Chapter 6 - Unexpected Heart Break

98 12 3
                                    


Tapos na ang sem-break nila at simula na ulit ng klase. Aa usual, magkasama agad si Derrick at Cheska dahil namiss nila ang isa't-isa.

Cheska's POV

Kasama ko si Derrick ngayon. Papunta kami sa Canteen, Kakatapos lang namin magpractice para sa project namin ehh.

"Ohh ano gusto mo?" tanong nya sakin. "Ika-- I mean kahit ano." Jusko mapapaamin nanaman ako ohh! "Cookies, gusto mo?" sabi nya sakin. "Sige" sagot ko naman ng nakangiti.

Pagkabili namin ay lumabas na kami at Umupo kami sa may ilalim ng puno. Habang kumakain kami, bigla syang nagtanong sakin.

"Sino ba ang Crush mo? Matagal na tayong magkaibigan, hindi ko parin alam yan hanggang ngayon." Sabi nya. Dapat ko bang aminin, Or Wag nalang? 

"Uhmm. Wala akong crush ehh." pagsisinungaling ko. Hindi ko nalang aaminin. Baka masira lang ang friendship namin.

"Ayy weh? Meron yaaaan! Ayaw mo lang sabihin ehh." sabi nya sakin. Ang kulit din into ohh. Tsehh, bahala sya. Di ko aaminin!

"Wala nga! Ang kulit nito ehh!" sabi ko sakanya na nagpipilit parin malaman kung sino ang Crush ko.

"Ok. Edi wala na kung wala." sabi nya ng nakasimangot. "Ayaw mo lang sabihin ehh!" Pagpapatuloy pa nya.
"Aishh! Paulit-ulit ahh! Wala nga ehh!
sabi ko sakanya.

"Ehh, Ikaw ba. Sino ba Crush mo?" bigla kong tinanong sakanya. "S-si.. "
Sabi nya. Ayoko masaktan. Bakit ko ba kasi tinanong tohh. 😂😥

"Si..." sabi nya ulit. Kung pigilan ko nalang kaya sya. Baka mabasag lang puso ko ehh. "Si Julienne" TOO LATE. Basag na puso ko.

Wahhh! Ang sakittttt! Hindi nga nya ako magugustohan. Sabi na ehh! Pero bakit sya! Anong meron sakanya na wala ako! WHYYYYYYY 💔

"W-wow. Sya p-pala crush mo." Malungkot na sabi ko, habang nagpipilit na ngumiti. Shemay naiiyak nako. Ang sakit grabe!

"Ok ka lang? Why you saaad?!" Sabi nya sakin. "Ahh wala lang tohh. Don't mind it. Naisip ko lang yung assignment di ko pa pala nagagawa." Pagpapalusot ko.

"Anyways, bakit mo pala sya crush?"
Tanong ko sakanya na pinupunasan ang luha ko. "Well, She's Cute and Kind. Tapos Matalino din sya." sagot ni Derrick.

Kaya naman pala. Cute, Kind at Matalino... Sabi na nga ba, wala akong pag-asa ehh. Mukhang Best Friend lang talaga nya ako. Ang sakit sakittt.

"May kukunin lang ako sa classroom ahh." pagpapaalam ko. Ayaw Kong makita nya na umiiyak ako. Baka akalain nun na nababaliw nako. "Sige. Basta bumalik ka ahh" sabi nya

"Syempre naman babalik ako. Di kita iiwan nohh!" Sagot ko naman. "Ok. Ingat ka, baka mahulog ka." sabi nya habang ako naman ay tumatakbo papunta sa hagdan.

"Nahulog na nga ako ehh. Nahulog sayo." bulong ko sa sarili ko. Habang papunta ako sa classroom namin, Nakita ko si Lia at Iyara. "Ohh bakit ka umiiyak?" tanong ni Iyara

"Wala lang tohh." sagot ko naman. "Ok ka lang ba?" sabi naman ni Lia. "Ok lang ako. Keri ko tohh" sabi ko habang pinipilit ngumiti.

Sinamahan ako ni Iyara at pinapatahan nya ako. "Wag ka na umiyak, Unnie! Sige ka papanget ka nyan!" sabi nya habang nakaakbay sakin at nakangiti.

"Sige na nga! Thank You ahh!" sabi ko kay Iyara at niyakap sya. Kinuha ko na ang bag ko sa classroom at pinunasan ko na ang luha ko.

Habang pababa kami ay unti-unti na rin akong sumasaya, dahil nagbibiro at nagpapatawa sila Lia. Maya-maya rin lang ay nakababa na kami.

Nakita ko si Derrick. Nandun parin sya sa may puno, Naghihintay. Pinuntahan ko na sya at tinuloy na ulit namin ang pagkwekwentuhan na parang walang nangyari.

Iisipin nya na masaya talaga ako. Pero kung alam nya lang kung ano ang naramdaman ko, Nabasag ang puso ko. Pero susuportahan ko nalang sya kung saan sya masaya. Masaya narin ako pag nakikita ko ang ngiti nya.

Pero naiyak ako ulit nung makita ko si Julienne, napadaan sya sa may Harap namin at ngumiti kay Derrick. Si Derrick naman ay namula. Kinikilig siguro sya.

Ouch! Ang sakit pala ng feeling na makita mo ang crush mo na kinikilig. Kaso sa ibang tao, hindi sayo kundi sa Crush nya. 💔

Derrick's POV

Hala bakit kaya sya umiyak? Ok lang kaya sya? Sino naman kaya ang nagpaiyak dun! Baka may naalala lang sya? Ayy ewan. Papatawanin ko nalang sya.

"Oyy! Cheska!" sigaw ko sakanya kahit katabi ko lang naman sya 😂. "Bakit!?" sigaw nya sakin. "Sino nagpaiyak sayo?" sabi ko habang nagpapacute.

"Ah eh. Ano k-kasi. N-naisip ko lang yung aso ng kapitbahay namin. Namatay kahapon ehh." mahinang sabi nya. "Huh?" sabi ko naman.

"Nevermind. Sabi ko ang Cute mo." sabi nya sakin. Anong connect nun?!
"Pakiulit nga po." sabi ko sakanya. "Sabi ko ang Cute mo." paguulit nya. "Ikaw din cute ka." sagot ko naman

Cute naman talaga sya ehh. "Yieee kaya lablab kita ehh." sabi ni Cheska sakin. "Ngumiti na sya! Yey! Di na malungkot besty ko!" sabi ko sakanya. "Dapat smile ka lang lagi! Bahala ka papanget ka nyan." pagpapatuloy ko.

"Panget na talaga ako." sabi ni Cheska.  "Ayy nakuuuu! Di ka panget Bes! Sino nagsabi sayo nyan. Sapakin natin!" sabi ko sakanya. "Sasapakin moko?" sabi naman nya habang tumatawa.

"Hindiiiii!" sagot ko sakanya. "Sabi mo sasapakin mo ehh" sabi naman ni Cheska. "Eto naman! Di mo kasi sinabing ikaw yun." sabi ko naman sakanya.

"Pero kung may ibang nagsabi, sasapakin ko talaga?" Tanong nya sakin. "Oo naman! Walang dapat umaway sa Best Friend ko!" Sabi ko sakanya at napangiti naman sya.

"I love you Bes." Sabi nya ng mahina at niyakap ako. "I love you too, Cheska." sabi ko naman at lalo nyang hinigpitan ang yakap sakin.

Mahal na mahal ko ang best friend ko.  Sana kasama ko sya habang buhay.
Gusto ko lagi ko syang maproprotektahan pag may umaaway sakanya.

"Thank You dahil lagi mo akong inaalagaan. Kahit lagi rin kitang inaasar. I lablablablablab you bessy!"
Sabi ni Cheska sakin. Kaya namiss ko ang babaeng tohh ehh! 

Namiss ko yung kakulitan nya. Yung pagiging masiyahin nya. Yung pagiging adik nya sa K-Pop at K- Drama. 😂

Buti nalang magkikita na kami ulit ngayon araw-araw dahil tapos na ang Sem-Break.

"Hindi ako magsasawang alagaan ka, Cheska. Dahil ikaw ang Best Friend ko." Sabi ko kaya Cheska habang umaalis sya sa pagyakap sakin.

"Thank You Besty!" Mahinang sabi nya at umalis na kami sa ilalim ng puno.

---------------------------------------------------------

Annyeoooooooong!
Thank You for Reading this Chapter.
Pleaseuu don't forget to Vote if you liked this Chapter and Comment your thoughts and suggestions if you have any. HUHUHUHUHU Back to School na 😥 May pasok na kami bukas. Baka late ako makapagupdate ulit pero PROMISEEEEEEEEEEEE!
I will update at gagandahan ko yung next update.

Aaaaaat sino dito ang Excited din katulad ko para sa start BTS FESTA bukaaaas! Huhu sumabay pa ang back to school namin pero I'll try to find a way to still watch it kahit na may pasok na kami.

Anyways, KAMSAMNIDAAAA!
Thank You! Thank You! Thank You for Reading and Thank You din sa mga nagvovote! I Purple Youuuu!
And my nickname changed 😂
share ko lang 😂

SARANGHAAAAAEEEEE!

-Min Yumi 💜😆

My Forever Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon