I love you
Kakagasing ko lang at buti na lang hindi pa ako late. Wala na iyong ka-room mate ko kaya naisipan kong bumangon na.
Chineck ko ang oras sa phone ko pero imbes na oras iyong nahagip ng mga mata ko, ang mga text ni Renzo ang agad kong napansin. Inopen ko ito at nakita ko kagabi pa siya nagtext sa akin. Maaga kasi akong natulog at sobrang pagod ako sa trabaho ni hindi na nga ako naghapunan noon eh.
Renzo
6:30 PM
Hi Babe! Labas ka na ba sa work?
6:34 PM
Uy? Hello? Babe?
7:20 PM
Hey? Nag dinner ka na? Wag kang magpapalipas ah.
7:29 PM
Babe? Magreply ka naman.
8:01 PM
May date kayo ni Nate ngayon? Make sure na sa fine dining kayo kakain ni Nate kasi pag hindi ang cheap naman niyang magiging boyfriend mo hahaha.
8:05 PM
Wait a sec..sasagutin mo ba siya? Hahahahaha
8:45 PM
Babe? Bakit hindi ka nagrereply? Kahit ANO BANG PROBLEMA MONG HINAYUPAK KA?! TANTANAN MO NA AKO LECHE KA! Kahit iyan na lang ang ireply mo as long as may reply ka.
9:30 PM
Babe? Nandito na si Nate kakauwi lang niya sinamahan niya si Zoe sa company.
9:37 PM
So hindi kayo nagdate?
9:38 PM
Or nagkita?
9:39 PM
Or pinadalhan ka ba niya ng flowers?
9:40 PM
Food?
9:41 PM
Sinundo ka niya sa work? Then hinatid sa boarding house?
Ang yaman nito sa load! Buti na lang hindi niya naisipang tawagan ako kagabi kasi magigising ako at sisigawan ko siya.
10:15 PM
Babe? Pagod ka no? Anyways sleep well. :)
Iyon na ang last message niya sa akin kagabi. Hindi ko namalayan na nakangiti ako.
Wait...bakit ba? He's annoying! Dapat hindi ako natutuwa na tinetext niya ako at sinasayang niya ang oras niya sa akin.
Inilapag ko na uli ang phone ko sa desk at napagdesisyunan ng maligo.
5:18 AM na. Kailangan nasa airport na ako before 7 baka mapagalitan ako eh. Next week panggabi na iyong schedule ko so mag aala Dracula na naman ako. Gising sa gabi. Tulog sa umaga.
Medyo binilisan ko ang pagligo ko kasi magpaplantsa pa nga pala ako. Pagkalabas ko sa banyo nakita ko buhay iyong phone ko. May tumatawag pala.
Akala ko si Nate haist. Si Renzo pala kaya hindi ko inintindi at inihanda na ang ipaplantsa ko. Mabait iyong namamahala nf boarding house, hindi ko alam kung lahat ng boarding house ganito, pero each room may plantsa na, complete equipment. Iyon nga lang mahal ang bayad pero sulit naman.
Tumawag na naman si Renzo. Hmp. Bahala siya hindi ko siya papansinin, sisirain lang niya ang umaga ko. After ng 10 missed calls niya ay naisipan naman niyang itext ako.
Mabasa na nga.
5:38 AM
Hey! Good morning :)
Hindi na ako nagabalang mag reply at baka mangulit pa siya. Last week ko pa balak puntahan si Nate at gusto kong sabihin sa kanya lahat noong nasa farm kami ni Renzo kaso medyo naging busy ako sa trabaho kaya nawala sa isip ko na puntahan siya. Wala pa din siyang text sa akin or tawag, hindi pa din kami nagkikita. Sabi ni Zoe siya daw ang nagaasikaso ng company nila sa New York, nagtaka nga ako kung bakit siya at hindi si Renzo. Promise bukas na bukas, tutal off ko na naman ulit bukas edi didiretso ako sa bahay nila. Ako na mismo magaayang makipagdate para hindi na makaeksena si Renzo.
Binilisan ko na ang pagbibihis ko kasi dadaan pa ako sa Mcdo para magbreakfast. So pagkatapos ko magblower ng buhok ko ay gumora na agad ako.
Nagvibrate na naman ang phone ko. May tumatawag!
Si Nate.
"Hello?"
"Hi Reen!"
"Hi Nate."
"I'm sorry I've been busy for these past few weeks. Don't worry babawi ako sayo."
"No problem."
"Kailan ba ang off mo?"
"Hmm..tomorrow. Uuwi ako na ako mamaya."
"Good. Susun-RENZO!"
"Shh. Kuya ako muna."
Rinig na rinig ko silang dalawa sa kabilang linya. Pinagaagawan nila ang cellphone ni Nate.
"Renzo!"
"Kuya hahahaha wait..hahahaha"
"Renz-"
"Hello babe?"
Naririnig ko pa ring sumisigaw si Nate hanggang sa unti unti na itong humina at nawala. Narinig ko na lang na may nagsara na pinto. Nasa loob na yata siya ng kwarto niya.
"Babe?" Utas niya.
Hindi ko siya sinagot at patuloy lang sa paglalakad hanggang sa nakapasok na ako sa loob ng Mcdo. Hindi ko alam kung bakit hindi ko pa siya pinagpatayan kanina.
"Good morning ma'am."
"Good morning. Uh can I have two pieces of pancake. Hot chocolate and hash brown."
"Dine in ma'am?"
"Yes."
"Babe?"
Ay leche. Nasa linya pa nga pala siya bwiset.
"Renzo I'm gonna eat so bye. Ibalik mo na ang phone ni Nate."
"Okay sige. Bye."
Hays. Buti na lang hindi na niyang naisipang kulitin. Bago ko pa mailayo ang phone ko sa tenga ko ay narinig ko siyang ng salita.
"...you."
"Ha? Ano yun?"
Narinig ko siyang bumuntong hininga at medyo tumahimik. So tiningnan ko kung in-end call na ba niya. Hindi pa naman. On call pa din.
"Here's order ma'am."
Nginitian ko iyong cashier at binitbit na ang tray papunta sa uupuan ko.
"Hello?"
Wala pa ding sagot. Ay bahala siya. Pinatay ko na at itinuon ang atensyon sa pagkain. Shems! Ang sarap talaga pag mainit pa ang kakainin ko tuwing breakfast!
Nag vibrate na naman ang phone ko. Si Nate uli iyong tumatawag kaya agad kong sinagot.
"Hello Nate?"
"Sabi ko..I love you."
Muntikan ko ng mabitawan iyong hot chocolate na iinumin ko dapat bago siya tumawag.
Nag init iyong mga pisngi ko at parang may ahas na gumagapang sa loob ng tiyan ko.
"Sige na. Bye." Aniya at in-end call na.
WTH?!