Ligaw?
Maaga akong umalis sa amin buti na lang willing si Kuya na ihatid ako. Hindi na siya nagabalang magbihis.
Naka white shirt lang siya at sweatpants tapos messy hair pa. Diyos ko! Kung hindi ko lang to kapatid eh napakasalan ko na siya. Pareho kami ng mata at namana namin ito kay daddy kaso namana niya ang katangusan ng ilong ni mommy tapos iyong labi niya ay napakapink! Mas maputi din siya sa akin.
Bakig ganun? Ang ganda ng ate ko? Tapos ang pogi ni kuya? Samantalang ako? Kahit namana ko din naman ang features nina mommy wala pa ding nangyayari.
25 pa lang ako kaso mas mukha pa akong stress sa kanilang dalawa!
He's already 31 and will be married soon. Pwede bang ako na lang ang pakasalan niya? Para sure ball na maganda ang anak namin!
"Hey Reen! Wag mo na akong pagpantasiyahan! I am not your prince charming anymore..ikakasal na ako." Aniya pero hindi siya tumitingin sa akin at diretso ang tingin sa daan.
"Hmp! Kuya naman eh hindi ka ba talaga ampon? Or baka naman ako ang ampon?"
"Stop it Reen. Hayaan mo makakahanap ka din ng prince charming!" Ngumisi siya at sumulyap sa akin ng bahagya, "Malay mo si Nate diba? Or kaya naman..si Renzo..ulit?"
Hinampas ko siya at tumingin na lang sa bintana. Bwiset! Botong boto pa rin sila kay Renzo? Ugh!
Uh-huh. Renzo Zacharian Elorja is my ex boyfriend! Naging kami noong 4th year highschool ako. One year ang tanda niya sa akin, kaso nung 3rd year college at siya naman ay graduating may kabulastugan siyang ginawa kaya ayun nag-break kami. Paano ba naman kasi ang landi landi!
Nagpahatid ako kay kuya sa boarding house ko. Magco-commute na lang ako papuntang opisina. Isang sakayan lang naman eh. Kailangan ko kasing ilagay itong mga damit na dala dala ko. Syempre alangan dalhin ko ito sa airport!
Abala ako sa pagaayos ng damit ko nang magring ang phone ko. Unknown number.
"Hello?" Sinagot ko ito.
"Reen?" Si Zoe pala.
"Oh? Why?"
"Nakaalis ka na?"
"Yes."
"Ay sayang sabay na dapat tayo! Papunta din kami sa manila eh! Ikaw talaga!"
"Well sorry maaga akong umalis at baka mapagalitan ako ng boss ko!"
"Aish. Osige na bye!"
"Okay bye!"
Nagpalit na pala siya ng number? Syempre kailangan. Ilang years din silang nagstay sa New York edi malamang nagpalit na siya ng number. Siguro silang lahat.
At itong mga number na nakaregister sa phone ko ay hindi na active. Highschool pa kami nito eh! Kaso ako hindi pa din nagpapalit iyon pa din hahaha.
Hindi naman ako pinatawag ng boss ko pagdating ko sa terminal so balik trabaho na naman ako.
Isa akong ground stewardess. Yes you heard me! Ground Stewardess. Matangkad naman ako kahit papaano at may itsura din naman kaya ayan natanggap ako.
Pangumaga ang sched ko this month kaya medyo madali kaso siguro sa susunod ay panggabi naman. Mas mahirap iyon kasi hanggang madaling araw akong gising kaya pagkakadating ko sa boarding house ay plakda agad ako.
Hindi madali ang trabaho ng mga ground stewardess kasi kami ang nagaasikaso sa inyo pagbaba niyo sa eroplano o kaya naman ay pagsasakay ng eroplano. Kaya ground eh so kami ang incharge na salubungin kayo. Kasama na doon ang pagchecheck ng passport or boarding pass mga ganon, kami din ang bahala sa luggage niyo basta! Pumunta kayong airport at malalaman niyo.