cellphone n'yo o bumalik kayo sa bahay? O baka may binalikan kayo ni bunso sa bahay? Pagkaalis natin noong alas-tres?" sunod-sunod na tanong ko habang naka-loud speaker para marining nina Blondey at Princess.

"Ha? Wala naman, anak. Di ako marunong mag- internet sa cellphone ko. Di rin nahawakan ni bunso n'yo itong phone. Noong pag-alis natin ng alas-tres sa bahay, diretso na kami sa mall at naglaro na siya agad. Di rin kami bumalik sa bahay. Bakit?" pagtataka ni papa.

Pagsapit ng Dilim {Short Story + Diary}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon