"Si Ingrid"

28 2 3
                                    

Siya si Ingrid.
Ang babaeng laging nakatunganga sa gilid,
Laging umiiyak sa kanyang silid,
At para bang wala ng pakialam sa kanyang paligid.

Pamilyang dapat ay sandalan,
Ngayon ay kusa ng nilalayuan.
Pangunahing rason sa nararamdaman,
'Di na niya kayang pakisamahan.

Sa kanya'y pinagkait,
Kaligayahang ninanais.
Mga kaibigang tinuring na kapatid,
Sa kanya pala ay nagtataksil.

Nasaan na kaya ang dating Ingrid?
Gusto ko kasing marinig muli
Ang mga tawang malalakas
At makitang muli

Ang mga ngiting na dati ay abot tenga,
Na ngayon ay naglaho na.
Lungkot na sakanya'y naghahari,
Kailan kaya mapapawi?

Aniya'y "Ano pa nga ba ang silbi sa mundong ibabaw,
Kung ang lahat lang naman pala ay wala ng kabuluhan?"
Mga bagay na dati sakanya'y nagpapasaya,
Ngayon tila ay nalilimutan na.

Sa depresyong nararanasan,
Siya ay binago ng tuluyan.
Namimiss ko na ang dating Ingrid.
Miss ko na ang dating ako.

SyntaxTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon