Chapter 4 - Supportive Besty

143 10 0
                                    


3rd Person's POV

Lumalabas nanaman ang ka-adik-an ni Cheska sa K-Pop pati na sa K-Drama at dito nya ilan sa mga naging kaibigan na sila Betthany, Allysa at Lia.

Nanonood sila Betthany at Allysa ng isang K-Drama sa Canteen pagkatapos ng klase nang mapadaan si Cheska at Derrick.

"Besty diba favorite mo yan?" Bulong ni Derrick kay Cheska ng makita ang K-Drama na pinapanood ng dalawa. "Huh? Alin? Saan?" Tanong naman ng nagtatakang si Cheska.

"Yung pinapanood nila" sagot ni Derrick habang itinuturo sila Betthany. Nakita naman nila Betthany ang dalawa kaya tinawag niya ito.

"Hi. Classmate namin kayo, diba?" Sabi nya paglapit nila Cheska. "Yeshh" sagot naman ni Cheska. "Narinig ko sa kaibigan mo na nanonood ka rin daw ng K-Drama. Wanna join us?" Sabi ni Betthany.

"Sure" sabi ni Cheska at umupo ito sa tabi nila. "By the way, I am Betthany." Pagpapakilala nito at sumunod naman si Allysa "Hi. I am Allysa" sabi nya at ngumiti.

"I'm Cheska." Sabi ni Cheska sa Dalawa. "I'm Derrick" sabi ni Derrick pagkatapos magpakilala ni Cheska.
"Tara Nood na Tayo!" Masayang sabi ni Betthany at ipinagpatuloy nila ang panonood.

"Wait lang, Besty. May kukunin lang ako saglit." sabi Ni Derrick at umalis ito. "Gehh lang Bes." sagot naman ni Cheska.

Maya-maya ay bumalik na si Derrick na may dalang Fries. "Gusto mo?" Sabi niya kay Cheska. "Thank You!" Sabi naman ng nagugutom na na si Cheska at Kumuha ng Fries.

"Kain kayo!" Pagaalok ulit ni Derrick at Kumuha na rin ang Dalawa. "Thanks!" Sabi ng nila Betthany at Allysa. Tinuloy na nila ulit ang panonood.

Mabait naman pala talaga itong si Derrick. Aakalain mo lang na masungit kasi di sya madaldal lalo na pag di pa nya kilala ang isang tao.

Derrick's POV

Mukhang ang saya-saya ni Cheska ahh. Atleast nakahanap na sya ng makakasundo nya sa K-Pop at K-Drama. Di ko nga alam kung bakit Adik na Adik sya dun ehh.

Pero basta kung saan masaya ang Best Friend ko, OK na rin sakin yun! Natutuwa rin kasi ako kapag nakikita ko syang nakangiti ehh. Kaya susupportahan ko nalang syakahit anong mangyari.

"Bes, nood ka rin ohh! Ang ganda ng episode na tohh!" sabi nya sakin ng nakangiti. "Sige lang." Sagot ko naman.

"Lia!" sigaw nila Betthany nung makita ang isang babae. Kaklase din ba namin sya? Dapat kasi may introduce yourself kami ehh! Iilan palang tuloy ang kakilala namin.

"Betthany! Allysa!" sigaw rin nya habang tumatakbo papalapit samin.
"Anong pinapanood nyo?" tanong nya samin. "Ahh, K-Drama!" Sabi ni Allysa.

"Sya nga pala si Cheska." pagpapaki- lala ni Allysa samin. "At sya naman si Derrck, mga bagong kaibigan namin"
sabi nya habang itinuturo kaming dalawa.

"Hi, Nice meeting you. Ako nga pala si Lia." pagpapakilala nya samin. Mukhang makakasundo din sya ni Cheska.

"K-Pop fan ka din ba?" tanong ko sa kanya. "Yashh!" sagot naman ni Lia. "Mukhang magkakasundo kayo ni Cheska. Diba Bes?" sabi ko sakanila.

"YESSS OMG" sabi ni Cheska. Sabi na nga ba ehh, magkakasundo sila. "KPOP FAN KA RIN?!??" sabi ni Lia kay Cheska. "YAZZZ!" sagot naman ni Cheska at niyakap ng dalawa ang isa't-isa.

Di ako makarelate kaya buti nalang, may charge ang cellphone ko. Maglalaro nalang nga ako ng Video Games habang hinihintay ko 'tong si Cheska.

Cheska's POV

Owemjiiii! May bago akong nakilala na K-Fan Din! Ang saya-saya ko kasi may kaibigan na rin ako na nakakarelate sa mga kwinekwento ko.

At si Derrick Pa talaga ang nakapansin na pinapanood nila Betthany ang Favorite K-Drama ko. He really knows me na ahh!

Natapos narin kami sa panonood at maya-maya ay sinundo na sina Betthany at Allysa, kaya naiwan kami ni Lia sa Canteen.

"Pano ka ba naging K-Fan?" tanong sakin ni Lia. "Nakita ko kasi sa recommended videos sa YouTube. Tapos yung mga pinsan ko rin, K-Fans" sagot ko sakanya.

"Ehh yang nagcecellphone na Besty mo?" sabi nya na ikinatawa ko. "Si Derrick ba? HAHAHAHA" sabi ko naman kay Lia. "Yahh" sagot naman nya.

"Hindi sya Fan, Pero Alam nya ang K-Pop at K-Drama dahil sakin" sabi ko habang si Derrick ay Tuloy parin sa paglalaro ng Video Games.

"Sige Good-bye na ahh!" sabi ng papauwing si Lia dahil natapos na ang klase ng Ate nya. "Byeeeee!" sagot ko naman.

Naiwan nalang kami dito ni Derrick at yun, tuloy parin sya sa Paglalaro. Bakit Ganun, Tuwing tinitingnan ko sya, Parang bumibilis ang tibok ng puso ko.

Because BFF ko ba sya? Or Dahil Crush ko na sya? No, It can't be! I can't fall in love with my Best Friend!

Di nya naman siguro napapansin na kanina pa ako nakatingin sakanya, busy maglaro ehh.

*Shookt* Omaygash tumingin sya sakin! Iiwas na ba ako ng tingin or hahayaan ko nalang na magkatinginan kami?! Ok, Choice #2 muna hanggat di sya nagrereact.

So, yun nga. Nagtinginan lang kami,  at parang sya lang ang nakikita ko,  wala nang iba. Ngumiti sya bigla sakin. Shems ang puso ko parang lalabas ata!

Why is the world like this! Mahuhulog na yata ako sa Taong tohh! Sana lang pag mahulog ako, handa syang saluhin ako.

"Ate, Kuya gusto nyo po ng Cupcakes?" May nagsalita kaya bigla na ikinagulat namin. "Project lang po namin tohh" pagpapatuloy pa nya.

Syempre may panira ng moment. Galing diba! "Ah, magkano ba yan?" Ssabi ni Derrick sakanya. "25 pesos po ang isa" sagot naman ng babae

"Pabili ng dalawa" sabi ni Derrick habang kinukuha ang wallet nya. "Ang lakas mo naman kumain" sabi ko habang tumatawa.

"Para sayo yung isa" sabi nya na ikinagulat ko, ulit. "Uhmm, Thanks Bes!" sabi ko habang binibigay nya sakin ang cupcake.

"Ang bait mo naman" sabi ko sakanya habang nakangiti. "Syempre naman. Diba mahilig ka rin sa cupcakes, kaya ibinili na rin kita." sagot nya habang nakangiti rin.

Kanina pa sya nagsheshare ng pagkain sakin ahh. Nasesense nya ata ang gutom ko ehh, Char.

Pagkaubos namin ng cupcakes ay sabay na kaming umuwi dahil halos magkalapit lang naman kami ng bahay at wala ang service ko ngayon.

"Byeeeeee!" sigaw nya nung papasok nako ng bahay. "Byeee Derrick! I love You!" sabi ko sakanya. Wait lang... OMG nag I Love you ako sakanya!

"As A Best Friend!" sinabi ko nalang kasi baka magulat yun. "Labyu too as A Best Friend!" sagot naman nya habang tumatakbo pauwi.

Haaaaaaays. Andaming nangyari sa araw na ito. Pagkatapos kong gawin ang Homework namin ay matutulog narin nga ako.

---------------------------------------------------------

New Character:

Lia Oliveros
K-Pop fan din. Magaling kumanta. Mabait at Maalaga sya sa mga kaibigan nya. Minsan Tahimik, Minsan Madaldal at Cheerful din sya, katulad ni Cheska.

---------------------------------------------------------

Annyeoooooooooong! 
Thank You Very Much for Reading.
Please Vote if you liked the Chapter and Comment your thoughts and suggestions if you have any.
Sorry po dahil ang tagal ko mag-update. Again, Thank You for reading
Saranghaaaaaaeeeeee! ❤

- Min Sophie ❤









My Forever Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon