Pagbabalik

"Uy Reen! Belated ah!"

"Hi Reen Belated Happy Birthday!"

Todo bati ang mga katrabaho ko sa akin nang pagkalabas ko sa opisina. Kaliwa't kanan ang pagtingin kasi halos lahat ng nakakasalubong ko ay binabati ako o kaya nama'y nagbebeso sa akin.

Nagpaalam ako sa boss ko na mago-off muna ako ngayon para umuwi sa amin at pinayagan naman niya ako kaya agad naman akong lumabas sa opisina niya para makabalik na ahad ako sa boarding house.

"Oh? Uuwi ka na?" Tanong sa akin nung kaboard ko nang nakita niyang nagiimpake ako ng damit ko.

"Ha? Ah oo naka-leave ako ngayon."

Tumango-tango siya at hindi na ako pinakialaman kahit nung lumubas ako ni hindi man lang nagba-bye. Busy kasi siya sa kanonood kung ano man ang pinapanood niya sa laptop niya.

Unusual yata na hindi traffic ngayon at sobrang luwag parang hindi ko nga nararamdaman na tumitigil iyong bus na sinasakyan ko ng matagal eh na para bang hindi na umuusad kaso ngayon parang nakasakay ako sa eroplano sa sobrang bilis ng biyahe.

Tinext ko na sina mama na uuwi ako  today at napangiti ako sa reply niya.

From: Mama

0906*******

Sure. Basta sabihin mo lang kung nasa bus stop ka na pupuntahan ka agad diyan nila Kuya Rylie at Ate Anne mo. Love you. Ingat!

And as I was saying before mabilis ang biyahe ko kasi wala ngang traffic kaya hindi ako ginabi sa daan. Pagbaba ko sa bus ay nakita ko ang sasakyan ni Kuya Rylie na nakapark sa di kalayuan.

"Kuya! Ate!" Masyado akong na-excite kaya napatili ako at hindi lang atensyon nina kuya ang nakuha ko kundi pati ang mga tao sa bus stop.

Ay! Nakakahiya!

Naginit ang mga pisngi ko at dali-daling tumakbo papalapit kayna Kuya.

Tinawanan ako ni Kuya Rylie at ginulo ang buhok ko. Si Ate naman kinuha iyong bag na dala-dala ko.

"Hmmm Reen sure ka bang hindi ka pagod today?" Utas sa akin ni Ate habang naglalagay ng foundation sa mukha niya.

"No ate. Birthday party ko diba? So nakaleave muna si Mr. Pagod haha."

Tumawa din sila sa sinabi ko. Hindi agad kami dumiretso sa bahay kasi sabi daw ni mommy ay magpaayos muna daw ako dahil madami daw bisita na dadating.

Ipinark na ni kuya ang sasakyan sa harap ng salon na pinapagayus namin nina mommy at ate.

"Let's go!" Nagmamadaling bumaba si ate at halatang halata na excited siya. Mahilig talaga siya sa mga makeover eh lalong lalo na kung ako ang aayusan.

Bumati sa amin iyong mga empleyado sa salon at ipinaubaya na ako ni ate doon sa bakla na nasa dulo.

"Hi! You must be Reen?"

"Yes po."

"Halika! Aayusan na kita."

Medyo mahaba na nga rin ang buhok ko kaya siguro mas okay na din kung ipapa-trim ko ito. Sinimulan na ako gupitan.

Binawasan lang naman ito ng 3 inches at nag-request din si ate na kulutan iyong dulo. After noon wala pang masyadong pagbabago sa akin pero si ate nagtatalon na sa tuwa nang makita niya ang itsura ko.

"Woah ate kalma! Baka ma-straight to bigla!"

Ngumuso siya at niyapos ulit ako saka hinila pabalik sa kotse.

Always And ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon