Chapter 3. Daang Probensya

1.4K 34 36
                                    

Ihahatid namin noon ang pinsan naming si Ate Chinee—ate ni Bibingka. Magre-review kasi ito sa Maynila for CPA. Parang bonding na rin naming magkakamag-anak iyon. Kasama namin sina Tita Raico at mama ni Madz, pati na sina Bibingka, Macky, Lons, Madz, Lea, Queeny, pati ang kapatid nitong si Moymoy.

SUV ang sinakyan namin na kotse ni tita. Ang driver ay yung hired driver niya na may pagka-pasaway.

Pagkatapos naming maihatid si Ate Chinee sa pier ng mga 10 p.m., naging emosyonal kami sa isa't isa. Alam mo iyon? Yung iyakan tapos akbayan nang mahigpit. Si Chinee kasi ang isa sa closest cousin ko sa lahat kahit mas nakatatanda siya sa akin ng apat na taon—same age with Lons—Walang hiya-hiya at garapalan na ang pag-iyak niya. May pagka-immature kasi ako noong time na iyon. 17 pa kasi ako.

Pagkasakay namin sa kotse. Sa front seat nakaupo sina Lons at Mads kasi mga lalaki sila. Sa gitna naman sina Bibingka, Macky, Lea, at si tita. Nagsiksikan sila roon. Sa likod naman ay ako, si Tita Raico, Queeny, at Moymoy. Magkatabi kami ni Queeny at kaharap ko naman si Tita Raico na katabi si Moymoy.

Papunta pa lang sa destinasyon namin ay 40 minutes na ang ilalakbay. Iyan ay kung mabilis ang kotse. Pero kung mabagal ay 50 minutes kami makararating.

Habang lumalarga na ang sasakyan, probinsya kasi kaya alam mo na yung kabang baka may makita ka sa kalsada. Pero dahil emosyonal kami sa pagpapaalam ni Ate Chinee, di na namin naisip yung multo.

Kalog din ang driver namin. Masyado siyang nagmamadali. Parang nakikipag-karerahan. Ang lugar pa naman ay Lanao del Norte papuntang Lanao del Sur.

Ang dahilan kung bakit kami naglalakbay nang ganoon kalayo ay dahil sa probinsya namin sa Marawi ay walang pier, airport, o kahit malalaking gusali at mga mall. Probinsya talaga. Ang ospital naman ay kinulang ng gamit kaya napipilitan kaming pumunta sa Iligan, Lanao Del Norte.

Ngunit noong papunta na kami, hindi pa man kami nakakalahati sa destinasyon namin bandang Pantar, Lanao del Sur, nakakita na agad sina Lons, Mads, at tita pati na ang driver namin.

Super matatakutin sa multo si tita kaya nag-react agad siya habang yung iba sa amin ay busy o inaantok na. Ang nakita nila ay doon sa gitna mismo ng kalsada. Maraming mga balahibo ng manok nakakalat.

Dahil baliw itong driver namin at nagmamadaling makauwi dahil hinihintay siya ng pamilya niya, di na niya iyon pinansin at diniretso na niya ang kalsada kasi ano naman daw e balahibo lang naman ng manok at hindi tao. Wala siyang pakialam kung napakabilis pa ng pagmamaneho niya.

May pagkasaltik talaga ang driver pero sanay siya kasi nga driver siya ng dalawang pook na nabanggit. Iyan ang trabaho niya at everyday routine na niya ang bumiyahe from Lanao del Norte  to Lanao del Sur.

Nakita namin ang nasabing balahibo ng manok noong naroon na kami sa parteng wala nang kabahayan. Mga palayan lang at puno-puno na.

Nasa kalahati na kami ng biyahe. What made it more creepy ay madalas-kasi sa probinsya namin, palagi na lang brownout. Sa buong kalsada walang ilaw! Makikita mo lang sa mga ibang bahay na madadaanan mo ay kandila lang ang ilaw nila. Imagine-in mo lang na tanging ilaw lang namin noong oras na iyon ay ilaw ng sasakyan tapos sobrang makipot pa ng dinadaanan ng sasakyan namin.

Humigit na sa kalahati ang binabaybay namin nang may nakita ulit ang driver, si tita, si Lons, si Madz, pati na rin sina Bibingka at Lea. Sa part din ulit ng mga palayan na walang katao-tao.

May nakita kaming naglalakad. Isa siyang tao ngunit mag-isa lang siya sa kalaliman ng gabi, nakatalukbong at may tulak tulak na kariton. At nandoon pa siya gilid  ng sasakyan namin bumabaybay kahit malaki pa naman ang gilid na espasyo ng kalsadang dinadaanan namin.

Pagsapit ng Dilim {Short Story + Diary}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon