CHAPTER 34

9.6K 181 3
                                    


Di ko alam kung anong iyak pa ang gagawin ko lumapit sya sa pinto at nilock yun

May tinawagan sya sa phone at pagkatapos ay bumalik na sya sa harapan ko

"segundo minuto oras araw linggo buwan hinintay kita hinintay kitang umuwi alam mo ba yung naging pakiramdam ko nun napaka makasarili mo" galit at pawang galit lang ang nakikita ko sa mga mata nya

"TAON! TAON IRAH TAON MO AKO TINAKBUHAN AT ILANG TAON MO PINAGKAIT SAKIN ANG MGA ANAK KO ANONG GUSTO MONG MARAMDAMAN KO? " napataas ang bosses nya

Iyak ako nang iyak hindi ko alam ang isasagot ko

"Wag mong sigawan ang mama ko" maliit na boses ni ashton ang nagpatigil sa pag hagulgol ko

"wala kang karapatang sigawan ang moma ko limang taon pa lang ako pero alam ko na na gabi gabi umiiyak si moma at nagsosorry na hindi ka nya pinakilala sa amin kasi may iba ka nang pamilya " galit na sagot ni ashton di ako makapaniwalang limang taon kong anak ay alam na ang sinasabi nya

Hindi nakapagsalita si grey sa sinabi ni ashton

"Tama na anak tatay mo pa din sya" pigil ko sa anak ko kahit alam ko na hindi sya titigil sa apat si ashton ang matured magisip at open minded sa lahat nang bagay

"hindi sya ang papa ko si papa anton ang papa ko hindi namin sya kailangan limang taon kami nabubuhay bakit di ka nya hinanap? "
Tinignan ko si grey galit at sakit ang dumadalatay sa mukha nya

"wag mo ko sisihin anak dahil hinanap ko kayo yung nanay mo ang nagtago sa inyo pagkatapos nya akong iwanan nang walang kahit na anong paliwanag " mahinahon na sagot ni grey kay ashton si ashton naman ay humiga at nagtalukbong lang na parang ayaw nya pakinggan ang sinasabi ni grey at tumingin si grey sakin

"totoo bang magfifile ka nang annulment? " naninimbang nyang tanong sakin

" Oo gusto ko nang maabuhay nang walang tinataguan " deretsahang sagot ko nagsabi na rin ako nang totoo bat di ko pa lubusin diba?

"kung ganun ilalaban ko rin sa korte ang anak natin di ako papayag na wala akong makukuhang anak sayo " kinabahan ako sa determenadong pagkakasabi

Hindi pwede apat sila nung pumunta kami dito kailangan apat silang uuwi di ko kayang mawala kahit isa sa kanila sobrang sakit iniisip ko pa lang ano pa kung sa totoong pangyayare
Sakit sakit nang puso ko kaya umiiyak nanaman ako

"Wag grey hayaan mo na ako may pamilya ka na rin naman diba? Maging masaya na lang tayo sa buhay nang isa't isa " hindi ko alam ang gagawin ko pag tinuloy nya yung kasong sinasabi nya

Baka tuloyan na akong bumigay sa sakit

"maging masaya? Bakit mukha ba akong masaya? Anim na taon mo akong iniwan na sana may mga anak ako nababaliw ka ba? Asan ang utak mo di mo ba naisip na kakakasal lang natin nung iniwan mo ko at ngayon sasabihin mo may pamilya oo may pamilya ako pero ang layo ang layo nyo kaya anim na taon ngayon lang ako magiging masaya uli anong gagawin mo makikipag annul ka? Hindi gagawin ko ang lahat para mahirapan ka at isuko yang plano mo at nagbago na isip ko kukunin ko lahat nang anak ko sayo yan ang tandaan mo! " lumakad na sya papalayo sakin at umupo sa tabi nang batang kanina nya pa binabantayan

Iyak at iyak lang ang kaya kong gawin pero di ako titigil hanggang sa hindi kami nagkakalinawan at hindi nya kami titigilan

Tumayo ako at unti unti akong lumapit sa kanya
" anak mo? " tanong ko pabalik sa kanya

"Hindi anak to ni jenny at ni Dave " nakasimangot nyang sabi
ano? Anak ni dave at ni jenny

Sumakit yung ulo ko sa kakaiisip
Si dave yung sumigaw nun sa basement sya yung dahil kung bakit ako tumakbo at lumayo kung bakit ako nagtago sa loob nang anim na taon

"inaanak ko to at daddy ang tawag nya sakin " di sya tumitingin sa akin

Samakit lalo ang ulo sa sinasabi nya unti unti lumalabo ang paningin ko ilang segundo at di ko na kinaya

Ang lahat nang bagay ay dumilim tanging mahinang pagtawag ang naririnig ko pagkatapos nun ay nwala na ang lahat

The Chef's Wife (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon