Chapter 7 - Happy Without Me

88 10 5
                                    


Suggestion: I-play nyo po yung music para mas feel ang storyyyy.
                      
- Author 😂💜

Cheska's POV

After nung sinabi ni Derrick kung sino yung crush nya, Parang napansin ko bigla na pag kasama nya si Julienne, Iba ang ngiti nya.

Para bang sobrang saya nya. Parang mas masaya pa ata sya pag kasama nya yung crush nya. Ok na din yun. Atleast nagiging masaya sya. Kahit yung puso ko unti-unting nadudurog.

Nandito ako ngayon sa gilid ng puno. Pinapanood sila habang sila'y nagtatawanan. "Julienne!" sigaw ni Derrick. "Oh ano?" sagot naman ni Julienne.

"Ahmmm... May gusto sana akong sabihin..." sabi ni Derrick. Di kaya aamin na toh? Nung isang araw kasi nagpapatulong sya sakin sa pag-amin.

"G-gusto K-kita" sabi nya. Dalawang salitang tuluyang dumurog sa puso ko. Di ko na kaya makita tohh! Pero pipilitin ko paring manood.

Kung kaya ko lang maibalik ang oras, pipilitin kong hindi na sya magustuhan. Masasaktan nga lang naman ako.

Nagiging mas malapit na sila sa isa't-isa simula nung umamin si Derrick. Habang ako naman, Nandito lang sa gilid, di napapansin.

Masakit. Masakit na masakit. Pero kinakaya ko, kasi matapang ako. Kasi hindi ko gustong umiyak dahil sa isang lalaki lang. Kaso di ko na kaya.






Di.

Ko.

Na.

Talaga.

Kaya.






"Derrick Natividad!" isinigaw ko at nagtago bigla. Lumingon si Derrick sa kung saan-saan "Sino yan? Bakit?" sabi nya. "Derrick Natividad!" pag-uulit ko.

"SARANGHAEYOOOO, MAHAL KITA, I LOVE YOU!" Isinigaw ko at nagtago ulit. "CHESKA IKAW BA YAN?!" Sabi nya. "Hindi!" sagot ko naman. "Sayang!" sabi naman nya.

"Bakit ba?!" sabi ko sakanya. "KUNG IKAW SI CHESKA, I LOVE YOU TOO!"
Sigaw nya na ikinagulat ko. "OMAYGASH!" Napasigaw ako. Totoo ba 'tong naririnig ko?!

"OO MAHAL KO NGA SI CHESKA!" Sigaw nya ulit. "Mahal ka rin ni Cheska" sabi ko sa isip ko. "Kala ko ba gusto mo si Julienne?!" sabi ko sakanya.

"Crush ko sya, pero crush lang. Di ko naman sya mahal." sagot ni Derrick na lalong ikinagulat ko. Totoo ba talaga ang mga naririnig ko?!

Parang kanina lang ay nadurog ang puso ko. Sya ang dumurog, pero sya din naman ang nagayos nito. I love you, Besty. "SORRY, PERO HINDI AKO SI CHESKA" Isinigaw ko at umalis na.

Sa ngayon, Hindi ko muna aaminin na ako yung sumigaw kanina. Pero alam ko na na mahal din nya ako. Kahit yun lang, ikabubuo na ng buong araw ko.

       BUT I STILL WANT YOU~💜😍        

Derrick's POV

Oo, mahal ko sya. Yun ang dahilan kung bakit ayaw kong nakikita syang nasasaktan o umiiyak. Nagsimula sa pagiging magkaibigan lang, pero unti-unti akong nahuhulog.

Nahuhulog sakanya kahit di ko alam kung pareho rin ang nararamdaman nya. Gusto kong sabihin sakanya. Pero baka layuan nya lang ako.

Ngayong nasabi ko na, Sa ibang tao nga lang yata. Sana walang magsabi sakanya. Sanaaaaaaaaaaa. Mahal na mahal ko talaga sya.

Tsaka bata pa naman kami. Ipapaalam ko naman sakanya yun pagdating ng tamang panahon.

---------------------------------------------------------

Annyeoooooooooong!
Thank You for reading this chapter! Comment your thoughts and suggestions if you have any. Don't Forget to Vote if you liked this story and Share this story if you want to.
Sorry for the short update.
Kamsamnidaaaa!
Saranghaeeeeeeee!

- Min Yumi 💜😂

My Forever Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon