Chapter 1 - Start of A New Friendship

321 17 0
                                    


3rd Person's POV

"Habulin mokooooo" sigaw ni Nina kay Cheska na hawak hawak ang Cellphone nito. "Nina akin na!" sagot naman ni Cheska. Naghabulan ng masaya ang mgkaibigan hanggang sa..

"Ouch!" natumba si Cheska dahil sa sobrang pagtakbo sa isang lalaki na parang kasing edad lang din nya. "Ate, Ok ka lang ba? Sa susunod mag ingat ka ha. Baka madapa ka nanaman sa iba" sabi ng lalaki na nakasimangot.  "Ok lang ako. Sorry ahh. Yung kaibigan ko kasing makulit ehh!" sagot naman ni Cheska. "Ok lang. Ako nga pala si Derrick." pagpapakilala ni Derrick at Sabay pagabot ng kamay nya na may kasamang matamis na ngiti. "Ako si Cheska" pagtugon ni Cheska at Inabot ang kamay ni Derrick.

Nagkwentuhan sila kasama ni Nina. Maya-maya ay may tumawag sa Cellphone ni Derrick. Ito pala ang kanyang kuya. Pinapauwi na daw sya nito dahil malapit na sila kumain ng hapunan. "Sige, Cheska. Babay na, pinapauwi nako ehh. Chat mo nalang ako ahh." pagpapaalam ni Derrick. "Sige, Ingat ka ahh!" sagot naman ni Cheska, Sabay pagkaway ng kanyang kamay sa papaalis na si Derrick.

Pag-alis ni Derrick ay agad namang tinanong ni Nina si Cheska kung nagkakacrush na ba ito kay Derrick.
"Besh, crush mo ba yun? Yung tingin mo sakanya kanina iba ehh! Oyy ikaw ahh!" pangaasar ni Nina. "Di ko sya crush. Kakakita lang namin, crush agad?!" namumula ng onti si Cheska kaya lalo itong inasar ni Nina. "INLAB NA ANG BESPREN KOOOO!" Malakas na sigaw ni Nina. "Huy, Tumahimik ka nga. Di ko yun crush." sagot ni Cheska. "Wehh? Iba talaga tingin mo sakanya kanina ehh!" pangaasar parin ni Nina. "Pero cute sya actually" sabi naman ni Cheska. "WAHHH CUTE DAWWW! CRUSH MO NOHH?! Na-love at First Sight ka na ata Bessy!" pagsigaw ni Nina. "Hindi nga! Sadyang nacucute-an lang ako sakanya" pagpapaliwanag ni Cheska.

Maya-maya ay umuwi narin ang magkaibigang sina Cheska at Nina sa kanikanilang mga bahay. Paguwi ni Cheska, agad nyang tiningnan ang kanyang cellphone dahil may isang notification.

_______________________________________

Friend Requests: 1 new
Derrick Natividad |Accept|Decline

_______________________________________


Cheska's POV

"Derrick Natividad. Sya na kaya ito?"
Sya na siguro yan. Sya lang naman ang Derrick na nagsabi sakin kanina na magchat kami.

Aaminin ko, pasok sya sa gusto ko sa lalaki. Mabait, Masiyahin, Matulungin etc. Kaso dapat ngumiti sya kahit onti lang. Kala mo kasi masungit, yun pala madaldal din at masiyahin. Pero cute parin sya kahit di nakangiti. PERO DI KO SYA CRUSH AHH! Kakakilala lang namin ehh, Crush agad agad?!?? 😑

_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_

Eto ang simula ng pagkakaibigan nila Cheska at Derrick. Nang mga panahong ito, Grade 6 palang silang dalawa at bagong lipat lang ng bahay sila Derrick, kaya laking gulat nila nang sila ay nagkita ulit...

Kailan at Saan kaya sila ulit nagkita?
-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-

Annyeonghaseyo!
Thank You for Reading [kung merong nagbabasa hehehe 😆]. Please Vote if you liked the chapter. Comment if you have suggestions and Sorry kung napakaikli ng first chapter. Continue reading the other chapters po pag magupdate si akuuue. Sana po nagustuhan nyo ang chapter na ito. That's all. Kamsamnidaaaa ❤️

-Min Sophie ❤️

My Forever Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon