The Beginning
MINICA
"Hoy Minica!!! Gumising kana anong oras na mala-late na tayo sa trabaho!!!” Agad akong napamulat at saka dali-daling napabangon sa narinig ko.
Nanlaki ang mga mata ko ng mapatingin ako sa orasan at nakitang 6:30 na ng umaga.
Shocks, nakalimutan kong may trabaho pala kami ngayon.
Sa susunod hinding hindi na talaga ako iinom ng kape bago matulog.
"Hoy, Minica Guavez bumangon ka na dyan kung ayaw mong mawalan ng trabaho, anong oras na oh. Alam mo namang bruha ang boss natin.” Bumukas ang pinto ng aking kwarto at iniluwa nito ang bestfriend ko.
Dali dali naman akong tumayo at inayos ang aking sarili.
"Ano na naman bang ginawa mo kagabi at ngayon ka lang nagising? Alam mo namang may trabaho tayo ngayon diba?” Sermon nito.
"Sorry, nakalimutan kong may trabaho pala tayo ngayon.” Ani ko habang nagmamadaling pumasok sa banyo.
Bumuntong-hininga ito.
"Nakahanda na ang pagkain sa lamesa hihintayin na lang kita, kaya bilisan mo ng maligo at ng makakain na tayo.” Narinig ko pang sabi ni Misha bago tuluyang sumara ang pinto ng banyo.
Meet Misha Batungbakal, siya ang nag-iisa kong bestfriend mula noong bata pa ako hanggang ngayon, nakilala ko siya sa bahay ampunan kung saan ako dinala matapos mawala ng lola ko. Tulad ko ay isa rin siyang ulila mas matanda nga lang siya sakin ng isang taon.
Sabi ni lola namatay sa isang aksidente ang mga magulang ko nong baby pa lang ako, kaya ang lola ko na ang nagpalaki sakin mula nong mawala sila, kaya nga lang namatay si lola dahil sa heart attack.
Wala akong ni-isang kilalang ibang kapamilya namin at wala ring nagpunta sa bahay para kunin ako kaya matapos mawala ng lola ko, napunta ako sa bahay ampunan.
Wala akong kakilala non sa ampunan, lagi lang kasi akong tahimik, mag-isa, at hindi palakaibigan, kaya naman ako ang laging napagtritripan ng mga bata non, wala ni isang gustong maging kaibigan ako, maliban na lang kay Misha, isang araw habang inaasar ako ng mga bata bigla siyang dumating at pinagtanggol ako, magmula non, naging magkaibigan kami hanggang sa hindi na kami mapaghiwalay at naging matalik na kaming magkaibigan.
"Sa susunod na malate pa kayo, tatanggalin ko na talaga kayo sa trabaho naiintindihan nyo?” Masungit na sabi ng Boss namin.
"Yes ma'am.” Nakayukong tugon namin.
"Pasalamat kayo at mabait ako, dahil kung hindi tanggal na kayo.” Mataray na aniya.
Napa-ubo kami ni Misha dahil sa sinabi nito na mukhang napansin niya.
"Bakit? May problema ba sa sinabi ko?” Taas-kilay na tanong nito.
"A-Ah, wala po ma'am, nasamid lang po kami.” Palusot ko.
Ako na ang sumagot dahil mukhang walang balak magsalita si Misha.
"Pasalamat kayo at mabait ako, dahil kung hindi tanggal na kayo.” Kung makapagsalita akala mo kung sinong mabait, eh sobrang sama naman.” Panggagaya ni Misha sa Boss namin sa mahinang boses.
Sapat upang marinig ko, dahil na rin sa magkatabi kami.
Pero mukhang may radar ata si boss sa mga tainga.
BINABASA MO ANG
King Shadow's Heart
FantasyHe's ruthless, He's as cold as ice, He's dominant, He's hot, He's dangerously handsome, And most of all, He's extraordinary. Why? 'Cause he doesn't have a heart. Yes!!! You read it right! He doesn't have a heart, a literal heart. His name is Shadow...