Pagkalipas ng maraming taon sa probinsya, hindi maganda yung grades ko dahil napabarkada ako. Kaya naman dalawang beses akong dropout sa college.
Dahil din doon, nawala ang pagtuon ko ng pansin sa third eye ko dahil sa madalas maraming bisita sa bahay. Minsan, maraming nag-o-overnight. Mga pinsan at kakilala ganyan. Kaya nakalimutan ko rin ang pangontra at nawala ko ang agimat o naitago sa di ko maalalang lalagyan.
Patitigilin sana ako ng mga magulang ko sa pag-aaral. Buti na lang, yung mama ko ay napilit ng kapatid ko. Dahil napagpatuloy ko ang pag-aaral ko sa Maynila para pag-igihan at magkaroon ng diploma dahil iyon na ang huling chance ko, bawal na raw akong magloko. Dahil nagtrabaho din ako abroad after dropout kahit walang natapos na college diploma ay ginamit ko ang savings ko para sa pag-enroll at tuition fee ko sa bagong tatahaking pangarap. Magandang magtapos sa kolehiyo at iba pa rin kapag nagtatrabaho ka na as professional o may natapos. Sawa na rin akong pag-tsismisan ng mga tita ko. Alam mo naman ang mga pinoy, crab mentality at it's finest.
Sa Quezon City kami napadpad ng kapatid ko at hindi sa Maynila dahil naghanap si papa ng residence lot at doon siya nakahanap.
May nabili siya. Tatlong palapag na bahay. Maganda at malaki iyon. Kulay green at pina-renovate pa niya para lang sa aming magkakapatid. At para din tuwing nagbabakasyon sila sa Pinas, may natutuluyan silang bahay sa Luzon.
Sa first floor, naroon ang kitchen, dryer room o mga sampayan, washing machine room, at malaking sala, pati isang banyo at pinaglulutuan o dirty kitchen kasi nakahiwalay yung dining at yung maid's quarters. Sa second floor naman ay yung guest room. At dahil nakituloy sa amin ang pinsan namin na si Lons ay doon siya natutulog. Ang kuwarto naming magkapatid ay sa second floor at may banyo sa loob niyon. Mayroon ding pangalawang banyo na nasa labas at maliit na sala. Sa third floor ang malaking attic at master's bedroom—yung kwarto nina mama at papa.
Two years na di nababahayan kaya medyo creepy. What's interesting about sa bahay na iyon, doon sa kuwarto namin, sa taas niyon ay may isang bakanteng kuwarto. Nadiskubre lang namin iyon kasi nakita namin yung bubong. Parang maluwag kaya inakyat ni Lons.
Kadugtong niyon ay ang master's bedroom. Napakamisteryoso ng kuwartong iyon at passage niyon ay yung bubong ng kuwarto naming magkapatid dahil walang pintuan. Malaki ang kuwarto at ang weird kasi una nilang nakita roon sa loob ay maraming buhok sa paligid noong inakyat nila.
Gusto sana ni daddy gawing kuwarto rin at butasan para magkapinto, kaso siyempre, nasa abroad sila, wala siyang oras. Kaya naman tinawag na lang namin itong secret room. Ang bubong ng kuwarto namin ng kapatid ko ang passage na dapat pang akyatin kaya nakakatakot. Lagi kaming may naririnig na malalakas na yabag tuwing gabi roon sa itaas.
Noong ni-re-renovate pa yung bahay naming iyon, nagrereklamo ang mga kapitbahay namin. Ang ingay raw ng mga labor ng bahay kasi mga alas-dos nang madaling araw ay nagtatrabaho pa rin sila. Kaya nga natakot yung mga labor namin kasi wala naman daw talagang nag-overnight work doon sa bahay.
Sumunod na araw. Tumira na kami ng kapatid kong si Princess sa bahay na iyon. Kasama ko rin noong araw na iyon si Mama pero babalik din siya sa abroad. Sinamahan lang niya kami. Nag-hire din kami ng isang katulong at nakikitira sa amin ang pinsan naming si Lons. Nag-apply kasi siya sa abroad at naghihintay ng resulta. Bumili na si Mama ng lahat ng kakailanganin na appliances para sa bahay para feel at home na kami roon.
Ngunit ang dami ko nang nararamdaman kakaiba simula noong iwan na kami ni mama at bumalik sa abroad. Pati si Lons ay takot na rin minsan kaya nakiki-overnight sa mga kaibigan niya. Kami lang kasing tatlo ang natitira sa bahay kasama ang maid na nasa baba.
Ito ang ilan sa mga naramdaman ko sa bagong bahay namin sa QC . . .
BABAENG MATANDA
BINABASA MO ANG
Pagsapit ng Dilim {Short Story + Diary}
Horror[Highest Rank #1 KABABALAGHAN on 5|9|2018] [Highest Rank #4 Multo on 5|9|2018] THIS IS NON-FICTION STORY BASED ON TRUE TO LIFE EXPERIENCE OF THE AUTHOR Ang laman ng mababasa niyo rito ay koleksyon ng lahat ng mga kababalaghan na aking naranasan si...