Take back what's mine
Magkahawak pa rin kami ng kamay simula noong bumili kami ng pagkain at ng ticket hanggang sa pagpasok namin sa loob.
"Bitawan mo nga ang kamay ko!" Binawi ko bigla ang kamay ko nang nakaupo na kami.
Tumawa siya at ginulo ang buhok ko, "Sungit pa din!"
Hindi ko na siya pinansin at baka kung ano pang magawa ko sa kanya. Baka matuluyan na makulong pa ako.
Hindi ko alam kung anong movie ang panonoodin namin kaya iintayin ko na lang na magsimula bago ko kainina ng popcorn ko.
"Reen..." Siniko niya ako at nakita kong nakatingin siya sa akin.
"Ano?" Mataray kong tanong.
"Kamusta ka na?"
"Okay naman." Ngumiti ako tapos saka sumimangot, "kanina nung wala ka pa!"
Ngumibit siya at kinuha uli ang kamay ko. Pilit ko itong binabawi pero ayaw niyang bitawan kaya hinampas ko siya sa braso. Napangiwi siya ng bahagya pero hindi pa rin natitinag ang kamay niya.
"Bwiset!"
After a few minutes ay nagsimula na ang movie. Chill na chill pa akong kumakain ng popcorn kaso nung nakita ko iyong title ng movie ay muntik ko ng maitapon ang popcorn ko.
Tumingin ako kay Renzo na nakatingin din sa akin habang nakangiti.
"Renzo?! H-horror?! What the hell?! Alam mo n-AAAAAAHHHHHHHH!" Bigla na lang akong napasigaw ng narinig ko iyong jumpscare na tunog. Isinubsob ko ang mukha ko kay Renzo. Wala na akong pake kung galit ako sa kanya ang mahalaga hindi ko makikita ang bawat clip sa screen. Naramdaman kong inilagay ni Renzo iyong isang kamay niya sa tenga ko para hindi ko masyadong rinig ang tunog.
Hindi pa kami nakakatagal sa loob ng sinehan ay tumayo na si Renzo, "Tara na! Labas na tayo." Aniya at tumayo sa harapan ko para hindi ko makita ang movie.
Sumangayon naman ako at dali dali siyang hinila palabas.
"Bwiset ka! I hate you! Nakakainis! Bakit horror iyong pinanood natin? Ugh! Alam mo namang ayaw ko noon diba? High school pa lang tayo aware ka na doon! Seriously? What the hell is your problem?"
Nagkibit balikat siya at binitawan ang kamay ko, "You want a hug?"
"No thank you. Bahala ka diyan!" Maglalakad na ako papalayo kaso naaalala ko wala nga pala akong sasakyan at wala rin akong pera. Hinigit nga lang pala ako dito ni Nate at wala siya dito.
"Renzo..."
"Yes babe?"
"Don't call me babe please!"
Tumawa siya ng mahina, "Masasanay ka din."
"Tss. As if! Hindi naman tayo!"
"Oops! Let me rephrase that Reen. Hindi na naman tayo."
Naginit bigla ang pisngi ko nang sinabi niya iyon.
"Psh."
"Oh don't deny it Reen! Naging tayo naman noong napasok tayo diba?"
Hindi ako sumasagot. Humakbang siya papalapit sa akin at pinilit akong tumingin sa kanya. Biglaan kong naramdaman ang libu-libong paro-paro na nagsililipadan sa loob ng tiyan ko.
"You were mine for 3 years and half a month!"
"Shut up Renzo!" Sa hindi inaasahan ay sinampal ko siya. Nawala ako sa sarili ko kaya ko iyon nagawa. Mabuti na lang nandito pa kami sa area ng sinehan kaya walang masyadong tao.
Napanganga siya sa ginawa ko at humakbang ng bahagya papalayo sa akin, "Why Reen?"
"Oh ano na naman? Kasalanan mo naman iyon!"
"Tara na ihahatid na kita sa inyo." Nagiba na ang tono ng pagsasalita niya. Seryoso na siya at nagdilim na ang mukha niga
Lumapit uli siya sa akin at hinawakan ang kamay ko saka kami naglakad palabas ng mall. Nakita kong nakakunot ang noo niya at kanina pang bumubuntong hininga.
Tahimik din kami sa loob ng kotse niya. Alam naman niya pa rin pala ang papunta sa amin kaya wala akong problema sa pagtuturo ng direksyon.
"Thank you." Ani ko at binuksan ang pinto ng sasakyan niya.
"Reen..."
Lumingon ako sa kanya.
Unti-unti siyang ngumisi, "Babe.."
"Ugh! Ano ba?"
"Pinopormahan ka yata ng kapatid ko."
"Ano naman? I'm single naman eh so it's okay."
Bumaba na ako sa sasakyan pero bago ko pa man maisara ang pinto ay tinawag na niya ulit ako.
"Hayaan mo. Manliligaw ulit ako sayo..or more like..babawiin na ulit kita." Utas niya at kumindat.
Hindi ko na siya pinansin at padabog kong isinara ang pintuan ng sasakyan niya. Ngayon ko lang napansin na gamit gamit niya ngayon ay bagong kotse. Hindi ito ang kotseng gamit niya noong high school pa kami kaya pala hindi siya masyadong mabilis magpatakbo.
Puting porsche 911 gt3 ang dala dala niya ngayon.
Ano na kayang nangyari sa Lamborghini Huracan niya?
Pumasok na ako sa loob ng bahay namin. Hindi na ako nagpaalam kay Renzo kasi wala akong paki naiinis pa rin ako sa kanya. Dumiretso na ako sa banyo para maligo. Tanghali na at pantulog pa din ang suot suot ko so kailangan ng magpalit.
After kong maligo ay binuksan ko ang wifi ng cellphone ko. Biglaang may nag-DM sa akin sa IG.
Renzo_Elorja: Hi!
: Babe!
: Wag kang magpapaligaw kay Nate ah!Nakakaasar naman tong si Renzo! Nag notif ulit at may nag-DM na naman siya
Renzo_Elorja: because i will take back what's mine!
Napasinghap ako sa last message niya. What?! Take back?! Does that mean...oh hell no! No!
Hindi pwede! Hindi dapat! Hindi ko kaya!