Nerrie Pov
"Jenny di ka ba titigil?"
Nakakainis na babae na to lagi na lang sya lasing"Anong gagawin ko! Sa Mga oras na to Kasal na sya!?" humahagulgul na ika nya
"hindi na kayo pwede! Buntis ka at may asawa na sya di ka nya gusto! " kahit libo libong beses mo isigaw sa kanya ang katotohanang yun ay parang di pa din sumisiksik sa ulo nya yun
"Manahimik ka palibhasa ikaw naramdaman mong mahalin nya eh ako? Isa lang ako ordinaryong babaeng may gusto sa kanya tapos kapatid lang tingin nya sakin sige nga! " galit na galit nyang sigaw
Oo totoo ako ang unang babaeng minahal nya pero hindi ko sya napahalagahan dahil may gusto sa kanya ang kambal ko mas gusto ko na sumaya si jenny kesa sumaya ako
Nang malaman nya na hindi ako yun ay agad nya na ako iniwasan doon na nagsimula ang pagiging ganito nya
"Ikaw ang may kasalanan neto kung sana hindi ka nagpahuli ay baka hanggang ngayon ay mahal nya pa din ako buhay pa sana si Daniel! "
Nakaramdam ako nang panlalambot dahil sa narinig ko nung araw na yun ay nag away si daniel at Grey dahil sakin malaki ang pagmamahal na binibigay sakin ni daniel pero pinili ko si grey para kay jenny para sa kanya nang araw na yun din namatay si Daniel sa Aksidente na kinagulo nang lahat
Tuwing sasabihin ni jenny ang tungkol kay daniel ay nagagawa nya akong pasunorin dahil na rin sa konsyensyang meron ako
"Kailangan mo akong tulongan. " nakangising ika nya
Nakaramdam ako nang kaba ganitong ganito ang sinabi nya sakin nung panahong gusto nya mahalin sya ni Grey
"Anong tulong? "
Kinakabahan na talaga ako"Kailangan mo ko tulongan hahahahhaa tama kailangan mo ako tulongan at wala kang ibang magagawa hahahahahha "
Kriiiiing
Kriiiiing
KriiiiingHalos napatalon ako sa gulat punyetang telepono to bakit ba sumasabay to?
"Hello nerrie? "
Panimula nang kabilang linya"oh Dave ikaw pala " bumubulong akong lumayo kay jenny
"Kamusta si Jenny? Ayus lang ba sya "
Halata ang pagaalala sa boses ni DaveOo si Dave ang ikatlo sa magkakaibigan na may tunay na pagmamahal kay jenny pero di sya nakikita ni Jenny dahil si Grey na kusinero ang gusto nya
"Hindi sya masyadong okay dave stress pa din sya dahil kasal na si Grey "
Napabuntong hininga na lang ang nasa kabilang linya nalulungkot ako dahil sa ginagawa nya. Sobra nyang mahal si jenny halos nakalimutan nya na ang sarili nya."Hayaan mo na sya bantayan mo na lan-
Nagulat ako sa paghila ni jenny sa telepono
"Kailangan ko ang tulong mo Dave alam kong di mo to tatanggihan parehas tayo makikinabang dito "
Dere deretsong sabi nya"sige magkita na lang tayo bukas. "
Kinakabahan at nalulungkot ako dahil mahina ako wala akong magawa o hindi ko man lang kayang kastiguhin ang kakambal ko.
Binaba nya ang telepono at bumalik sa pagiinom nya.
Nang kalkalin ko ang cellphone ko nabasa ko ang isang minsaheng kinakatakot ko.
"Kontakin mo na si Grey at kausapin mo sya na makipag kita sayo ako na bahala sa ibang kailangan nang kapatid mo. Hindi ako masaya dito nerrie pero wala akong magagawa mahal ko ang kapatid mo lahat gagawin ko para sa ikasasaya nya "
Ito na nga ba ang sinasabi ko sana wala na uling madamay sa gagawin nila
Nang lingunin ko si jenny ay nakangisi na syang nakatingin sa akin na nagpatindig nang balahibo ko minsan di ko na sya nakikilala lalo na pag desperada na sya sa mga bagayna gusto nya
Nagsisimula na ako magTipa nang mensahe para kay Dave alam ko mali pero katulad nya wala akong magagawa gusto ko lang din ay ang magpapasaya kay jenny kahit na magkagawa ako nang kasalanan sa ibang tao
A/N : tutok lang 😊 magsisimula na ang laban
BINABASA MO ANG
The Chef's Wife (COMPLETE)
RomanceMagmahal Ka nang chef dahil wala nang ibang iibigin yan na maliban sayo kundi Pagkain Lang ❤ Highest Rank Achieved #1 Agent