kailan pa ba masasanay
sa mga sigaw na kay ingay?
mag-isa lang naman sana sa kwarto
pero bakit ang boses mo'y abot dito?kahit pa'y takpan ang tenga
boses mo'y patuloy na umaalingawngaw
putangina parang-awa mo na
tigilan mo na ang 'yong paninigawkailan ba matatapos
ang sinasapit na unos
ng katawang hinintay maagnas?
kailan ba matatapos, satanas?kailan ba matatapos ang iyong galit
sa mortal na buhayng matiwasay ang gustong ipilit?
parang-awa mo na Diyos ko,
tulungan mo ako.
BINABASA MO ANG
Syntax
PoetrySyntax (n.) the arrangement of words and phrases to create well-formed sentences in a language. "when your voice is not enough, let your pen do the work." Poems written by yours truly. Please criticize, it's highly appreciated. Lovelove~