"Isa. Dalawa. Tatlo."

58 6 8
                                    

Sa isa, dalawa, tatlo
Nagsimula ang lahat.
Isa, dalawa, tatlo
Puso ko ay tumibok.

Isa, dalawa, tatlo
Pag-ibig ay naramdaman.
Isa, dalawa, tatlo
Buhay ay naging makulay.

Kay saya ng pagsasama
'Di kayang mawalay sa isa't isa.
Na parang bang mga ibong nagmamahalan
Na gumagawa ng napakagandang himig.
Hay, pag-ibig!

Ako'y iyong pinangakuan
Na habang buhay tayo'y magmamahalan,
Pangakong aking pinaniniwalaan
Dahil ika'y aking pinagkakatiwalaan.

Ngunit, sa isang iglap
Pag-iibigan ng dalawang tao
Natapos sa tatlong salita,
"Mahal ayoko na."

Sa isa, dalawa, tatlo
Puso'y tumigil sa pagtibok.
Sa isa, dalawa, tatlo
Pag-ibig ay tila 'di na naramdaman.

Sa isa, dalawa, tatlo
Buhay ay biglang dumilim.
Di alam kung bakit,
Ano bang nagawa kong mali?

Sa tagal ng ating pagsasama
Ako'y iyong iniwan bigla.
Isipan ko ngayo'y gulong gulo kakaisip,
Kung minahal mo ba talaga ako? O pinasaya mo lang ako?
Ano ba talaga mahal?

Gabi-gabing umiiyak hanggang sa pagtulog,
Yakap-yakap ang unan
Na siya lamang ang nakakaalam
Sa aking nararamdaman

Bawat luhang pumapatak,
Katumbas ng pusong winasak.
Bawat ala-alang nakatatak,
Katumbas ng pusong paulit-ulit na sinasaksak

Na sa'n na ang iyong pangako
Na habangbuhay mayro'ng ikaw at ako?
Pangakong noon ay akala kong totoo
Pero ngayon ay tuluyan ng napako.

Pero alam mo?
Sa loob ng isa, dalawa, tatlo
Aking napagtanto,
Na sa laro ng pag-ibig,
Talo ang seryoso.

Sa isa, dalawa, tatlo
Nagsimula ang ating kwento,
Sa isa, dalawa, tatlo
Natapos ang lahat ng ito.


--

dane's note: i see everyone's stoping here and it's kinda making me sad jahajaja please read everything :((

SyntaxTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon