VI

20 1 2
                                    

Still Stuck

Sumakay na kami sa kotse niya but this time Huracan naman ang gamit niya. Pinaandar na niya ito and as usual kung makapagpatkbo siya akala mo nasa karera pero hindi ko maiwasang ngumiti.

Na-miss ko ito. Hindi pa din nagbabago ang amoy ng kotse niya and na-amaze na naman ako kung gaano kabilis maglaho lahat ng mga sasakyan at building sa paningin ko. Few moments later ay tumigil kami sa isang convenient store.

"Oh? Dito tayo magdi-dinner? Wow. I didn't know na naghihirap ka na!"

"Go grab some snacks. Magste-stargazing tayo."

"Omg! Saan?"

"Dun sa farm. Diba may burol doon na gustong-gusto mong higaan lagi?"

Sa farm! Ilang years na din akong hindi nakakapunta doon. May pinagbago na kaya iyon?

Pareho kaming bumaba sa sasakyan. Buti na lang nakapagpalit ako sa boarding house bago umuwi kaya hindi masyadong makakhiya ang suot ko. I saw some guys na nakakatitig sa akin at nagbubulungan tapos ngingisi sa direksyon ko.

Naramdaman ko naman agad ang kamay ni Renzo na pumulupot sa bewang ko. Lumingon ako sa kanya at nakita kong tintingnan niya ng masama iyong mga lalaki.

"Bakit kasi ganyan ang suot mo?"

"HUH?! Hello naka pants na nga ako!"

"Don't you know how attractive you are kahit na nakasuot ka ng pants? And isa pa masyadong fit yang sayo."

Bumuntong hininga siya at pinagpalit kami ng pwesto. Ako naman ang nasa left side at pader lang iyong nakakakita sa akin. Nakakakita ba ang mga pader?? Basta sinigurado niyang takip ng katawan niya ang katawan ko. Noong nakapasok kami sa loob ay lumayo na siya s akin pero nakasunod kung saang aisle man ako magpunta.

Syempre kumuha ako ng oreo, chips, chocolates, gummies at ilang cookies na pwede pang kainin. Hindi ko namalayan na kumuha din pala ako ng yanyan.

"Oh? Naisipan mo ding bilhan ako ng favorite kong snack?"

Oh sheet! Favorite nga pala ito ni Renzo! Nag-automatic bigla ang isip ko eh.

Hindi ako sumagot at dumiretso na sa counter. Napatingin naman iyong cashier sa mga binili ko, "Lahat po ito?"

"Isn't it obvious? Bakit ko naman ito ilalagay dito kung may iiwanan din naman pala ako?"

"Sorry po."

Nanginginig na pinunch nung cashier ang bawat item at hindi man lang natingin sa akin kahit nung tinanggap niya ang bayad.

"Here y-you go ma'am." Aniya at binigay sa akin ang sukli.

Sumobra yata ang pagtataray ko kaya ngumiti ako, Thank you." Utas ko at kinuha na iyong mga pinamili namin.

"Ako na babe."

"Ako na just open the door."

"Nope ako na." Pamimilit ni Renzo at sinusbukang kunin iyong mga bags.

"Babe diba sabi ko ako na?" Utas ko at tinaasan siya ng kilay. HMP!

"Tinawag mo kong babe?"

HUH?!

Hinarap ko siya habang magkasalubong ang kilay ko.

"Ano?"

"Sabi mo babe."

SINABI KO IYON? OR NANTITRIP LANG SIYA? UGH WHATEVER. BAKA AKALA NIYA MADADALA NIYA AKO SA PAGANYAN GANYAN NIYA.

"Ewan ko sayo." Ani ko at lumabas na.

Sinabi ko ba talaga iyon?

Almost one hour ang biyahe papuntang farm and it's almost ten pero excited akong makita ulit ang farm kaya hindi ako nagsabi kay Renzo na umuwi na kami. And at last nasa tapat na kami ng gate.

Blue Serene ang pangalan ng farm kahit hindi naman blue ang nasa loob but whatever. Pagbukas ng gate ay nakita ko na may postlight na ang dadaanan. May flowers na din sa tabi ng pathway. Naaninag ko din ang pond nila sa di kalayuan na kumikinang ang tubig dahil sa liwanag ng buwan. Ipinark ni Renzo ang kotse niya harap ng resthouse nila. Makaluma ang design ng labas ng resthouse pero once na pumasok ka para kang nasa loob ng isang palasyo. Maraming kwarto dito dahil ilan sa mga tauhan ng farm nilang ito ay dito nagste-stay dahil karamihan sa kanila ay galing pa sa probinsya at mahirap kapag uwian sila doon. Dumiretso muna kami sa loob dahil kumuha pa si Renzo ng mat, unan at kumot.

"Tara na." Kinuha ni Renzo ang mga bags na hawak ko tsaka ito isinakbat sa balikat niya at binitbit din niya iyong hihigaan namin. Gamit lang niya nag isa niyang kamay at iyong isa naman ay hinawakan ang kamay ko. Pinagdaop niya ang mga kamay namin.

May naramdaman naman akong kakaiba sa tiyan ko. Naglabasan lahat ng butterflies tapos parang nagbuhol-buhol na lahat ang mga lamang loob ko. Napasinghap ako ng bahagya.

Ramdam na ramdam ko ang init ng mga palad niya at kung gaano kahigpit ang pagkakahawak niya sa kamay ko. Pagdating namin sa burol ay binitawan na niya ang kamay ko para ayusin ang gamit namin. Pinagmamasdan ko lang siya habang inilalatag iyong mat sa lupa. Seryoso ang mukha niya at abalang abala sa paghahanda. Pinagmasdan ko ang paligid kahit madilim. Napansin kong sobrang dami ng stars ngayon na halos maduling na ako sa kakatingin.

Nakita ko ang big dipper, small dipper, pati ang rosary,cancer, aries, corona borealis.

"Uy Reen baka mangalay ka diyan kakatingala."

Nakita kong nakahiga na siya kaya lumakad na ako papalapit para tumabi. Ini-stretch niya ang arms niya para iyon ang maging unan ko at iyong unan na dala-dala niya ay niyapos ko na lang. Ramdam na ramdam ko ang pagka-firm ng braso niya.

Bumuntong hininga siya at pinulupot ang braso na hinihigan ko sa baba ng leeg ko. Hindi naman sobrang higpit. Sobrang lapit namin sa isa't-isa. Ramdam ko ang hininga niya sa noo ko at amoy na amoy ko ang pabango niya.

"Ano? Ilang constellations na ang nakita mo?"

"Hm.Six."

"Paano mo iyon nahahanap?"

"Secret!"

Tumawa lang siya at hindi na uli nagsalita. Sobrang peaceful dito. Ipinikit ko ang mga mata ko to appreciate the silence. Naramdaman kong medyo inangat ni Renzo ang ulo niya.

"Tulog ka na agad?" He chuckled. Hindi ako mumulat at iniintay ko kung may sasabihin pa ba siya.

"Hays. Siguro pagod ka na." Aniya at ramdam kong kinumotan niya ako.

Damn! He still does that! Palihim akong ngumiti. He's still sweet but I won't fall for it! Never again! Bukas na bukas pupuntahan ko agad si Nate and I won't let Renzo bother us again.

"Sheet Reen ang bango mo!" Pabulong niyang ani. "What the hell am I going to do with you? Alam kong ayaw mo na sa akin and I'm sure may pagasa sayo si Nate! Hell! Pwede kayang gayumahin na lang kita?"

WHAT?!

"Napaka-desperado naman nun! Sheet Reen what the hell? Paano mo nagawang mag-move on agad? Bakit hindi mo ako tinuruan? Nag New York na akong lahat ikaw pa din. F*ck!"

I don't know what he did pero medyo humigpit iyong hawak niya sa akin pero di rin nagtagal ay lumuwag na ulit. "I'm still stuck Reen. Still stuck."

And I'll make sure you'll be! I'll make you stuck in this situation Renzo. FOREVER.

Always And ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon