Chapter 5 - Nahulog na nga ba?

103 10 3
                                    

Lalong naging malapit sa isa't-isa sila Cheska at Derrick sa paglipas ng mga araw. Tuluyan narin yatang nahulog si Cheska sa kanyang Besty.

Cheska's POV

"Uyy may kasama sila Betthany." Sabi ko kila Lia at Derrick habang papunta kami kila Betthany. Kasama din nya si Allysa at ang Dalawang kaklase namin.

Sa pagkakaalam ko, Sila ay sina Iyara at Rhianna. Medyo Matagal na kaming magkakaklase pero hindi kami ganun ka-close nila Rhianna.

"Hello!" sabi ni Iyara samin. "Hiiiiii!" sagot ko naman. "Upo kayo!" Sabi naman ni Rhianna ng nakangiti. "Thank You!" sabi namin ni Derrick ng sabay.

"Ayieee Sabay sila!" sabi ng lahat bukod samin ni Derrick. Yieee sabay kami! "Hay naku!" sabi nanaman namin.. Ng sabay! "SABAY NANAMAN SILA!" sabi ulit ng lahat

"Hala..." sabi ni Derrick. "Anyare sa kanila?" sabi ko naman. "Ewan ko din ehh." sagot naman ni Derrick.

Magkakasama kami nila Derrick, Veronica, Nina, Betthany, Allysa, Iyara at Rhianna ngayon at Kumakain, as usual. Food is Lifeu nohh!

Magkakaroon kasi kami ng sem-break kaya may 'mini party' kaming magkakaibigan. Isinama narin namin sila Rhianna at Iyara, kasi The more, the Merrier!

"Cheska, Gusto mo?" sabi sakin ni Derrick at Sinubuan ako ng Carbonara. Shemay kakilig naman si Bessy! "Yieeeeeeee!" sigaw ng lahat habang kami ay tuloy lang sa pagkain.

Oo na, Crush ko sya. Pero wala naman akong pag-asa, diba? Nahh, ok lang.
"Ang Sweet nyo Naman!" sabi ng padating na sila Benjamin, Matteo at William.

Sila William ay mga kaibigan din namin, di ko nga lang masyadong kasama kasi sila nila Derrick ang close. Pero kaibigan ko rin sila.

"Hala sila!" sabi ko sa kanila . "Wala namang masama na bigyan ng Carbonara ang Best Friend mo diba?" Sabi ni Derrick. "Oo nga naman! May point sya dun!" sabi ko naman.

"Ehh di kayo na HAHAHAHAH" sabi ni Matteo. "Walang Kami" sabi naman namin ni Derrick ng sabay. "Ay ay ay sabay nanaman silaaaa" sabi ng lahat

Ok titigil nako sa "nagkasabay sila magsalita" scenes. -Author 😂

"Gehh dahil nandito na ang lahat, START NA ANG PARTY!" Sigaw ni Benjamin at nagsigawan rin ang lahat. Yeshh! Kantahan nanaman kamiiiiii!

Pagkatapos namin magkantahan ay nagsalita bigla si Betthany sa harapan.
"Guys, Thank You for being my Friends. I love you all." At lahat kami ay niyakap sya.

Sa totoo lang, mamimiss ko sila. Lalo na si Derrick. Yung best friend ko na sikretong minamahal ko. Charot lang!
Aishh! Andami Kong drama! Dapat happy happy lang!

"Cheska..." may biglang nagsalita sa likod ko. "Baki--" sabi ko habang patalikod at natumba kami bigla ni Derrick dahil nandoon pala siya sa likod ko.

Muntik na magkalapit ang mga labi namin. Buti nalang di kami nag-kiss. Pero magkalapit parin ang mukha namin. Wahhhh! Omayyyyy!

Tumayo na kami at pagtayo namin, lahat sila nakatingin samin. "Oh bakit kayo nakatingin samin?" Tanong ko sakanila. "Ehem Ehem bakit kami hindi titingin?" Sabi ni Matteo.

"Wala naman kayong dapat tingnan ehh." Sabi naman ni Derrick. "Yashh wala namernnn nga." Sabi ko naman.
"Edi wow. Magsama nga kayo dyan." Sabi ni Matteo na ikinatawa namin

"Sorry ngapala" sabi ko kay Derrick. "Hindi, Ok lang. Pangalawang beses ka nang nahuhulog sakin ahh" pangaasar naman nya. "Tseh. Di ko gusto yun nohh." sabi ko ng nakasimangot.

"Kahit ilang beses ka Pa mahulog, Ok Lang. Sasaluhin naman kita ehh" sabi nya sakin at ngumiti. Yieeee sasaluhin daw akuuuuue. "A-ano?" Sabi ko naman sakanya.

"W-wala" sabi naman nya. Hay naku, narinig ko kaya. Bahala nga sya. Paasa lang yan. Charrr. "Ok. Bakit mo ngapala ako tinatawag kanina?" tanong ko kaya Derrick.

"Ahh tatanungin ko ngapala kung saan ka magbabakasyon" sagot naman nya. "Sa bahay lang siguro ako. Ikaw, saan ka magbabakasyon?" sabi ko naman.

"Sa bahay ng Lola ko. Pero babalik rin kami agad" sabi nya sakin. "Ahh okieee! Ingat ka dun bes ahh." sabi ko sakanya at niyakap ko ito.

Mamimiss ko sya. Pero ok lang din. Atleast magkakapagpahinga kami ngayong bakasyon. Sana lang maging maayos din ang bakasyon nya.

Natapos na ang 'mini party' namin kaya nagsiuwian narin kaming lahat.
"BYE GUYS!" Isa-isa naming sigaw habang papaalis kami sa school.

Matagal-tagal rin ang panahong di ko makikita ang mga kaibigan ko. Para ko na silang mga kapatid. Lalo na si Derrick. Mamimiss ko sila ng sobra.

---------------------------------------------------------

New Characters

William Delos Santos
Kapatid ni Benjamin. Classmate din nila Cheska at Best Friend ni Derrick. Mabait, Maalaga at Magaling sa Science.

Matteo Reyes
Masiyahin at Makulit. Best Friend din siya ni Derrick. Mahilig syang magpatawa at mangulit ng ibang tao.

---------------------------------------------------------

Annyeooooooong!
Thank You for Reading this Chapter.
I hope you liked it po and if you
liked it, Please Don't Forget to Vote and Comment your thoughts about this chapter, if you have any.
Sorry po kung napakalate akong nagupdate at napakashort ng chapter na ito. Medyo busy po kasi tas nadelete ko pa yung iuupdate ko dapat. Mianhae 😥
Thank you po ulit for reaaaading!
I Purple Youuu 💜 Saranghaaae 💜

-Min Sophie 💜

My Forever Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon