Chapter 8 - Letting Go

84 7 0
                                    

Play nyo po yung soooong para mas feel ang storrryyy
-Author 😂💜

3rd Person's POV

Paamin na si Derrick kay Cheska dahil patapos narin ang taon. Kaso lang, may hindi inaasahang pangyayari ang dumating...












Ang pagtira ng pamilya ni Cheska sa ibang bansa.

Biglaan lang ito dahil ang Kuya ni Cheska ay nakahanap na ng maayos na trabaho, sa ibang bansa nga lang. Buong pamilya nila ang sasama at doon muna titira sa ngayon.

"Derrick, may sasabihin sana ako sayo." Sabi ng naluluhang si Cheska kay Derrick na Best Friend nya. "Ano yun?" Sabi naman ng nagtatakang si Derrick.

"Eto na siguro ang huli nating pagkikita." Sagot ni Cheska na lalo namang ipinagtaka ni Derrick. "Huh? Bakit naman? Magkalapit lang naman ang bahay natin ahh." Tanong ni Derrick.

"Aalis na kami..." Sagot naman ni Cheska. "What do you mean? Aalis? Saan naman kayo pupunta?" Sunod-sunod na tanong ni Derrick.

"S-sa ibang bansa na kami titira." Sabi ni Cheska. Naiba bigla ang simoy ng hangin. Para bang biglang kalungkutan nalang ang bumabalot sa dalawa.

"A-ano?!" Sabi ng malungkot na si Derrick. "So... I think it's goodbye for now?" Sabi ng naluluha paring si Cheska.

Derrick's POV

"So... I think it's goodbye for now?" Tama ba itong narinig ko? Si Cheska, Aalis?! At sa ibang bansa pa titira...

"Uhmm, Bes... Basta babalik ka ahh! Balikan mo ako. Wag mo akong kakalimutan. Kasi alam mo naman na mahal na mahal kita." Sabi ko sakanya.

Sa lahat naman ng taong pwedeng umalis, Si Cheska pa talaga! Yung taong pinakamamahal ko. Yung taong nagpapasaya sakin. Yung taong lagi kong kinukulit. Yung taong laging nagpapaalala saking ngumiti.

"Anak, Tara na aalis na tayo!" narinig kong sabi ng nanay ni Cheska. "Ohh pano ba yan, goodbye na bes..." sabi ni Cheska. "I-i love you" pagpapatuloy nya at niyakap nya ako.

Pagkatapos nya akong yakapin ay tumakbo na sya papunta sa sasakyan nila. Hindi ko man lang nasabi ang gusto kong sabihin.

I love you too, Cheska.

Hanggang dito nalang ba talaga kami?

Cheska's POV

Mukhang hanggang dito nalang talaga ang love story namin. Di ko alam kung kailan kami babalik ehh. Sayang lang din na nagkakilala kami dahil maghihiwalay lang pala kami.

Napaisip ako habang nasa sasakyan. Siguro okay na rin na umalis ako. Sana lang maging masaya sya dito. Sana lang magmahal sya ng taong karapat-dapat sakanya.

Naalala ko yung mga panahong napapatitig ako sakanya at napapaisip na 'Eto yung taong nagpapasaya sakin.'.

Naalala ko pa na pag malungkot ako, Lagi syang nagpapatawa para ngumiti ako.

Naalala ko yung mga times na pupunta kami sa canteen tas ililibre nya ako ng kung-ano-ano dahil alam nyang mahilig ako kumain.

Mamimiss ko sya. Sobra.

Dati pag pupunta kami ng ibang bansa, di naman ako ganito kalungkot. Pero bakit ngayon, parang ayaw ko tumuloy?

Kaso lang hindi pwede. Buong pamilya na namin ang titira doon at di ako pwedeng maiwan mag-isa sa bahay.

Siguro, this is Goodbye na talaga. Di ko alam kung makikita pa ba kami ulit or baka naman pag magkita kami ulit, di na nya ako kilala.

Napatingin nalang ako sa wallpaper ko.

Bakit ba lahat nalang ng bagay nagpapaalala sakanya? Siguro dahil minahal ko sya ng totoo, pero di lang nya alam

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Bakit ba lahat nalang ng bagay nagpapaalala sakanya? Siguro dahil minahal ko sya ng totoo, pero di lang nya alam.

Nakarating na kami sa airport ng di manlang ako nagsasalita. Di ko talaga alam kung bakit di ako maging masaya na sa ibang bansa na kami titira. Pangarap ko yun dati ehh.

Hayaan mo na nga! May chance pa naman siguro na makita ko sya ulit after a few years kaya dapat maging masaya nalang ako.

Papasok na kami sa entrance ng airplane ng may marinig akong nagsabi.

"Cheska! Wag ka munang umalis!" parang boses ni Derrick, kaso di ko na sya pwedeng puntahan dahil papasok na kami sa airplane.

3rd Person's POV

Siguro nga eto na ang huli nilang pagkikita. Parehong malungkot sila Cheska at Derrick. Di nila alam na mahal pala nila ang isa't-isa. Walang umamin bago sila maghiwalay.

Is this goodbye for Cheska and Derrick?

---------------------------------------------------------

Annyeoooooooooong!
Nagustuhan nyo ba ang chapter na ito? Thank You very much for reading! If you liked it, Don't forget to vote and Comment your thoughts and suggestions if you have any. Share if you want to.
KAMSAMNIDAAAA!
SARANGHAEEEEEEE!

-Min Yumi 💜😂


My Forever Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon