"Dalawang Salita"

21 1 0
                                    


"Mahal kita"
Dalawang salita
Madaling bigkasin
Mahirap panindigan

"Mahal kita at hindi magbabago iyon"
Mga salitang ginamit para bihagin ang pusong mahinahon
Akala ko mga salita'y purong katotohanan,
Yun pala purong kasinungalingan.

Kasinungalingang iniisip ko na sana'y totoo
Kasing totoo ng purong ginto
Para puso ko'y maging buo
At kailanman ay hindi na magbago

Ngunit wala akong magagawa
Kung ikaw ay lilisan na.
Sapat ng sinabihan mo kong "mahal kita"
At kahit papaano ay ako'y iyong pinasaya

"Mahal kita"
Dalawang salita
Nakakabihag ng puso
Pusong uto-uto.

SyntaxTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon